Chapter 21: i miss you

38 3 0
                                    

TRISHA'S POV:

"Trisha,bumaba ka na. Dinner na." Yaya shouted.

Parang ayoko kumain. Wala ako sa mood. All I want is Dex. :(

"Ihaaaaaaa! Bumaba ka na jan at lalamig na 'tong mga ulam. Kakaluto ko palang naman nito."

"Sige po! 5 mins. lang po wait."

*after 5 mins.*

"Trishaaaaaa! Aba'y bumaba kan--"

"Pababa na po!" I said as I quickly wiped my tears. Mahahalata nanaman kasi ni manang. Tapos parang Magpakailanman ang datingan pag nagdrama yun.

"Oh mabuti naman at bumaba ka na. Ano bang ginawa mo at bakit inabot ka ng pagputi ng mga buhok ko?" She kidded.

"Ah.Eh.Ih.Oh. May ginawa lang po. Importante lang."

"Sigurado ka ba? Aber bat ganyan ang mukha mo? Mag ayos ka nga. Parang kakaiyak mo lang ah.." Napatulala nalang ako at fake smile. "Umamin ka nga, ano bang problema?" Talaga naman 'tong si ya. "W-wala po. Napuwing kasi ako kanina."

"Hay nako, ano ka ba, naiintindihan ko yang pinagdadaanan mo." Hay. " Ya kasiiii."

"Broken hearted ka 'no?"

"Ya naman, wala pa ngang lumiligaw sakin. Hanggang pagpapakilig lang. Pero ba't ganun ya, kahit hindi naman kayo, nasasaktan ka ng sobra pag nawala siya? Ang sakit sakit ya."

"Alam mo kasi, iba talaga pag mahal mo yung isang tao. Minsan, kahit alam mong wala siyang pake sayo, tuloy ka parin. Kasi nga mahal mo siya. Ganyan talaga ang love,iha. Minsan sweet,minsan masakit.." Aba si manang parang naka-ilang lalaki na 'to ah." Bakit? Kanino ka ba nahulog?"

"Sa bestfriend ko,ya."

"Sinalo ka naman ba niya?"

"H-Hindi ko po alam. Bakit po ba kasi sa dinami daming lalaki dito sa buong mundo sakanya pa?"

"Parang ang hirap nga niyan."

"Hindi parang ya, mahirap talaga."

"Alam niya na may nararamdaman ka para sakanya?" Ano ya? Mel Tiangco lang ang peg? Sabi na nga ba Magpakailanman talaga ang kakalabasan nito eh. "E-ewan ko ya. Dama naman yata niya na mahal ko siya kahit di ko na sabihin.Alam niya na yun."

"Pinagsisisihan mo bang siya yung taong laman ng puso mo?"

"Hindi,ya. Ay. Oo. Ay. Ewan ko ba."

"Subukan mo munang lumayo sa kanya. Kasi habang napapalapit ka, mas lalong nadadagdagan yung feelings mo sakanya."

"But," I sighed. "He's the only thing that I wanted.Nahihirapan ako pag napapalapit ako sakanya pero, mas mahihirapan ako kung mapapalayo ako sakanya. 'Di ko siya kayang iwan ya." Ayan. Naiiyak nanaman ako.Pakshet naman.

"Sabagay. Desisyon mo yan iha. Nasa sayo na kung lalayo ka sakanya. O kaya naman ipaglaban mo siya, pag nakahanap ng iba yan nako. Baka mamaya makita kita jan nagwrecking ball ka na sa videos. Baka mamaya makita kita niyan na tumatakbo ka sa Baclaran ng nakahubo." Hahaha!

"Ya naman eh. Kita niyo namang malapit na bumagsak yung mga luha ko tapos sasabihin niyo baka maghubad ako habang natakbo sa Baclaran." I said as I smiled.

"O siya, kumain ka na para 'di ka manghina. Magagalit sakin daddy mo."

"Daddy? sus, wala naman pakeelam sakin yun. Bahala siya sa buhay niya."

"Alam mo,kahit anong gawin mo, daddy mo parin yan."

"Ya,pwede ba. Wag na nga natin pag usapan yung mga walang kwentang tao."

"Pasensya na." Pinaghain na ako ni yaya ng makakain sa lamesa pero wala pa akong nakakain kahit isang subo lang. Ang lakas ng epekto sakin ng lalaking yun. As in wala talaga akong ganang kumain.

"Gusto mo bang subuan kita?" Gusto mong subuan kita. I remembered something. "Talaga naman 'tong bespren ko pababy. Hihintayin mo pa bang subuan kita para kumain ka? Sige ka baka pumangit ka niyan. Lakasan mo yang loob mo. Wag ka magpa apekto sakanila. Ngiti ka lang pag nakikita mo sila. Sure ako na bwisit na bwisit sila sa tuwing nakikita ka nila na masaya. Come on. Kumain ka na.Akin na nga, susubuan nalang kita. :) "

Oh god. Eto na. Babagsak na yung luha ko. :(

"Oh? Bat parang natulala ka?"

I-I can't.

"Ya, pwedeng pahug?" I said as my tears began to fall in her chest.

Hey bestfriend, I love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon