Clara Pov
Pinagmamasdan ko ang natutulog kong matalik na kaibigan. Nakatulog ito sa kakaiyak dahil sa may tumawag dito na nakaprivate number.
Nagkasayahan lang kami kanina lang pero napalitan ito ng lungkot at takot. Malaki na rin ang pinayat nito dahil na rin sa sunod sunod na problema na dumarating sa kanya.
Laking pasalamat ko dito noong dumating sya sa buhay ko.
*******************
"Good morning class I want you to welcome your new classmate"
Sabay senyas ng aming guro para pumasok ito sa loob ng klase.
"Whoah!"
"Ang cute nya"
"Ang ganda nya"
Yan ang ingay sa loob ng aming klase ng pumasok ito.
"Good morning everyone I'm Marienette Takashima from Japan"
Please take care of me" sabay bow nito sa harap ng klase na nakangiti.
Kahit na naka eyeglass ito na parang nerd at ang simpleng suot nito pero bakit parang ang ganda sa kanya ng uniform? Nasan ang hustisya sa mga babaeng nag ayos ng kanilang sarili na inabot ng isang oras. T_T
"Okay Ms. Takashima sit near to Clara Fernandez".
O_O ----ako
-_- ---- mga kaklase ko
Bakit sila ganoon na lamang makatingin sa akin? Dahil ako ay isang loner. Dalawang buwan na nagsimula ang eskwela pero hanggang ngayon hindi ako nakikihalobilo sa kanila. Tawag nila sa akin alien dahil para sa kanila tao ako pero para daw akong alien na may sariling mundo. Kalamitan din akong pagtawanan at asarin ng mga kaklase ko na mahilig mambully at mga walang magawa sa buhay nila at ako hindi ko na lang sila pinapansin. Ang mahalaga sa akin ang hindi ko mapabayaan ang pag aaral ko dahil scholar ako ng isa sa kilalang school dito sa Pilipinas.
"Hello!"bati sa akin ng bagong estudyante. Samantalang ako tango lamang ang sinagot ko dito at nagsimula ng magturo ang aming guro para sa leksyon sa araw ding iyon.
At natapos ang klase at nagliligpit ako ng aking mga gamit para makauwi na rin at makapag aral dahil nalalapit na ang 1st quarter exam sa taong ito.
At yung japanese na kakatransfer lang ayun pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko. Oo cute sya dahil mayroon din pala itong dugong Korean kaya mamula mula ang kutis nito dahil sa epekto na rin ng klima dito sa Pilipinas. Palabas na ako ng aming klase ng bigla na lang akong tawagin nito.
"Clara wait!" Sigaw nito na ikinalingon ko.
"Mate Clara chan" dagdag pa nito.
"Marinette, Clara has her own world you know? Don't get near on her or else you will be like her" sabay tawa ng isa sa tatlong nangbubully sa aming klase.
"I don't think so and please be nice to her".tugon nito sa mga sinabi ng mga kaklase ko sa akin. At sabay tungo kung nasaan ako.
Ito yung unang beses na my nagtanggol sa akin. Isang estranyera na naglakas ng loob na ipagtanggol ako. Nabigla ako at natuwa na rin sa mga oras ding iyon pero napalitan ulit ng lungkot dahil ayoko na mangyari ulit ang nangyari ng noon kung saan may matalik na kaibigan ako na akala ko naiintindihan niya ako at masaya kami pero hindi pala pinagkatiwalaan ko siya pero pinagtawanan lang niya ako at para sa kanya hindi dapat ako magkaroon ng kaibigan dahil sa iba ako. Tinanong ko siya kung anong problema sabi nya ako daw ang problema dahil matalino ako at siya hindi. At dahil yung crush nya nagkagusto sa akin kaya naman napagdesisyunan ko na sabihin sa aking mga magulang na lumipat na lamang ng eskwelahan dahil hindi na ako masaya sa pinapasukan ko. Pero sa eskwelahan na yun doon ako naging ako. Nakikihalubilo at nagsasaya kasama ang mga kaklase ko. Kalimitan tinuturuan ko sila sa mga lesson na hindi nila maintindihan pero nagbago ito dahil sa matalik kong kaibigan at kinalat pa nito sa klase na nilandi ko at inakit ang crush nya na isa lamang kasinungalingan kaya mula noon nagbago na rin ang pakikitungo ng ibang mag aaral sa akin ngunit ang iba naman ay hindi naniniwala sa tsimis patungkol sa akin.
Fast forward na tayo. At yun na nga kabago bago pa lang ni Marinette pero feeling close na agad. At take note nagsasalita sya ng tagalog kaso nga lang may accent ng hapon.
Napag alaman ko din namin na name nya sa Japan ay Megumi binago lang dahil sa nakaraan ayaw nyang maalala.Kaya kahit gustuhin ko man malaman ang dahilan kung bakit hindi na rin ako nagtanong pa.
Hanggang nagkapalagayan kami ng loob. Nakakatuwa nga at ang galang nya at may respeto sa lahat. Talagang nakakamangha ang mga hapon dahil sa respeto at paggalang nila sa isang tao. Para sa kanila pantay ang mahirap at mayaman. Hanggang sa nagpakita ito ng kanyang kakayahan matalino rin ito at nangunguna sa klase at mayaman din ang kanilang pamilya magkaganon pa man magaling syang makihalubilo sa kapwa. At nagtapos kami ng High school at College. Dalawa pa ang natapos nitong kurso isa bilang isang nurse at sa business marketing. Medicine professional kasi ang parents nito at may mga business sa Japan maging sa ibang parte ng Southeast Asia at kabilang ang Pilipinas.
Nalaman ko rin ang istorya ng kanyang buhay kung ako ay galing sa broken family samantalang ito naman ay nawalan ng memorya. Ang pinakamahalagang nakaraan nya. Ilang beses rin itong sinusugod sa oapital o hindi naman kaya ay may private doktor na pinapadala ang mga magulang nito sa eskwelahan na pinag aaralan nito.
Dahil sa malaking tulong na ginawa nito sa aking buhay na dati ay madilim ay walang kulay na ngayon ay maliwanag at puno mg kulay. Naapreciate ko ang mabuhay ng masaya. Kaya naman bilang ganti lagi akong nasa tabi nito ano pa man ang mangyari hindi ko ito iiwan dahil tinanggap din ako ng kanyang pamilya na maging miyembro ng kanilang pamilya na kung saan hindi ako kumpleto.
BINABASA MO ANG
When I finally found You!
RomanceShe had everything....Loving parents, a big brother that every sibling wanted to have that is caring and loving and make her as a princess and also one of the richest children in country. Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ang naganap upang...