Chapter 40- End of Vacation

17 0 0
                                    

Marinette Pov

"Yes Mom,I am on my way now to the airport. I will call you when I arrive at Manila" and I ended the call.

At huminto ang sinasakyan naming kotse na kung saan ay hinatid kami ni Yuki.

"We arrived girls!" Pag anunsyo ni Yuki sa amin.

"Nakakalungkot naman and back to reality na naman tayo bhessy"malungkot na sabi ni Clara sa akin. Alam ko na masaya at masarap din makapagbakasyon paminsan minsan lalo na at nakakstress ang trabaho sa opisina.

"Yes Indeed" dugtong ko. Ang bilis lumipas ng araw. Parang kararating lang namin sa Cebu tapos ngayon pabalik na kami ng Manila.

"Cheer up princess" biglang sambit sa akin ni Yuki na ikinalingon ko.

" You are always welcome here sa Cebu so wag kang mag alala. Isa pa pag namiss mo si Mommy you can call her tru phone o kapag namiss mo ako sabihin mo lang at lilipad ako papuntang Manila para sa iyo" dagdag pa nito sabay kindat. Minsan talaga pag hilig nitong mang trip eh todo todo.

"Ok na sana eh kaso yung dulo sinamahan mo ng joke hahaha" sagot ko dito.

"Well it's true naman ah pwede mo namang kausapin si Mommy sa phone you have her number. Ako din naman you have my number pagnamiss mo rin ako and I am serious on that sabihin mo lang na lumuwas ako ng Maynila gagawin ko because you know how special and important you are to me" paglilinaw nito sa akin na kita mo sa kanyang mga mata na totoo ang sinasabi nito talagang ako lang ang hindi pa handa sa pagtanggap sa nararamdaman nito sa akin.

"Ehemmm!"putol ni Clara at lingon namin sa likuran namin kung saan nakaupo ito doon.

"Sorry at mapuputol ko muna ang sweetest moment nyong dalawa kaso Rine and Doc Yuki baka kasi malate kami sa flight namin eh" hiyang sabi niyo sa amin at sumang ayon ako dito na pag nagtaggal pa kami sa loob ng kotse nito eh maiwanan kami ng eroplano.

"Well thanks Yuki, we absolutely enjoy staying here in Cebu thanks for everything pati na rin kay Tita" pasasalamat ko dito at sabay yakap bilang tanda ng pasasalamat.

"Thanks Doc Yuki for your warm welcome to us and also I will support you to Rine" pasasalamat ni Clara kay Yuki at may pambobola na namang idinagdag na tanging iling ng ulo ko na lang ang aking nagawa.

"You are all welcome and hope to see you again" sagot ni Yuki dito. Kita dito ang lungkot dahil matagal ulit kaming hindi magkikita.

"Bye Yuki" habang papalayo dito at kaway ang aming huling paalam dito at nagcheck in at dumeretcho na kami sa eroplano na aming sasakyan pauwi ng Maynila.

Tahimik lang kami ni Clara sa loob ng eroplano. Hanggang sa nakatulog na ito at ako naman ay nakatingin sa may bintana at hinihiling ko na sana mas matagal pa ang aming bakasyon.

Tanging malalim na bugtong hininga na lamang ang aking nagawa at sinubukan ding umidlip sandali bago kami makarating ng Maynila.

NAIA Airport

Nakarating na nga kami ng airport sa Pasay at doon nag aantay ang aking Mommy at Ate na sabik akong makita.

"Rine chan!"sigaw ni Ate na patakbo patungo sa aking kinatatayuan at kita ang pagkasabik nito sa akin na ikinatuwa ko naman.

"Oneechan! I miss you!"sigaw ko sa pagkasabik.

"Miss ka na din namin Rine chan" habang nakayakap sa akin at dama mo ang pagkasabik nito sa akin maski naman ako.

"How was your flight baby?" tanong sa akin ng aking Mom.

"Ok lang po. Namiss ko po kayo sobra. Pasensya na po at hindi ako nakasama ngayong taon sa Japan"paghingi ko ng paumanhin dito dahil ngayon lang ako hindi nakasama sa taong taong pagbabakasyon namin sa Japan.

"Hi Clara! Are you ok?"tanong ni Ate kay Clara.

"I am fine thank you Doc Pretty" sagit naman nito dito.

"Aba bhessy tama na yang pambobola mo ah grabe ka!"sambit ko dito.

"Bhessy maganda naman talaga amg Ate mo eh paano ko ba maaachuve ang ganda nyo?"nakakatawang tanong ng kaibigan ko sa amin na seryoso ang mukha.

"Hahaha" tawa naming mag iina.

"Don't misunderstood it Clara we just laughed on what you said"paliwanag ni Ate.

"Yes that's true. Each one of us have a unique beauty. In fact you are also beautiful in your own way"dadag ni Mommy na ikinangiti naman ng aking matalik na kaibigan.

"Sang-ayon ako sa sinabi ni Mommy at ni Ate. You don't have to compare yourself to us kami na nagsasabi sa iyo maganda ka bhessy all you need is confidence and acceptance on what beauty you have"dagdag ko pa dito.

"Nako salamat sa inyo. I'm overwhelmed grabe! Ayan naiiyak na tuloy ako"sabay punas nito sa luhang umaagos sa kanyamg mga mata.

"We are just stating the fact bhessy" sabi ko dito at patuloy pa rin ang pagtulo ng luha nito at inabutan ko ng panyo para punasan ang kanyang luha.

Niyakap namin si Clara para maramdaman nito ang pagmamahal sa kanya at pagkatapos noon ay dumeretcho na kami sa aming mansyon at doon muna kami tutuloy ni Clara.

Nakarating na kami sa aming bahay at naiayos na namin ang mga gamit kaya naman nag ayos kami dahil mag didinner kami sa labas ng aking pamilya at ni Clara sa Spiral buffet.

Isa sa kumpletong buffet sa Pilipinas may Asian,European at kahit Middle East cusine. Yes, kumpleto lahat. Masarap at siguradong masasatisfy ka sa mga pagkain dahil mga chef ang mga nagluluto ng mga dish nakakainin mo at isa pa fresh ang mga nakahain. May kamahalan pero solve ka sa sarap.

Pagkatapos naming magdinner ay kinausap ako ng aking Mommy about sa nalalapit kong pagreresign sa kompanya na aking pinapasukan. Sa kadahilanan ng mga pangyayaring nagaganap sa akin at lalo na nang may unknown number na tumawag sa akin.Iniimbestigahan na ng mga private investigator na kinuha ng aking magulang.

Kahit na nakakalungkot man ang pag alis ko ay isa na rin itong paraan para mahanap ko ang kabuuan ng aking pagkatao. Kahit na wala pang alam si Clara sa nalalapit kong pag alis sa kompanya at kahit na may maganda akong performance sa trabaho ay kailangan ko ng lisanin ang nakasanayan kong lugar kung saan may masasaya at malulungkot ding alaala akong  sasariwain at mga taong hindi ko na makakasama.

Pagkatapos ng aking pagresign sa kompanya ay ang pagbabalik ko sa Japan. Ang simula ng paghahanap ko ng aking pagkatao.


****** to be continued******

Please vote and leave your comments. Salamat po sa mga tumatangkilik at nagbabasa nito. Salamat po and God bless.

From your author,  
lyn_soloio🌟



When I finally found You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon