Chapter 35 Key of the Truth

10 0 2
                                    

Yi Jung Pov

Flashback

"Gumising ka Yi Jung!"

Nakaramdam ako na parang niyuyugyog ako at may taong tumatawag ng aking pangalan hanggang sa naimulat ko ang aking mga mata.

"Salamat at gising ka na"sabay hila at yakap sa akin ng aking Nanny na itinuring ko ng pangalawa kong ina.

"Why are you here po?"tanong ko dito ngunit ramdam ko na may mga butil ng pawis sa aking noo at likod ko.

"Tignan mo pawis na pawis ka, binangungot ka at salamat sa Diyos  at napadaan ako sa kwarto mo at tignan ka kung mahimbing kang natutulog pero binabangungot ka na pala"kita ko ang pag aalala sa mukha nito.

"Grazie mille Nanny,you are my angel that always here and protect me"

"Makita kitang maayos at masaya ok na sa akin yun at masaya na rin ako"-Nanny.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakayakap sa kanya pero pag nasa tabi ko si Nanny panatag ang loob ko.

"Magpalit ka na at matulog ka ulit at may misyon ka pa na dapat mong gampanan".

"Alam kong excited kang malaman kung nasaan at ano kalagayan ni Sandy ngunit malalaman mo ang lahat ng mga detalye at impormasyon sa kanya kapag nakabalik ka na ng Pilpinas".-Nanny

"Opo,this time it's my turn to take the responsibility you've treasure and protected for a long years"at sabay pinky swear ako kay Nanny. At sumumpa na magagampanan ko at maaacomplish ko ang misyon ko.

"May tiwala ako sa iyo Yi Jung"sabay tingin sa akin ng may buong tiwala

Halos isang oras din kaming nag usap tungkol sa mga bagay na gagawin ko sa pagbalik ko ng Pilipinas.Sinabi rin sa akin na malalaman ko ang mga detalye kapag nakarating na ako ng Pilipinas at kung saan ko ito matatagpuan at kung sino ang kumupkop dito. Wala akong ideya kung ano na ang itsura ng pinakamamahal kong pinsan  Excited na nga ako at sabik na akong malaman ang lahat tungkol kay Sandy.

At naikuwento sa akin ni Nanny Grace ang pangyayari noon. Ilang taon ang lumipas bago nya ito sinabi sa akin. Alam ko na may dahilan ito at para lang ito sa kapakanan ni Sandy.

"Huwag mong biglain si Sandy kapag nakita mo siya  ng personal" paalala nito sa akin.

"Opo makakaasa po kayo" pangako ko dito.

Tanging ang mga impormasyon at litrato na ipapadala sa akin ni Nanny ang magiging susi kung sino si Sandy ngayon.

End of flashback

Sa opisina

"Thank you Hyung!"

"I'm happy that finally you are here and you are in front of me". -Jonghyun

"Thanks Hyung alam ko na hindi rin naging madali ang nangyari sa inyong pamilya".

"Let's move forward maganda ang buhay kaya gawin nating memorable ang bawat sandali ng buhay natin".-Jonghyun

"Tama ka nga Hyung pasensya na at napatagal ang pag accept ko sa mga nangyari."

"Teka, bakit kilala mo si Ms. Takashima?"

"Ah eh"-ako

"Hahaha so she's your type?"na may tingin na nakakaintriga.

"It's not like that Hyung" sabay kamot ko sa batok ko.

"Hahaha as you said."

"Tara na Ji Yung at para makita ka ni Mommy."

"Ne Hyung"(Yes big brother)at umalis na kami patungo sa bahay ni Hyung.

********************************

Sa kabilang banda........

"How are you now Mr.Lee?".

"I am fine now. Salamat sa tulong mo kung hindi dahil sa iyo malamang namatay na ako sa gitna ng daan".

Walang tigil ng pasasalamat ang ginoo na aking niligtas noon na naglalakad na naliligo sa sariling dugo at agaw buhay.

Noong una akala ko hindi makakasurvive ang pasyenteng ito ngunit isang milagro ang nangyari at nakaligtas ito.

Flashback

"Doctor  Tamaki kailangan po kayo dito sa ospital dahil sa dumami po ang dumating na pasyente at kulang po ang mga doktor sa ngayon dito." nasa kabilang linya at nakikiusap ang head nurse ng ospital na pinagtratrabahuhan ko ngayon.

Hingang malalim ang naisagot ko at

"Oh sige na mag duduty ako kahit ilang oras lang. Wait for me until I came back"at ibinaba ko na ang linya at imbes na sa bahay na ako ngayon at nagpapahinga pero eto ako ngayon dahil sa maraming pasyente na kailangan gamutin kaya babalik na naman ako sa ospital. Well it's Doctor's duty always on call at napailing na lamang ako.

Ngunit bigla na lamang akong nagpreno sa kadahilanan na may lalakeng sumulpot sa harapan ng aking kotse.

Isang lalakeng nanghihina at duguan.

Nakatingin lamang ito sa akin at tanging salitang "help" ang nabigkas nito at nawalan ito ng malay.

Kaya naman agad kong binigyan ng First Aid ang lalakeng duguan at isinakay sa aking kotse at pinaharurot ang sasakyan patungo sa ospital na aking pinagtratrabahuhan.

And the rest is history.

"Magpalakas ho muna kayo dito. Tanging ako lang naman po ang nakatira sa bahay na ito"pakiusap ko kay Mr.Lee.

"Thank you so much and I owe you a big  favor Doctor Tamaki".

"It's my duty po.Nothing to be thankful. Yuki na lang po itawag nyo sa akin".

"Maiwan ko po muna kayo at kailangan ko lang pumasok sa ospital duty ko po kasi ngayon."

"Napakabuti mong tao. Tito John na lang  itawag mo sa akin" sabi nito sa akin.

"Ok po Tito John. Salamat po"tugon ko dito sabay tingin ko sa Nurse.

"Feel at home po Tito"

"Nurse Jen ikaw na bahala kay Tito John kung ano man ang kailangan nya ibigay mo at kung may problema tawagan mo ako agad sa ibinigay kong numero sa iyo" paalala ko sa personal nurse na itinalaga kong mag alaga kay Mr. Lee.

"Yes Doc!"tugon nito.

"Aalis na po ako"sabay bow ko dito dahil napag alaman kong Korean pala itong si Mr. Lee.

At tumuloy na ako at sumakay sa aking kotse papunta sa ospital para magtrabaho ngunit bago pa man makababa ng aking kotse may umagaw pansin sa aking paningin. Mayroon akong napansin na nasa lapag sa loob ng aking sasakyan na kumikinang.Isang kwintas.
Aking pinulot at may tanong sa aking isipan. Paano napunta ito dito at sino ang nagmamay ari ng kwintas na ito?

To be continued........

When I finally found You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon