Chapter 1

88 3 0
                                    


Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap upang ang perpektong buhay na meron sya ay nagbago at naglaho ng parang isang bula.

Paano na lang kung pati ang kanyang sarili ay hindi na niya kilala?

Mahahanap pa ba niya ang kasagutan ng kanyang pagkatao kung ang susi nito ay katulad ng pakawala ng kanyang alaala?

May natitira pa bang pag-asa upang manumbalik ang lahat?

Ngunit paano kung mapaglaro ang tadhana na ang susi ay na iyong hinahanap ay nasa harapan mo na...

Someone's Pov

Sa isang silid 

"Good job! Siguraduhin mong walang ebidensya" sabay  sabi sa kausap sa kabilang linya at ibinaba ito.

"Kung nakinig ka lang sa akin e di sana buo pa kayo" sabay tingin sa litrato.

"Bwaahahaa!!!" sabay tawa nito na parang isang demonyo.

Sa kabilang dako... 

Hingal na hingal ako na halos hinahabol ko ang aking hininga sa kakatakbo na hindi ko maipaliwanag at naguguluhan sa nangyayari na may isang tao na humahawak s aking braso ng mahigpit na animo'y gusto akong protektahan sa anumang panganib...

"Ipangako mo na kahit anong mangyari magpakalayo ka at huwag kang lilingon. Susunod ako sa iyo" sabi ng lalaki na may roong likidong pula na umaagos mula sa kanyang  ulo hanggang balikat bakas sa kanya boses ang sakit at hapdi ng mga sugat na natamo niya sa kanyang katawan.

"Tumakbo ka na!" dugtong nitong  sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha "ani"  "ani--yo!!!"  (No) sigaw kong sabi at patuloy na iyak ko hanggang sa itinulak nya ako papalayo sa kanya...

Sa hindi ko mamalayan ako ay tumatakbo, natatakot at kinakabahan  at habang tumatakbo halos marinig ko ang aking puso sa sobrang lakas ng kabog nito..

at biglang isang malakas na bagay ang sumagi sa akin...

Ring...
Ring...
Ring...

Napabalikwas ako ng marinig ko ang tunog ng aking alarm sa aking cp.... ramdam ko ang lakas ng tibok ng aking puso na halos mabingi ako...parang totoo hindi lang panaginip..


When I finally found You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon