Chapter 3

19 3 0
                                    


Chapter 3

Neah vs. Steph

Natapos na ang meeting namin. We decided na sa next week may plans na kami in the foundation day.

"Ano? Tapos na?" bumungad si Neah sa akin. Lumabas na rin ako sa SC Office at naglakad kami papauwi. Naglalakad talaga kami papauwi sama na rin yung pagtitipid namin.

"Anong pinagmeetingan niyo?" tanong niya. "Hmm, mga booths and events sa Foundation week" sabi ko.

"Eh! Matagal pa ang Foundation diba?!" tanong niya uli. "Hmm, para mas advance daw sabi ni Moarse"

"Ang atat nung babaeng 'yon. Kung kaya ko lang sabunutan matagal ko nang ginawa." nang-gigigil na saad ni Neah at natawa naman ako. Nakakatawa lang talaga tong si Neah. "Okay lang, para mas advance" saad ko.

"Ma nandito na ako!" nakauwi na kami ni Neah gusto ko sana siyang ihatid pero tumanggi siya. Nakatira kami sa maliit na bahay lang. Isang palapag lang ang house namin. Ako at si Mama lang ang nakatira dito. I have a father pero sinabi ni Mama na patay na daw siya.

"Oh! Halika sa kusina! Nagkuto ako ng lugaw" pumunta naman ako agad sa kusina. Nadatnan ko si Mama na abala sa pagluluto ng lugaw. Kumuha siya ng bowl at tumakal ng lugaw at inilagay doon sa bowl.

Masarap magluto si Mama dahil nga may carinderia siya pero maaga itong nagsa-sara.

"Mmm" napapikit ako sa sarap ng luto ni Mama. Ang sarap-sarap talaga luto ng Mama ko kaya ipinagmamalaki ko siya kay Neah dahil di daw masarap magkuto Nanay niya HAHA!

"Nak, alam kong walang-wala na tayo pero sana tatanungin ko lang na baka pwede naman-" di na natapos ni Mama ang sasabihin niya dahil alam ko na iyon maglalako ako ng meryenda, at pagkain sa school. Dahil malapit nang malugi ang carinderia ni Mama. May utang rin siya sa Bumbay at akong pinapag-aral niya.

Kaya ko nga ginagalingan ang pag-aaral para aangat ang buhay namin ni Mama. Kinagabihan n'on tinulungan ko si Mama na magligpit sa Carinderia at umakyat na ako sa taas para magpahinga. Mag-aaral pa sana ako pero antok na antok na talaga ako kaya sinunod ko ang antok ko haggang mapadpad ako sa dreamland.

Kinabukasan di nag-ring ang alarm ko kaya late akong papasok ngayon. Nagmadali nalang akong maligo at magbihis ng uniform namin at bumaba na. Bumungad sa akin si Mama ng matamis na ngiti.

"Dumating kanina dito si Neah pero sabi ko natutulog ka pa kaya mauuna na siyang papasok" sabi ni Mama at ipinagpatuloy ang pagluluto. "Sige na Ma! Aalis na ako" nagpaalam na ako at umalis na.

Sayang lang dahil nauna si Neah papunta sa school edi sana ngayon inaasar ko na soya dahil ang sarap ng lugaw ni Mama.

7 am palang at dahil 7:30 nagsisimula ang klase marami pang estudyanteng pumapasok sa school.

"Ano yun?! Parang may nag-aaway" sabi ng babae sa kasama niya.

"Kayo nag-aaway sina Queen Steph at saka yung isang nerdy girl doon" bumungad sa kanila ang isang babae na pawis na pawis sa kakatakbo. Sinundan ko ang mga yapak ng mga paa nila hanggang magulat ako sa nakita ko.

"Yaaah!" sigaw ng isang babaeng nakasabunot sa isa. Wait?! Si Neah ba 'yon?! Oo nga! Si neah yon!

Nasaksihan kong itinulak ni Neah ang babae at natumba siya sa putik. "HAHAHA!" tawa ni Neah sa kanya habang nakaturo at inis na napatingin ang babae sa kanya. Wait?! Parang familiar ang mukhang yan para sa akin?! Pero di ko pa siya nakikita sa personal? Sino ba siya? Siya ba yung tinataguriang Queen Steph? Saan ba kita nakita? at bakit parang pamilyar ka sa akin?

"Neah!" sigaw ko para mapatingin silang lahat sa akin.

She's The Queen Bee. ALL RIGHTS RESERVED 2019

She's The Queen BeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon