#2 (10/28/14)

172 6 0
                                    

Chapter Two: Let's just call it a day..

Matapos ang dramahan naming dalawa. Napagpasyahan kong matulog muna sa bahay nila para naman may kasama siya..

"Hindi mo naman ako kailangan pang samahan Kathy-pot." Sabi ni Yumi saka ngumiti. Alam kong pilit dahil nasasaktan parin siya sa nangyari..

"Hindi kita iiwan noh! Malay mo maisipan mong magpakamatay gaya ng katangahang ginawa ko dati! Nag-iingat lang ako! Gaya ng sabi mo dati..." I paused. "Hindi ko hahayaang mawalan ng bestfriend!" Ginaya ko siya.. Nung mga panahong naisipan kong magpakamatay..

"Kamusta na kaya siya?" Bigla niyang tanong.

"Sino? Yung tarantado mong ex?" Tanong ko sakanya habang kumakain ng popcorn. Nakaharap kami ngayon sa tv at naka-upo sa sofa habang nanunuod ng Coming Soon..

She smiled at me. "Hindi. Si Kaizer."




Kaizer.


Ngayon ko lang ulit narinig ang pangalan niya..

Bumabalik nanaman ang sakit..

Tumawa ko ng pilit. "Ayun! Nasa Koreaaaa nagpapakasaya na sa buhay niya! Hahahahaha! Nagiging sikat na nga sa Korea pati dito eh! Dami na niyang chicks! Hahahaha!"

"Umiiyak ka nanaman! Parehas talaga tayo." Sabi niya.

Dun ko lang narealize na umiiyak ako.. Pati siya..

Niyakap namin ang isa't isa at umiyak. Mukha kaming tanga! Hahahahaha. Pero masakit eh..

Hindi na namin naiintindihan ang pinapanuod namin.. Dahil sobrang distracted kami sa mga feelings namin.

Napatigil kami sa pag-eemote ng may marinig kaming ingay mula sa labas.

"Yumi! Let's talk please!" Rinig naming dalawa na galing mula sa labas ng condo niya..

"Alvin?" Tumayo siya kaya sinabayan ko siya.

Nang mabuksan niya ang pinto isang bugbog saradong lasing at basang basang Alvin ang nakita namin..

Ano nanamang pakuno ng lalaking ito?

************************************

-___________-

Badtrip.

Hay nakuuu! Pa-uwi na ako ng bahay kasama ang sundo ko. Binigyan ko ng space ang mag ex—i mean couple.

Yes. Sila na ulit. Onting paliwanag lang ni Alvin pinagbigyan na ni Yumi. Oh well, May sense naman ang paliwanag niya at halata mong hindi nag sisinungaling. Nag explain ba naman saakin straight to my eyes habang binibigyan ko siya ng death glare. It actually works well.

Nandito na ko ngayon sa parking ng bahay namin. Medyo gabi na rin and buti na lang gising pa si Ate Isabel. ^___^

"Mam Kathy.. Akala po namin sa bahay kayo ni Miss Yumi matutulog?" Tanong ni Ate Isabel.

"Hindi na po Ate Bel~ Mukhang okay naman na po siya ngayon eh." Pa-cute na sabi ko kay Ate Bel.

"Ah. Ganun po ba? Sige po magpahinga na po kayo at may pasok pa po kayo bukas." Sabi ni Ate Bel.

Tumango na lang ako at umakyat na sa kwarto ko pero bago yun dumiretso muna ako sa kwarto nila Mommy at Pappy. ^____^

Tahimik sa kwarto nila kaya siguro tulig na sila. Hindi ko na sila inistorbo at pumasok na lang sa kwarto ko para makatulog na..

I took my shower first then pinatuyo ang buhok ko tapos nahiga na..

Maraming nangyari ngayong araw. Hay.. Matutulog na lang ako.

Let's just call it a day...

She's Mine, and Mine Alone.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon