Hi darlings! Kumusta naman kayo? Kumusta naman ang storyang ito? May nagbabasa pa ba? Comment your insights about this story. Nawawalan na ako ng pag-asang ituloy 'to dahil sobrang tagal na nitong story at wala na atang nagbabasa. 😂 Pero dahil siguro meron pa naman itutuloy ko pa. Vote and Comment lang po. Salamat!
If you have advices for me or violent reactions about this story just message me privately. 😊
Chapter 9: She Looks So Cute!
Luke's POV
Dalawang araw na ang nakalilipas simula nang lutuan ko mg pagkain si Kathy. I haven't seen her since then. Today's our midterm exam and I guess she's not going to be around. Lalo na at may sakit parin daw siya sabi ni Yumi, ang kaibigan niya.
Yumi's been keeping me updated about Kathy's health status. Naalala ko pa nga noon ng una kong ibigay ang lunch box sakanya. She looks afraid when I came close to her and handed her the lunch box.
I was walking in the hallway to find Kathy's friend. I am holding a pink hello kitty lunch bag on my left hand while I was holding the strap of my bag on my right. Pinagtitinginan nga ako ng mga students sa hallway dahil sa dala ko. But who cares? I need to give this to Kathy's friend.
As I was looking around, I saw Kathy's friend in front of her locker. She was rummaging inside her locker and she stopped when she looked at my way.
Naglakad ako papalapit sakanya. Nakita ko kung paano niya padabog at nagmamadaling isara ang locker niya at nagsimulang maglakad palayo saakin.
"Hey!" I shouted at her. Nilakihan ko ang hakbang sa paglalakad para maabutan siya.
Nang maabutan ko siya ay hinigit ko siya sa braso. Naka-kunot noo siyang nakatingin sa sahig at hindi makatingin saakin ng diretso.
"What do you want.." She said and then she pulled her arm away from my grip.
I sighed. "Hindi ako nandito para makipag-away.."
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Agad siyang napatingin saakin at nagtataka sa sinabi ko.
"A-ano bang kailangan mo?" Tanong niya.
I sighed heavily and handed her the hello kitty lunch bag.
"P-pwede bang paki-bigay to' kay Kathy?" I asked her. She just looked at me and to the lunch bag I was holding. Palipat-lipat lang ang tingin niya saakin at sa lunch bag na hawak ko.
"A lunch-box?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
Tinanggap naman niya ito at binuksan pa ang laman. Nakita niya siguro ang isang stainless tupperware doon at isang plastic tupperware kung saan nakalagay ang cupcake na ginawa ko.
I nod my head. "A-ah Yeah. Soup yan saka cupcake.. Paki-sabi na lang pagaling siya.. Salamat."
Nakarating ako sa gym at agad kong nakita si Jace na nagpra-practice kasama ang team. I asked Jace for help to practice the rookies for our upcoming game next season. Hindi ko kasi magawa na i-practice sila dahil na rin sa midterm exam ngayon. Jace can perfectly handle himself in acing the exams. Matalino kasi talaga siya. He doesn't need to study for the exams. Ako kasi ay kailangan ko pang mag-aral, dahil na rin siguro sa marami na akong na-missed na lessons.
When Jace saw me he immediately told the team to take a break. The team noticed me sitting on the bleachers and they greeted me. Kinumusta nila ako at nagtanong kung bakit hindi ako ang nag train sakanila. Sasagot na sana ako ng biglang sinipa ni Jace ang mga pwet ng mga rookies. He kicked their asses playfully and told them to get lost. Natawa na lang ako dahil kumaripas ng takbo ang mga bata at tila natakot ata sa co-captain ko.
BINABASA MO ANG
She's Mine, and Mine Alone.
Novela JuvenilTeen Fiction||Romance||Humor Possessive ba kamo? Wala kayo sa boyfriend ko! -Kathy♥