Chapter Five: They Just Can't Get Over It
Kinabukasan
Late na akong nakarating sa school. Patapos na ang first subject ng makarating ako. Nakalimutan kasi akong gisingin ng aking pinakamamahal na Yaya. Kaya ayun, Late ang Lola niyo.
Ilang beses na rin ako tinawagan at tinext ni Yumi tinatanong niya kung anong meron at bakit aabsent ako. Sabi ko naman sakanya nalate lang ng gising.
Papunta na ako sa room pero dumaan muna ako sa hallway pupunta kasi ako sa locker ko para kuhanin yung assignment namin para sa next subject. Iniwan ko kasi yun kahapon matapos kong sagutan sa library.
Saktong pag sara ko ng locker ay nakita kong nasa side ko na si Yumi at nakapamengwang nakatingin saakin. Mag sasalita na sana siya ng may narinig kaming tatlong babae na sophomores na pinaguusapan yung nangyari kahapon.
"Grabe yung nangyari kahapon noh?"- Girl 1
"Oo. Sobra! Mahal na mahal talaga ni Luke si Danielle." - Girl 2
"Sinabi mo pa! He's not going to act like that kung wala na diba?"- Girl 3
"I envy Danielle. Mahal na mahal talaga siya ni Luke."- Girl 1
"Yea. Grabe rin yung big change ni Luke nung mag-break sila ni Danielle." - Girl 3
Nang maka-alis na kami doom sa locker room ay dumiretso na kami sa room. Sinalubong kami ng mga classmates namin at sinabing wala kaming klase ngayong araw dahil sa may meeting lahat ng teachers.
Kaya napag-pasyahan naming tumambay muna sa canteen kasama si Alvin at ang kanyang stepsister na si Danielle.
Hot topic nanaman yung nangyari kahapon. Andaming pumupunta sa seats namin para magkwento tungkol sa nangyari kahapon pero wala silang nakukuha. Mga tsismoso at tsismosa. Ansarap nilang balian lahat ng buto.
"Hindi ba sila maka-get over sa nangyari kahapon?" Sabi ko sakanila sabay subo ng tatlong fries sa bibig ko ng sabay tapos nguya ng maingay. Hihi~ Namiss ko kasi ang maging baboy. Oink! Oink!
"Hays. Hayaan mo na sila Kathy.. They just can't get over it." Sabi ni Yumi. Si Alvin akbay-akbay si Yumi habang sinusubuan siya nito ng chips. Si Danielle naman kumakain ng Oreo Cheesecake.
Actually kanina ko pa tinitignan yung Cheesecake niya.. Dakilang adik kasi ako sa Cheesecake. Alam ng lahat ng tao yun. Bukod sa pagka-adik ko sa Ice cream adik din ako sa Cheesecake at sa lahat ng pagkain.
"Bakit kasi hindi mo agad sinabi na magkapatid pala kayo ni Danielle. Edi sana hindi aabot sa ganito.." Sabi ko kay Alvin at binato siya ng naka-roll na tissue. Sakto naman sa mukha niya kaya napatawa kaming mga babae.
Napatigil kami sa pag-iingay ng biglang umingay sa loob ng cafeteria.
"He's here!"
"Jeez. Away nanaman ba to'?"
Narinig naming sabi sa kabilang table. Sabi nila yun habang tumitingin sa pinto which is sa likod namin ni Danielle.
Kaya napatingin kami ni Danielle. Pero ng makita ni Danielle kung sino yung pumasok agad niyang binawi ang tingin at kumain ng Cheesecake niya.
"Oh my gosh mahal.. Papalapit na siya.." Sabi ni Yumi saka sumiksik sa tabi ni Alvin at si Alvin naman inakbayan siya na para bang pinoprotektahan..
BINABASA MO ANG
She's Mine, and Mine Alone.
Ficção AdolescenteTeen Fiction||Romance||Humor Possessive ba kamo? Wala kayo sa boyfriend ko! -Kathy♥