#8 (11/24/17)

47 1 2
                                    

AUTHOR'S NOTE :
Hi Readers! Yun ay kung may readers pa itong story ko. 😂 As you can see, there's a date on every chapters. Nilalagyan ko kasi ng date kung kelan ko siya pinublish. Last update ko 2015 pa! Kaya ayan sorry sa mga sobrang tagal nag-antay. 😘

Chapter Eight: Kasi nga nailang ako ng hinawakan niya ako sa braso!

Kathy's POV

"Kathy-pot~ I miss youuu~" Salubong saakin ni Yumi nang makita akong nasa may tapat ng locker ko at inaayos ang laman ng bago ko. Agad niya akong niyakap ng mahigpit.

Itutulak ko sana siya pero ang lakas at ang higpit nang yakap niya saakin na parang akala mo ilang taon ako nawala. "Wag ka munang lumapit. I'm not fully recovered. Pumasok lang ako dahil sa exams. Achoo~"

Lumayo siya ng narinig niyang bumahing ako pero agad din siyang lumapit ulit at niyakap ako one last time.

"Anebeyen. It's ok. Namiss kaya kita."

"Yumi.. Nung isang araw lang tayo nagkita namiss mo na agad ako." Sabi ko sakanya.

Nung isang araw kasi bumisita sila saakin ni Alvin at may dalang pagkain. Kainin ko daw para gumaling ako kaagad.

"Hihi~ Syempre noh!" She said and then pinalo niya yung braso ko na para bang may natandaan siyang sasabihin saakin. "Uy! Kinain mo ba yung pinaabot naming food sayo?"

"Ha? Yung Mushroom Soup tapos may Red Velvet Cupcake?" Sabi ko sakanya. Ang OA naman maka-react nito.

"Oo. Kinain mo ba?" Sabi niya tapos tumatango-tango pa na parang kinikilig. Ano nangyari dito? Mukha tuloy siyang constipated.

"Oo. Ang sarap nga nung Soup eh. Pero yung cupcake hindi pa.. Ayoko muna ng matamis eh ang kati kasi ng lalamunan ko." Sabi ko sakanya.

Grabe! Ang sarap nung luto niya dun! The best yung mushroom soup! Tumikim nga si Mommy at sabi niya na magpapaturo daw siya kay Yumi. Nag-excel na pala sa kusina si Yumi. Akalain niyo yun dati pritong itlog lang ang alam niyang lutuin ngayon nakakagawa na siya nang soup. Ibang klase! Pero siya ba talaga yung nagluto nun? Hindi kaya si Alvin o binili lang nila somewhere? Baka naman si Tita o yung cook nila?

"Kyaaaaaaaaaaahh! So you mean nagustuhan mo?" Tili niya.

Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa tili niya. Buti na lang at walang masyadong estudyante ngayon sa locker room dahil maaga pa. "Oo nga sabi! Bakit para kang ewan diyan? Ang sarap nga ng luto mo eh."

"Loka ka~! Di ako nagluto nun!" Sabi niya tapos ang saya saya niya na para siyang kinikilig. Tumatalon-talon pa nga.

Ano daw? Hindi siya ang nag-luto? Nakooo! Sinasabi ko na eh! Hindi parin siya nag-iimprove sakusina. Kawawang Alvin mukhang siya ang magiging taga-luto nitong halimaw na ito habang buhay.

"Huh? Wag mong sabihing si Alvin nagluto nun? Wow friend wag mo ng pakawalan yun.. Knowing you.. Ang hilig mo sa pagkain.." Nakakatuwa. Magaling pala si Alvin mag-luto. Sana makahanap din ako nang ganung lalaki.*pout* Yung pag uwi ko sa bahay namin may nakahanda nang masasarap at mababangong pagka------

"Gaga! Hindi Ako o si Alvin ang nagluto nun.."

-----in? HANUDAW?!

Sino kaya yung nag-luto noon para saakin?

"Hindi ba si Tita yung nag-luto nun? O binili niyo? O baka naman cook niyo sa bahay ang nag-luto noon?" Tanong ko sakanya. Umiiling lang siya at sinasabing hindi si Tita o cook nila yun at hindi rin nila iyon binili.

"H-ha? Eh s-sino?"

Ngumiti siya at huminga nang malalim. Bakas sa mukha niya na kinikilig siya. "Si Luke! Binigay niya yun saamin nung isang araw. Alam mo bang nagpatulong pa siya sa Cook ng school at doon nagluto sa Kusina ng Cafeteria?"

S-si LUKE?! SI LUKE ANDREW GONZALES?! AT BAKIT NAMAN NIYA GAGAWIN YUN?

"H-ha? B-bakit naman niya gagawin yun?" Sabi ko.

Impossible! Hindi magagawa ni Luke yun! Eh halos araw-araw ang bukang bibig noon ay si Danielle.. Danielle at walang katapusang Danielle. Grabe naman siya! Nakakapagtaka naman. Bakit niya yun gagawin?

"Yun nga yung pinagtataka namin ni Mahal eh.. May nagyari bang dapat kong malaman ha?" She said them wiggled her eyebrows.

Nag-isip ako. May nangyari ba? "Hmm.. Wala naman.. Meron ba?"

"Anong nangyari bago ka nagkasakit?" Pag-uusisa niya.

Teka..

"Ahhhhh! Yun ba? Hmm... Naki-share ako ng payong sakanya.." Sabi ko. Naki-share naman talaga ako ng payong sakanya dahil sa wala akong payong matapos kong ayusin ang locker ko.

"Kyaa! Talaga?" Ayan nanaman yung mukha niya. Mukha nanaman siyang constipated.

I nodded.

"Eh bakit ka nagkasakit?" Tanong nanaman niya.

"Kasi naambunan ako?" Tanong ko sabay kamot ng ulo.

Umirap siya. "Oo nga! Bakit ka nagkasakit kung nakishare ka ng payong sakanya."

"Ah! Nung makita ko kasi yung kotse eh tumakbo na ako papunta dun at iniwan siya." Sabi ko. Then nag-flash back yung nangyari nung araw na iyon. Naambunan ako kasi nailang ako sakanya. Nailang ako kasi hinawakan niya yung braso ko at ang lapit naman sa isa't-isa. Tapos---

*PAK!*

"OUCH! WHY DID YOU DO THAT?!" Napatigil ang pag-flashback ko nang paluin niya ako sa braso.

"Bakit mo siya iniwan dun?!" Galit na sabi niya tapos ako patuloy lang sa paghihimas ng braso ko. Ang sakit talaga! Ang lakas talaga nang babae na ito kahit kailan.

Napatigil ako sa paghahampas. Sasabihin ko ba? Sasabihin ko naman pero dumadami na kasi ang tao sa locker room. Aish! Bahala na nga! "Eh... Kasi.. Ano... Uhhh... Basta Secret muna!"

"Secret Secret! Bakit nga!" Pangungulit niya sakin. Pinapalo parin niya ng mahina yung isa kong braso. Ang sadista talaga nitong babaeng ito.

"Kasi nga nailang ako nung hinawakan niya ako sa braso." Bulong ko. Yung tipong ako lang yung makakarinig at wala ng iba.

"Ano?!" Paglapit niya sa mukha ko.

Lumayo ako. Ang kulit talaga nito. Mukhang hindi ako tatantanan nito hanggang mamaya.

"Sabi ko Secret na muna... Sumasakit ulo ko say—Achoo!"

She's Mine, and Mine Alone.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon