Chapter Three: Alvin's Doubleganger.
Maaga akong pumasok sa school pagpasok ko sa room agad na sinalubong ako ni Yumi sa may pintuan.
"Kathy!" Masiglang bati niya saakin.
*pout* Anong meron dito? Hindi naman siya ganito ka-hyper tuwing umaga. Minsan nga ako pa nagch-cheer up sakanya eh.
"Yes Yumi?" Tanong ko sakanya. Mukhang baliktad kami ako kasi kulang sa tulog. -_____- Tinapos ko kasi yung Korean Novela na pinanuod ko kagabi.
Umupo agad ako sa upuan ko at isinubsob ang mukha ko sa desk.
"Mamaya sa library sa dating tambayan.. May sasabihin ako sayo.." Sabi niya saakin.
Napa-angat naman agad ang ulo ko at tumingin sakanya.
"Ha? Ba't di mo na lang dito sabihin?" Sabi ko sabay subsob ulit sa desk.
"Eeh.. Basta mamaya na.." Pag-iinarte niya. Anebeyen.
*hikab* Inaantok talaga ako.
"Okay." I said sleepily habang nakasubsib ang ulo sa desk at natulog na.
Matapos ang klase namin na tulog lang ako ay pag gising ko wala na si Yumi sa tabi ko. Hala? Asan na yun?
Bigla kong naalala yung sa library.. Sa tambayan namin.. Ano kayang sasabihin nun?
Naglakad na ako papuntang library at nakita ko si Alvin na parang may hinahanap..
"Oy! Asan girlfriend mo?" Tanong ko rito.
"Ah! Sabi niya sa library na daw kayo magkita ah.." Sabi nito saakin.
"Oo nga. Eh sinong hinahanap mo?" Tanong ko sakanya.. Baka kasi hinahanap niya yung babae niya. -____- Masasapak ko talaga to'
"Si Kurt. Yung ka-team ko sa soccer." Sabi nito. Hindi siya nagsisinungaling dahil nakatingin siya saakin ng diretso.
"Ah. Sige una na ko." Tumango ako sakanya at pinat ang balikat niya.
Pagdating ko sa library ay dumiretso ako sa likod na likod.. Dun sa may dulong shelf. Doon ang tambayan namin.. Malayo kasi sa Librarian at hindi maririnig ang ingay naming dalawa.
Pagdating ko sa pwesto namin nakita ko si Alvin na natutulog. Teka? Kausap ko lang to' kanina ah? Bakit nandito to?
Si Alvin to alam ko kasi yung suot niyang Dark blue polo shirt kanina ay may number 07 sa gilid ng mangas niya tapos yung pants niya na maroon ay itong-ito.
Hala? Sino yung kausap ko kanina?! Hindi kayaaaa~ Wahhhhhh!
May doubleganger si Alvin sa Campus?! At itong lalaking ito ang totoong Alvin?!
Eh sino yung kausap ko kanina sa baba?
"Hoy Alvin! Nasan na ba si Yumi?" Siniko-siko ko siya. At binubulungan sa tenga niya.
"Hey~! Gumising ka na nga~ Nasan si Yumi?!" Halos hindi na pabulong yung sabi ko at niyuyugyog ko na siya. Ayaw kasing magising eh..
"Uy Alvin?!" Pag-uulit ko sa gimagawa ko. Hindi na pabulong yung sabi ko. Pasigaw na..
Nagulat sko ng tunaas ang ulo niya at nakita kong naging iba ang mukha ni Alvin! Waaaaaaahh! Bakit gumwapo siya?!
"ANO BA?! KITA MONG NATUTULOG AKO DIBA?!!" Sigaw nito saakin pero ako nakatulala lang.
Ilang minuto din ang nakalipas at natauhan ako. Natauhan akong hindi siya si Alvin at parehas lang sila ng damit. May piercing kasi yung lalaki.sa kabila niyang tenga na hindi ko nakita kanina.
BINABASA MO ANG
She's Mine, and Mine Alone.
Novela JuvenilTeen Fiction||Romance||Humor Possessive ba kamo? Wala kayo sa boyfriend ko! -Kathy♥