#4 (10/30/14)

180 4 0
                                    

Chapter Four: The Battle between Drug Addict VS. Boyfriend ni Yumi *ting! ting! ting!*


Nasa Cafeteria ako at kasalukuyang hinihintay si Yumi. Nag-text kasi siya saakin na magkita kami sa Cafeteria. Kahapon daw kasi hindi ko siya sinipot. Antagal na daw niyabg naghihintay doon at halos doon na daw sila natulog ni Alvin. -____- OA lang? 7 pm ang close ng library.

"Kathy-pot! Di ka naman sumipot kanina sa tambayan eh!" Sabi nito ng makarating na siya at umupo sa harapan ko.

Himala hindi niya kasama si Alvin. Simula kasi ng mangyari yung eksena sa Ice Cream Shop hindi na sila nag-hiwalay.

"Sumipot ako.. Kaso..." Teka? Sasabihin ko ba na may napagkamalaan akong si Alvin sa library kahapon na may saltik ata sa ulo at pinagpipilitang bff ko daw ay Yung Danielle ba yun? Aish.

"Kaso?" She seems interested.

I just shrugged my shoulders. "Basta mahabang storya.." Ang totoo niyan tinatamad lang akong magkwento. Mukha kasi siyang interesado at baka kung ano pang itanong saakin na magpapahaba ng kwento.

She just rolled her eyes at me tapos inilibot ang mata sa nuong cafeteria. May hinahanap ata.

"Hays. Hindi ko tuloy nakwento sayo.." Sabi niya.

Oo nga. Muntik ko nang makalimutan. Kaya pala pinapapunta ako ng babaitang ito doon ay may sasabihin pala siya. Ano kaya yun?

"Ha? Ano ba kasi yun?" Curious na tanong ko.

Lumapit siya saakin tapos sinenyasan ako na lumapit sakanya. Mukhang ibubulong niya ata. "Natatandaan mo ba yung babaeng kasama ni Alvin noon sa Ice cream shop?" Bulong niya saakin.

"Oh? Yung makating malandi at mangaagaw ng boyfriend na babae?" Sabi ko sakanya.

Lumayo naman na siya saakin kaya naka-upo na ako ng maayos.

"Aish. Oo— i mean hindi siya ganun kagaya ng iniisip mo!" Sabi nito habang umiiling.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?!" Hindi ko siya gets.

Sinenyasan niya ulit akong lumapit. Ibubulong niya siguro ulit. "Siya si Danielle Fuentes. Yung cheerleader captain ng squad.. Siya yung magiging stepsister ni Alvin.."

Awtomatikong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"WHAAAAAAT?!" Sigaw ko na halos lahat sa cafeteria ay nakatingin saakin. Halaa~ Kahiya naman. *blush*

She put her index finger to my lips. Yung parang pinapatahimik ako. "Shhh! Ingay mo naman eh!" Sabi niya saakin.

Nagpasensya na lang kami sa mga tao sa cafeteria at tinignan ko siya with matching wide eyes. Shocking naman nubg chika nitong babitang to. Di ma-digest ng utak ko.

"Shocking naman kasi talaga bff." Savi ko sakanya.

I heard her sighed. "Maski ako nung ikinuwento ni Alvin sakin nagulat ako.." She said with a sad tone. Bakit naman malungkot ang isang to?

Pero yung sinabi niyang pangalan seems familiar.. Parang narinig ko na siya before.. San ko nga ba narinig yun? *think* *think* *think*

*ting!*

D-Danielle? Danielle Fuentes?

"Sandali... Danielle Fuentes ba kamo?" Tanong ko sakanya.

She's Mine, and Mine Alone.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon