Jack Sebastian's POV
Ang bilis ng mga nangyayari. Alam kong malabo 'tong nangyari sa'kin, can you believe it. Naattract ako sa isang babae, sinundan siya sa probinsya nila, kinausap ng Tatay niya tungkol sa kaniya, nakilala ang mga kamag anak at ibang malalapit na kapit bahay.
Kinuwa ko phone ko. Di ko to nagamit kahapon kaya wala akong nakuwang pictures. Nag lakad lakad muna ako.
What the! Si Mama nga pala! Ahhhh! Pag kabukas ng cp sumalubong ang 153 na missed calls at sobrang daming text!
"Hello, Ma! Hehe." Bungad ko sa kaniya ng sagutin niya ang tawag.
Binungangaan niya agad ako pero di tumagal nag alala na siya.
"Ma, sorry alam kong nag aalala kayo ng sobra pero Ma, babalik din ako pero sana bigyan mo ko ng konting time dito." Sabi ko. Sinabi ko na rin kung nasaan ako.
"Sebastian, susunduin kita diyan! Wag ka ng kumontra!" Nag simula ng mag freak out si Mama.
"Mama, 'wag na, please?" Alam ko namang nag aalala na siya eh, pero sa oras na to sarili ko nalang iniisip ko.
"Sebastian! Baka di na kita maabutan at 'yon ang kinakatakot ko! Kaya please din, umuwi ka na. Please." Narinig kong umiiyak na si Mama. Nadurog puso ko do'n.
Pag umuwi ako baka di ko na siya makita. I have to make a decision. Pinag isipan ko ng maigi kung uuwi na ba ako o mananatili dito.
"Ma, isang araw pa tapos uuwi na ako." Sabi ko sa kaniya. "Pwede ba, Ma?"
"Isang araw na lang anak ah? Please bukas umuwi ka na o susunduin kita diyan." Tumigil na sa pag iyak si Mama. Nag I love you ako bago tapusin ang tawag.
"Uuwi ka na, Sebastian?" Tanong ni Clara. Tumingin ako sa kaniya, kanina pa siguro siya do'n.
"Oo eh, hinahanap na ako sa bahay." Kinamot ko ang ulo ko. Maluha luha siya. Ba't gano'n?
"Babalik ka pa ba?"
"Hindi ko lang alam, malabo na eh." Sabi ko. Malapit na akong kunin eh kaya.
"Osya, wag ng malungkot. Gusto ko masaya ako bago umalis dito!" Sabi ko sa kaniya.
So sinimulan namin ang saya. Nakawala ang baboy ni Aling Dalisay. Tinulungan naming si Aling Dalisay na habulin yung baboy. Sobrang saya non! Ang putik namin sobra! Tapos si Clara sobrang nag enjoy! Tapos nakipag laro kami sa mga bata sa bukid ng habulan, tagutaguan tapos shatong! Sobrang saya pero medyo makati ang mga damo pero ayos lang. Nayakap ko pa nga si Clara eh. Smooth, right? Pag yari naman no'n inaya kami ng mga batang maligo sa ilog. Sobrang saya din non! Tumalon ako sa isang mataas na bato, muntik na akong maplakda pero buti na lang hindi kaso nga lang ang sakit ng hita ko. Tawa ng tawa yung mga bata nung sigaw ako ng sigaw habang pababa ako. Tapos ang ganda ng mga ngiti ni Clara no'n.
Nag patuyo kami. Medyo pahapon na. Binatak ko siya papunta sa taas ng bundok. Malamig dito, mahangin tapos may mataas na puno ng mangga. Umupo kami sa ilalim no'n.
"Sebastian, alam mo ba na ito yung favorite spot ko dito sa lugar namin?" Sabi niya habang naka tingin sa paligid.
"Palagi kami dito ni Tatay noong bata pa ako. Dala dala niya gitara niya tapos mag kakantahan kami." I love it when she's telling me about her childhood.
"Oo nga pala! Di ka masiyadong nag kekwento tungkol sayo!" Sabi niya sabay pingot sa'kin.
"Oy! Masyado kang mapanakit!" Sigaw ko sabay lundag sa kaniya at pinisil pisil ko ang pisngi niya. Bigla kaming napataob tulad ng sa mga movies. Nag dikit ang mga labi namin.
Nag katitigan kami. Natataranta ako di ko alam ang gagawin ko. Dali dalian akong tumayo. Nakatitig lang siya habang tumatawa sa'kin.
"Anong nakakatawa do'n! Nakuwa mo first kiss ko!" Sigaw ko sa kaniya. Natataranta ako sa gano'ng paraan.
"Wag kang mag alala, first smack ko 'yon." Sabi niya sabay ngisi. "Namumula ka."
Kinuwa ko ang phone ko at tinignan mukha ko. Gosh nag bablush nga ako kahit moreno! Maybe this is my chance to take a picture of her.
"Tara picture tayo, Sebastian." Sabi niya sa'kin. Mas kinilig ako do'n pero hindi ko pinahalata. Nabasa niya nasa utak ko.
Tumabi ako sa kaniya. Mas lumapit siya sa'kin. Una nag formal lang kami, nag wacky, cute na pose then she kissed my cheek. Nag papakita na siya ng motibo! Tumingin ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko. Ngumisi siya ng ngumisi.
Humiga siya. Pumikit at nag dadalawang isip kung ibubuka ang bibig at itutuloy ang pag sasalita o wag na lang. Tumalikod lang ako sa kaniya.
"Sebastian, sobrang saya ko nang mag kakilala tayo." Hindi ko siya tinignan baka nahihiya siya. Nanatili lang akong naka upo.
"Matagal na kitang gusto. Matagal na kitang nakikita sa clinic ni Doc. Malamang hindi mo ako napapansin dahil," Tumigil siya sa pag sasalita.
Bigla akong napaisip. "Saglit! Ikaw yung laging naka sweater sa dulo! Yung parang emo! Kaya pala nanibago ako nung may babae!" Sabi ko sa sobrang tuwa. Natawa din ako sa sarili ko.
"Nainitan ako kaya wala akong sweater no'n." Sabi nito habang tumatawa. "Sebastian, mahal kita."
Bigla akong naluha. Napahinto ako sa pag galaw. "Bakit ngayon mo lang to sinabi sa'kin?"
"Ngayon lang ako nag karoon ng lakas ng loob." Sabi niya. Narinig ko siyang umiiyak na. "Tutal aalis ka naman na, sayang naman kung hindi ko masabi sayo," napahinto siya saglit. "Tsaka naaalala mo yung sa bus? Alam ko namang sumunod ka siguro tadhana na lang na napag tabi tayo. Si Lola kasi eh." Ngumisi siya kasabay ng mga ngiti ko.
May part sa'kin na galit at naiinis sa kaniya at may part ding sobrang saya kasi mahal niya ako.
"Pero, Sebastian gusto mo ba ako?" Nag dalawang isip siya bago niya itanong.
"Mahal kita." Bulong ko. "Mabilis man yung mga nangyari pero... mahal na kita." Bigla siyang bumangon at niyakap ako mula sa likod. Sinandal niya ang ulo niya sa likod ko.
"Salamat." Halo halong emosyon ang dumapo sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok. Ang daming tanong sa utak ko.
Ang saya ko na naiinis na nalulungkot. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ako makagalaw. Gusto kong tumalon sa sobrang tuwa.
"Mahal kita, Clara!" Sinigaw ko ng napakalakas. Ang sarap sa puso. Sobrang saya.
"Mahal din kita." Bulong niya sabay halik sa'kin.
Tinignan ko siya habang naka pikit ang mga mata niya, sobrang ganda niya. Pinikit ko rin ang mga mata ko. Ang init ng mga labi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Can I call this romantic kiss?
Bigla akong napangiti habang nakadikit ang mga labi niya sa mga labi ko. Hinawakan ko siya sa mag kabilang pisngi at tinitigan siya.
"Ngayon, nakuwa mo na ang first true kiss ko." Sabi ni Clara habang naka ngiti.
Wala akong ibang naiisip kundi siya lang. Walang kahit na ano ang pumasok sa utak ko kundi yung mag stay pa ng matagal.
She gave me a reason why I wanted to stay. She gave me a reason to fight in this hopeless situation.
YOU ARE READING
Risking My Ephemeral Heart
RomantikDo you believe in love at first bond? Siguro malabo pero that thing happened to me. She's the first and last woman I've ever loved. This is our lovely story, a fast story I guess yet it will last for a lifetime, for us. Wala ng kwenta kung mabubuhay...