Chapter 5

3 1 0
                                    

Jack Sebastian's POV

We stayed up all night. We cherished every moment. Happy moments ain't last, right?

Madaling araw na. Andito parin kami sa taas ng bundok. Nakahiga ako at nakahiga naman siya sa braso ko.

We're waiting till the sun rise. Magkatitigan lang kaming dalawa habang naka ngiti sa isa't isa. Ayaw ko ng umalis! Nakakainis! Tumayo siya at inabot niya ang kamay niya sa akin.

"Sebastian, sayaw tayo." Sabi niya habang naka ngiti. Inabot ko ang mga kamay niya at tumayo. Nag play ako ng isang slow song.

Inilagay ko ang mga kamay niya sa balikat ko, hinawi ko ang buhok niya papunta sa tenga niya. Iniligay ko ang mga kamay ko sa bewang niya. Walang salita ang lumabas sa aming mga bibig pero puno ng mga salita ang aming mga mukha.

Dinikit ko ang noo ko sa noo niya. Ipinikit ko ang mga mata ko habang patuloy kaming sumasayaw.

Naramdaman ko na ang maiinit na pag dapo ng sinag ng araw sa aking katawan.

"Dito ka na lang." Bulong niya. Bigla akong dumilat at nakita yung mga luha niya. Pinunasan ko 'yon ng mga kamay ko. Hinawakan ko ang mga pisngi niya.

"Wag ka ng umiyak, diba sabi ko masaya dapat bago ako umalis dito." Sabi ko sa kaniya.

"Bakit ba kasi aalis ka pa? Dito ka na lang kasi!" Pilit niya. Natutuwa lang ako sa kaniya. Para siyang bata na ayaw iwan ng magulang.

"Kailangan, Clara." Bulong ko sabay halik sa noo niya.

"Babalik ka ba?" Iyon ang tanong na hindi ko masasagot. Baka hindi na ako umabot, walang kasiguraduhan.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit at gano'n din siya.

"Tara na?" Tanong ko sa kaniya. Tumango siya pero binatak niya ako at hinalikan muli.

Tumulo ang mga luha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, ayaw ko pang umalis pero kailangan, ayaw ko pang iwan siya pero walang kasiguraduhan kung tatagal pa ako.

"Salamat." Bulong niya bago kami mag simulang mag lakad. Pinasan ko siya ng kalagitnaan na.

"Sebastian!" Sigaw ni Mama na dali dalian akong sinalubong. Niyakap niya ako habang tumutulo ang mga luha niya. "Namiss kita ng sobra anak! Nag alala ako ng sobra sayo!" Sabi niya habang hinihimas ang ulo ko.

"Ma, si Clara po." Sabi ko, ngumiti si Mama kay Clara. Nag bless si Clara kay Mama. "Girlfriend ko po." Sabi ko at biglang nasamid si Clara.

Tumingin ako sa kaniya, ang sama ng titig niya sa'kin pero naka ngiti.

Napangiti si Mama sa'ming dalawa. "Iwan ko muna kayo, tsaka Sebastian. Uuwi na tayo ah?" Tumango ako sa kaniya.

Sinikmuraan ako ni Clara habang pag tapos ay ngumisi siya.

"Para sa'n 'yon!?" Tanong ko sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hindi mo ako tinanong kung girlfriend mo na ako! Hindi mo kinuwa permiso ko!" Nag pout siya. Sobrang cute!

"Will you be my girlfriend?" Inabot ko ang kamay ko sa kaniya.

Inabot niya ang kamay ko. "Sa'yo na ako," nag hand shake kami parang nung unang araw na nakilala ko siya. Tumawa kami ng sabay. "Sa'kin ka lang ah?"

Ang landi namin pero sobrang saya!

Kinuwa ko na ang mga gamit ko. Nag paalam na ako kay Nanay at Tatay. Pati sa ibang mga nandoon.

"Clara, eto nga pala cellphone number ko." Inabot ko sa kaniya ang papel.

"Wala akong load eh, do'n pa sa bayan yung nag loload." Sabi niya. "Pero sige bababa ako para sayo." Kinuwa ko ang number niya at nisave sa contacts ko.

"See you! I love you!" Sabi ko sa kaniya habang kumakaway palayo.

"Ayos na ba lahat?" Tanong ni Mama ng makasakay ako sa kotse. "Wala ka ng naiwan?"

"Wala po, Ma." Sagot ko pero merong parte ng puso ko ang naiwan do'n, ang bigat sa puso. Sumandal ako sa bintana habang nakikinig sa kanta.

"Nak, matulog ka na muna, matagal pa ang byahe malamang napagod ka." Sabi ni Mama.

"Okay lang po, Mama." Hindi rin po ako inaantok. Kahit na magdamag kaming gising.

"Anak, kailan mo na kilala si Clara?" Tinanggal ko ang pares ng earphones ko na nasa kaliwang tenga ko.

"Nung last check up, Ma."

"Hindi ba parang mabilis, Nak?" Mag tataka talaga si Mama sa sobrang bilis ng pang yayari.

"Hindi ko nga rin alam, Ma. The first thing I know, wala akong pake sa mga babae tapos pag kayari no'n all I know is that I fell inlove with her." Sagot ko. Ngayon lang kami ng usap ni Mama tungkol sa babae kasi nga she's my first love.

"Do you really love her?" Seryosong tanong ni Mama.

Tumango lang ako at nanahimik na, hindi na din nag tanong si Mama. Isang buwan at ilang mga araw na lang, nakakaramdam na ako ng takot.

I can't stop thinking about her. Palagi siyang sumasagi sa isip ko at ang hirap no'n pero... ayos na kahit bago ako mamatay nag ka roon ako ng girlfriend.

Ilang oras ang lumipas, naka uwi na kami. Natulog agad ako pag punta kong kwarto. Sobrang nakakapagod.

Bumangon ako ng may marinig na kumakatok sa baba. Dumiretso ako doon. Pag kabukas ko biglang may yumakap sa'kin.

"A-andito ka!" Malakas kong bati. Niyakap ko siyang mag higpit.

Then after that, I wake up. Oh God, it's just a dream yet it felt so real.

Bumangon ako na ako. Sa pag kakataong ito, totoo na. Walang Clara na kakatakot, na yayakap sa'kin at wala sa tabi ko.

Ugh, umaga na sobrang sakit ng ulo ko.

"Good morning my Prince!" Bati ni Mama na nag luluto ng pancakes.

"Good morning, Ma." Nag madali si Mamang mag asikaso ng mga gagamitin ko sa pag kain.

"Halika rito, tabi ka sa'kin." Namiss niya talaga ako. Anong mangyayari kay Mama pag nawala na ako?

Umupo ako sa tabi niya at niyakap niya ako ng sobrang higpit. "I love you, Anak."

"Tsaka Anak mamaya aalis tayo ah? Gagala tayo, bonding? Okay ba?" Tanong ni Mama.

"Ma! Para ka namang abno ay!" Sabi ko sa kaniya sabay yakap. Umiyak na siya at nasundan na din ng pag tulo ng luha ko.

Kumain na kami ni Mama at nung nag tanghali na, nag salon kami, gala sa mall at kumain ng kung ano ano. Sobrang nag enjoy kami ni Mama. Tapos tumambay kami sa matagal na naming pinupuntahan, sa lugawan malapit sa park kung sa'n dinala ko si Clara.

"Hay nako, namimiss ko tuloy Papa mo, bakit kasi ang aga niyang kunin eh, tapos ikaw iiwan mo na din ako." Sabi ni Mama.

"May isang buwan at ilang araw pa naman, Ma. Pwede pa nating ienjoy ang buhay ko." Sabi ko sa kaniya. Nag ngitian kaming dalawa.

Para siyang araw sa maulan kong umaga, hinahanap hanap ko siya.

Risking My Ephemeral HeartWhere stories live. Discover now