Jack Sebastian's POV
"Bingka, Bingka." Bigla akong naalimpungatan ng paulit ulit niya kong tinawag kasabay ang pag tapik sa'kin. "Oy, gising ka na, punta tayo sa favorite spot ko." Para siyang bata, paulit ulit akong tinapik at inalog alog.
"Heto na, heto na, gising na ako." Kinusot ko ang mga mata ko. "Ang dilim pa ah." Siguro nasa alas kwatro palang o alas singko.
"Ihh, tara na bangon ka na diyan, gusto ko ulit makita yung sunset kasama ka." Paulit ulit niya akong pinilit, ang kulit kulit! Natalo ako kaya bumangon na ako. Nakahanda na ang telang hihigaan namin.
Binatak niya ako hanggang sa makapunta kami sa taas. Sobrang excited siya. Naka titig lang ako sa kaniya habang binabatak niya ako.
Sobrang lamig. Nang makarating kami inilatag ko na agad ang tela. Umupo ako at umupo siya sa tabi ko.
Nakaupo lang kami, sobrang dilim pa at may kaunti pang mga bituin. Umakbay ako sa kaniya at sinandal naman niya ang ulo niya sa'kin.
"Naalala ko lang, saan tayo ikakasal?" Tanong ko. Ngumiti siya at tumingin sa'kin.
"Sa church, dito sa lugar namin." Sagot niya. "Tsaka pag sa ibang lugar baka hindi makapunta yung mga kapitbahay namin.
"Sige, check na ang church. Saan naman reception?" Tanong ko. "Ah! Sa court na lang para lahat makakapunta." Sumangayon naman siya.
"Eh saan tayo titira?" Tanong niya.
"Hindi tayo aalis dito, kasi pangako ko kay Tatay na hindi kita ilalayo sa kanila." Napangiti siya lalo. "Basta kasama kita ayos na ako kahit saan."
"Bingka? Kaya mo bang mag alaga ng benteng mga anak?" Seryoso niyang tanong at napangisi naman ako at hinimas ang ulo niya.
"Ihhhh, masyadong madami baka malosyang ka, Bingka." Sagot ko sabay halik sa ulo niya.
Humiga ako at humiga naman siya sa dibdib ko. Sabay naming pinag masdan ang mga natitirang mga bituin. Iniyakap niya ang kamay niya sa'kin.
"Pag babae ang panganay, gusto ko Allyza ang pangalan niya." Sabi ko. "Kasi ang sarap pakinggan ng pangalan na 'yon at sure ako na magiging maganda si Allyza katulad ng Nanay niya."
"Hoy, Bingka." Sabi ko ng hindi na siya sumagot. Tumingin ako sa kaniya at naka tulog na pala siya. Pataas na ang araw, unti unti ng lumalapit ang sinag nito sa'min. Sunrise with you is the best.
"Bingka, sorry." Bulong ko. Nalulungkot ako, kasi alam ko namang hindi mangyayari ang mga bagay na 'yon. Gusto ko sana pero wala eh, inuubos na lang namin ang mga buhay namin sa isa't isa.
Tumitig uli ako sa mukha niyang dinapuan na ng sinag ng araw. Apaka swerte ko sa tulad mo. A lovely, kind and beautiful lady like you fell in love with a boy like me.
Ilang oras kaming naka higa dito. Hindi ako lumilikot dahil baka magising siya. Kung ano ano ng pumasok sa isipan ko tungkol sa'ming dalawa. Deserve ba namin 'to? Alam kong masamang kwestyunin ang nasa taas pero, minsan talaga mapapaisip ka na lang kung bakit ikaw pa, kung bakit kayo pa binigyan ng gantong sitwasyon.
"Bingka," Bulong niya at parang wala pa sa sarili. "Gusto kong sundae." Ngumisi ako sa kaniya.
"Sige, mamaya punta tayong bayan, o kali isang litro na lang ng ice cream? Tsaka bili tayo ng apa, at chocolate syrup? Gusto mo 'yon?" Tanong ko.
"Usto ko 'yon, Bingka. Gusto ko din ng pandesal, Bingka." Dami namang gusto ni Bingka ko.
"Ano pa?" Tanong ko.
"Ikaw gusto ko." Napangisi ulit ako, gamit na gamit na linyahan na 'yon eh. Humiga muna kami ng ilan pang mga minuto at umuwi na kami kila Clara.
"Bingka, date tayo," Sabi ko sa kaniya. Napahinto siya sa ginagawa niya at tumingin sa'kin habang naka ngiti.
"Talaga? Inaaya mo akong lumabas?" Sobrang excited siya sa tanong niya.
Tumango ako habang naka pout. Lumawak ang ngiti niya at dali daliang naligo.
"Wait mo lang ako, Bingka!" Sigaw niya. Narinig ko ng nag simula siyang mag buhos ng tubig sabay sigaw.
Lumabas ako at umupo sa upuan habang naka ngiti. Anong gagawin ko para mapasaya siya? Kailangan ko bang sulatan siya kada araw? Dalan siya ng mga bulaklak kahit na pitas pitas lang at haharanahin kada gabi? Siguro maganda 'yon, pero kailangan ko yung pang isang araw pero puno ng memories.
Aha!!
Clara Edosma's POV
"Bingka! Bingka!" Sigaw ko. "Hoy!" Wala ata siya. Ipapakita ko sana sa kaniya kung maganda ba suot ko, bulaklakin na blouse? Hindi ba ako mukhang matanda do'n?
Lumabas ako ng kubo. "Hoy, Bingka! Kanina pa kita tinatawag." Nag taka lang ako hinahapo siya. "Ayos ka lang ba? Nahihirapan ka ba huminga?"
Umupo siya sa upuan. "Ayos lang ako." Sagot niya habang hinihimas ang dib dib.
Wait! Baka inaatake siya sa puso! Dalidalian akong tumabi sa kaniya.
"Hoy, anong nararamdaman mo?" Natataranta na ako kung ano ano na nagagawa ko sa kaniya. "Masakit ba puso mo?"
"Ayos lang po ako, Bingka. Hindi to tungkol sa puso ko kaya wag ka ng mag alala." Sagot niya. Hinimas ko ang likod niya.
"Bingka, liligo na muna ako." Sabi niya.
Tumayo siya at sumuntok sa hangin. "Yes!" Narinig ko siyang bumulong.
Ayos lang ba siya? Ilang minuto ang lumipas at lumabas na siya ng kubo.
"You look beautiful, by the way." Sabi niya. Ha? "Hinahapo ako kanina, hindi ko na nabanggit." Sabi niya sabay ngisi.
"Tara na?" Tanong niya. Tumayo ako at nilagay ang kamay sa braso niya. Nag lakad na kami at pumitas siya ng bulaklak.
"Gumamela, para sa pag ibig kong hindi mawawala." Sabi niya at inilagay niya ito sa tenga ko. "Sakto sa damit mong bulaklakin."
Sinandal ko ang pisngi ko sa kaniya habang nag lalakad kami. Nakababa na kami. Sumakay sa jeep at pumunta sa fast food resto.
"Anong gusto mo?" Tanong niya. "Ah! Alam ko na, diyan ka na lang at wag kang lalayo, oke?" Pumunta na siya sa counter.
Jack Sebastian's POV
Inorder ko ang mga inorder ko noon. Nadagdagan lang ng dalawang sundae. Nakatingin lang sa'kin si Clara habang nilalaro ang mukha.
Kumain na kami. Typical na date kung saan puring puri siya sa'kin pero pilit siyang tumatanggi sa mga magagandang sinasabi ko. Hindi niya ba alam na siya ang pinaka maganda sa loob ng restaurant na 'to? Oo sige mali, sa buong mundo except kay Mama.
"Tigil na sa titig, Bingka." Sabi niya. "Baka po matunaw ako eh."
"Ang ganda ng mga mata mo." Sabi ko at ngumisi kaming parehas.
"Hindi na bagay sa'yo!" Sabi niya at medyo nalakasan ang boses. Natahimik kami ng tumingin ang iba sa'min at tumawa ulit ng mahina ng hindi na sila naka tingin.
"Pero totoo 'yon." Sabi ko. "Ikaw ang pinaka maganda."
"Ha? Eh kala ko ba mata ko maganda? Bat naging buong mukha ko?" Sabi niya.
"Sinasabi ko lang kung ano yung totoo." Sabi ko sabay ngisi. "Tara na?" Tanong ko at tumayo ako at inabot ko sa kaniya ang kamay ko, like a prince.
Inabot niya ang kamay ko at tumayo.Nag lakad lakad kami habang nakalagay sa braso ko ang kamay niya.
Is it too normal? O kailangan pa naming mas maging extraordinary?
"Bingka, daan tayo sa cathedral." Sabi ni Clara. Sinunod ko siya at doon kami nag tungo.
Dumaan muna siya sa rebultong may holy water at lumuhod sa upuan ng mayari 'yon.
Umupo lang ako. Habang nakatingin sa harap.
Lord, alam kong madalas akong mag tanong Sa'yo at mali 'yon, matay akong mag tanong kung bakit kami pa pero salamat kasi kahit kukunin mo na kami nakilala pa namin ang isa't isa. Make me a worthy person for a worthy woman like her, kahit sa konting panahon.
This lady in front of me, she's the woman I want to take here every single day. She's my angel.
YOU ARE READING
Risking My Ephemeral Heart
RomanceDo you believe in love at first bond? Siguro malabo pero that thing happened to me. She's the first and last woman I've ever loved. This is our lovely story, a fast story I guess yet it will last for a lifetime, for us. Wala ng kwenta kung mabubuhay...