Jack Sebastian's POV
Napasubo ako kagabi, ang bigat niya pero na bawasan naman kasi kumakanta siya habang nag lalakad ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko kagabi, di ko alam pero 'yun 'yung masayang mabilis na tibok ng puso.
"Leng! Leng! Leng!" Bigla akong na padilat at napa bangon sa higaan ng may malakas na boses ng lalaki ang sumigaw.
"Sino ka?!" Sigaw nito at napasalag ako ng ituro niya ang itak sa akin.
"Oy! Leng!" Sigaw ng Nanay ni Clara ng makalabas labas ng kubo. Bale sa may bangko lang ako sa labas nila natulog.
"Bisita 'yan, kaibigan ni Clara." Kinuwa agad ng Nanay ni Clara ang itak kay Tatay ni Clara.
"Nay, Tay, anong nangyayari dito?" Tanong ni Clara.
"Akala ko kasi mag nanakaw." Sagot ng Tatay ni Clara. "Tsaka kailan pa 'yan dito?"
"Kagabi pa, eh kaso tulog ka na eh." Sabi ng Nanay ni Clara.
Napangisi si Clara. "Eh anong nanakawin satin, Tay?"
"Ikaw. Baka ilayo ka niya samin." Napa pout si Clara ng marinig niya 'yon at napayakap sa Tatay niya.
"H-hindi po, Tay." Sabi ko. Tumitig siya sakin ng matagal.
"Leng, Clara, pasok muna kayo sa loob mag uusap lang kami." Matigas na sinabi ng Tatay niya. "Leng, iwanan mo 'yung itak." Bigla akong napalunok at kinabahan. Pumasok na sila Clara sa loob at naiwan kaming dalawa ng Tatay ni Clara. Umupo kami.
"Anong balak mo? Pero sana naman 'wag mong ilalayo ang prinsesa namin." Sabi ng Tatay niya. Nakita ko sa mukha niya ang labis na pag aalala.
"Tay! Ano ba 'yang tanong na 'yan!" Sigaw ni Clara. Napangisi ako.
"Wag kang magulo, Clara. Kaming dalawa yung nag uusap dito." Sabi ng Tatay niya.
"Balik tayo sayo. Halata sa mukha mo na gusto mo siya." Pinukpok niya ang talim ng itak sa banko. "Ayaw kong masaktan ang prinsesa ko."
Hindi ako naka sagot. Baka mailang sakin si Clara kung sakaling malaman niyang may gusto ako sa kaniya. Pero para sa'n pang sumunod ako sa kaniya, diba?
Tumingin ako sa lapag. "Tay, kung sakaling mag ka gusto po ako sa anak niyo, kung sakali lang po ah. Di ko po siya sasaktan, di po deserve ng anak niyo ang masaktan. Kung sakali pong maging akin siya, wala po akong sasayanging oras para iparamdam sa kaniya yung pag ibig ko."
Tumingin ako sa mukha ng Tatay ni Clara at maluha luha ito. Bigla niya akong niyakap. Guminhawa ang bigat sa dib dib ko.
"Salamat." Bulong niya.
"Si Tatay naman!" Sabi ni Clara ng makalabas siya. "Ang drama mo, Tay." Ngumisi siya. "Payakap nga, Tay!"
Tumayo ang Tatay ni Clara at nag yakapan sila.
"Osya tama na drama. May salo-salo pa tayong aayusin." Sabi ng Nanay ni Clara. Pinasuot nila sa'kin ang damit pang saka, lalaban daw ni Nanay yung damit ko. Lumipas ang oras nakapag luto na sila. Tinulungan ko silang mag bitbit ng mga pag kain papunta daw sa isang covered court.
"Magiging masaya 'to, Sebastian." Sabi ni Clara habang naka ngiti. Nag lalakad kami papuntang court.
"Na eexcite na nga ako eh. Tsaka madami bang tao do'n?" Sabi ko.
"Eto 'yung gusto kong part eh, yung salo-salo talagang na fefeel ko na special ako sa kanila." Tinitigan ko siya habang nag sasalita, naka ngiti pero maluha luha. "Ando'n mga kamag anak ko, mga kapit bahay din namin, yung iba naman galing pa sa baba. Kaya kung tutoksuhin ka nila wag mong pansinin, sakyan mo na lang." Sabi niya sabay ngisi.
YOU ARE READING
Risking My Ephemeral Heart
RomanceDo you believe in love at first bond? Siguro malabo pero that thing happened to me. She's the first and last woman I've ever loved. This is our lovely story, a fast story I guess yet it will last for a lifetime, for us. Wala ng kwenta kung mabubuhay...