Chapter 11: Unaffected (Part 2)
JERIC'S POV -
Palubog na ang araw pero di pa rin tapos ang photoshoot. Sobrang boring kasi maghapon lang kaming nakatunganga dito ni Jeron. Nagttwitter ako from time to time tapos naglalaro ng basketball game app sa phone habang si Jeron naman nanggugulo at nangungulit pa rin. Tinotoo nga ang sinabi nyang babawi sya dahil sinira ko ang tulog nya. Ngayon naman, sinisira nya ang araw ko. Hay buhay.
JERON: ... isipin mo, nakakapanghinayang din. 4 years and 2 months rel -
JERIC: Hindi mo ba napapansin na hindi kita pinapansin?
JERON: Hindi, dahil hindi naman ako nagpapapansin.
JERIC: Tumahimik ka na nga dyan. Ang daldal mo masyado. Uso ang twitter, bro.
JERON: Sigurado kang gusto mong i-tweet ko lahat ng mga sinasabi ko? ^^
JERIC: On the other hand, wag na pala. Just keep on talking.
I put my headphones on to shut him up.
Scroll, scroll, scroll. Find a perfect song.
JERON: 17? Di ba yun yung title ng playlist mong binigay kay Ate Wensh noon? Ayieee ...
JERIC: Ugh, Jeron. Lumayo ka nga. Napaka-usisero mo. >.<
JERON: Di mo pa dinidelete yung playlist. May pag-asa pa!
JERIC: Para kang bata, alam mo yun? Grow up nga.
JERON: Grow up, grow up. Pwe! Bakit ikaw matanda na pero parang walang kinatandaan? Magsabi lang ng totoo, di pa magawa. (smirks)
JERIC: Ano ba pinagsasasabi mo ha?
JERON: Oh, you know what I mean, Ahia. (playfully punches Jeric's arm) Amin-amin din sa sarili pag may time. Sayang ang panahon.
JERIC: Ewan ko sayo! >///<
I scrolled up and listened on whatever song that I clicked.
I think I'll be brave
Starting with you
But I'll fall away if you tell me to
I'd rather be wrong
Then hope that I'm right
'Cause I can't go on with this all inside
I think I'll be brave
And say how I've wanted you
From: Shoti Jeron
Wow!!! Listening to "Brave". Di ba awkward?
Lumingon ako at nakatingin si Jeron sa celphone ko. Ang tanda tanda na pero kung umasta parang bata pa. Kaasar. Hindi ko na lang pinansin at nakinig na lang ako sa kanta habang naghihintay na matapos sina Almira.
.
.
.
5 songs later, nagpapack-up na sila. Nagbibihis na ang mga model at nag-uusap na sina Almira, Rue at Wensh about sa pictures and the schedule of their next photoshoot. Kinuha ko na ang mga dalang gamit ni Rue at nilagay sa sasakyan. Yun man lang magawa ko, di ba? Hindi ko na nga kasi madrive pauwi.
RUE: Thanks for waiting.
JERIC: Expert ako sa paghihintay. (chuckles)
JERON: (bumulong) Oooops. Double meaning.
BINABASA MO ANG
Silver Lining (Serendipity: Book 2)
FanfictionWe love until it hurts. We love until it bleeds. We love until it fades in time. We just wait for the right time. Then, find someone new ... or not. Set 7 years after 'Serendipity'.