20 | To Have and To Hold

4.1K 74 15
                                    

Chapter 20: To Have and To Hold

WENSH'S POV -

Hinihintay ko na lang na matapos magbihis si Mika then pupunta na kami kina Loren. Nakabihis na ko into my maid-of-honor dress at nag-heels na rin para masanay na mamaya sa processional. Yep, today is Kevin and Loren's wedding day. Excited na ako kasi ikakasal na sa isa't isa ang dalawa sa closest friends ko.

WENSH: Yeye! Matagal ka pa ba dyan?

Tumingin ako sa relo ko. May tatlong oras pa before the wedding pero pinapapunta na ko ni Loren at ng bridesmaids nya dahil nasa akin nga yung wedding gown.

MIKA: Sandali lang, Ate Wensh.

WENSH: Okay, double time!

MIKA: Opo, opo!

-

From: Melissa

Where na you?

From: Michele

Hoy Wenshy! San ka na?

From: Aby

Where youuuuuuuu???

From: Loren

Why do I suddenly regret choosing you as my maid-of-honor? Jk. Bilisan mo!!!

-

I sighed. Sunud-sunod yung text nila. Madami pa yan pero pare-pareho lang naman yung tanong nila. Kung nasaan na daw ako. Pssh. If only they know na hindi ko kasalanan kung bakit ako natagalan.

MIKA: Tara na!

WENSH: Ang tagal-tagal mo tapos hindi ka pa pala nakakapag-ayos ng buhok.

MIKA: Si Ate Cheppy na ang bahala sakin.

WENSH: Halika na nga. Hinahanap na nila 'ko.

MIKA: Sino magdadrive? Ako o ikaw?

WENSH: Ikaw na lang. Ako na maghahawak ng gown.

MIKA: Aye, aye.

Mika drove us to Loren's house kung saan nagtipon-tipon ang relatives and friends ni Loren. Dahil bawal pa sya makita ni Kevin, Kevin and his relatives stayed at his parents' house muna for a while before the wedding.

ABY: Dumating na din sa wakas.

WENSH: Si Yeye kasi ang tagal.

MIKA: Sorry! Nasan si Ate Cheppy? Magpapaayos ako ng buhok.

ABY: Nasa loob kasama ang bullies.

MIKA: Okay, thanks.

Pumasok si Mika sa kwarto kung saan nandun si Michele at ang bullies while I went to the opposite room with Aby kung saan nandun si Melissa at ang bride na inaayusan na. Dahil gusto nilang dalawa na documented ang before, during and after ng wedding, may mga videographer and photographer din from my studio.

WENSH: Hi. Sorry natagalan.

LOREN: Natraffic ka na naman ba?

WENSH: Nope. Si Yeye kasi ang bagal kumilos.

Sinabit ko ang wedding gown nya sa may handle ng cabinet and umupo muna sandali sa sofa sa likod. Medyo naiilang nga ako kasi may nagvivideo at kumukuha ng pictures. I tried to stay away as much as possible. Then, tinabihan ako ni Melissa.

LISS: May kinwento sakin si Yeye.

And just as soon as I heard that, alam ko na kung anong ibig nyang sabihin. I saw it from her expression. Curious at naka-smirk. Hay, Mel ...

Silver Lining (Serendipity: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon