Chapter 15: For Catering Services Only
JERIC'S POV -
Naghahanda na ang service crew para pumunta at mag-serve sa Strasser company, the company where Wensh works ... at kung saan nandun din yung asungot na si Rodney.
JERIC: Kumpleto na ba?
YEN: Opo, sir.
JERIC: Paul, ikaw na ang magdrive. I'll be bringing my van.
PAUL: Sige po, sir.
JERIC: Mag-iingat sa pagdadrive. Wait - kumpleto na ba yung mga kasama? Sina Shin, Ray, Alfred at Effie, nandyan na ba?
Nagbukas ang pinto sa likod ng service at kumaway silang lahat sakin.
JERIC: (ngumiti) Sige na. Pumunta na kayo dun. Yen at Paul, take charge habang wala ako.
YEN: Makakaasa kayo, sir.
Nagdrive na si Paul at nauna na silang umalis.
JERIC: Bogsh, ikaw muna in-charge dito sa labas ha.
BOGSH: Okay, sir.
JERIC: Bea, pakisabi naman kay Hyuan, aalis na ko. Sya na ang bahala dito.
BEA: Okay, sir. (pumunta ng kitchen)
I made sure na wala na akong nakalimutan bago ko pumasok sa van at nagdrive papunta sa venue ng event. Pagdating ko dun, nahirapan pa akong maghanap ng mapaparkingan kaya natagalan ako. Pagpasok ko sa loob, nakaayos na ang lahat. Stage, tables, chairs, etc. Yung mga pagkain na lang from our crew ang inaayos.
FF >> Start of the event
The event has started. Syempre, hindi ko din naman mapigilang hindi manood kasi nasa harap lang namin yung stage. Nagkaroon ng long - like an hour long - introduction about the history of the company, which I must admit na sobrang boring kasi parang walang energy yung speaker. Siguro dahil matanda na ... o baka di pa kumakain.
Na-bored ako sa pakikinig kaya naman hinanap ko na lang si Wensh pero wala pa yata sya. I saw her friend, Bryan, at hindi naman nya kasama. Imposible naman na hindi yun pumunta.
My phone starts vibrating. Must be twitter or instagram.
@reyesmikaaa: (w/ Wensh's picture earlier) #OOTN ni Ate @jwtiu :)
@jeronalvinteng: hi @tengjeric look oh!
@reyesmikaaa: ganda, di ba? @tengjeric ;)
@abymarano: gandarabells! baka mainlove ulit si ano nyan. :))
@michelegumabao: mention na yan @abymarano ! @tengjeric hi :))))
Madami pang nagmention sakin sa post ni Mika. I just smiled and liked the photo.
Then, five minutes later, dumating na din sya. She's wearing a black cocktail dress from the photo Mika posted. Dumiretso sya sa tabi ni Bryan at umupo. Nakipagbeso-beso pa. I can't help but cringe.
ALFRED: Ganda ng view 'no, sir? (smirks)
SHIN: Yung view ba o si Mam Wensh?
JERIC: Magsisimula na naman kayo.
ALFRED: Di ba yun yung kasamang lalaki ni Mam Wensh nung isang buwan?
SHIN: Anong pangalan nun, sir?
JERIC: Bryan.
ALFRED: Ahhh ...
SHIN: Bagay sila.
BINABASA MO ANG
Silver Lining (Serendipity: Book 2)
FanficWe love until it hurts. We love until it bleeds. We love until it fades in time. We just wait for the right time. Then, find someone new ... or not. Set 7 years after 'Serendipity'.