❝Mobile Legends❞
_
Nagkakila kami ng boyfriend ko through ml or (mobile legends). Magaling siyang naglaro pero syempre mas magaling ako.
Kylee; Babe? Ano? Anong rank mo na!
Ymar; Gm babe!
; wag ka magulo maglalag
Kylee; okay :<
Pero, dahil din sa ml, palamig na ng palamig yung pakikitungo sakin ni Ymar.
_
Noon;
Ymar; Hi babe ! I love you! Mahal na mahal keta! Wag moko ipagpapalit sa ml mo ha? Kumain ka na ba? Kung Hindi pa kain ka na muna! Tsaka bukas ako na gagawa ng assignment mo sa social studies! May surprise ako sayo haha!
_
Tas may mga salitang naka-highlight dun at kapag binubuo mo "IKAW LANG ANG MAHAL KO AKING IROG" or di kaya minsan love letter! Namiss ko na si Ymar, yung dating Ymar.
_
Ngayon;
Ily! Imissya! Kain ka na love! Haha ml muna ko! Love alam mo ! Sobrang ganda ng skin ko ng Odette! Love sorry ah nakalimutan Kong Monthsarrry natin kahapon, 1v1 na lang tayo. Bye.
_
Alam kong, Hindi naman nakakapangselos yung ginagawa nya pero, sa totoo lang nakakaselos talaga HAHA! So exactly on our 3rd Monthsarrry, pinapili ko sya ...
Hi Ymar kita tayo bukad ng 4pm sa Mall, foodcourt ako, punta ka oki? I texted.
_
Maya-maya pa'y nakita ko siya, agad niya kong niyakap at niyayang makipaglaro sa kanya!
Kylee; babe! Ayoko na! Gusto kong ako naman yung priority mo! Please! Pumili ka! Ako o yang Mobile legends mo! Nahihirapan na kong makipagkuhaan sa attention mo dahil sa ml na yan e.
Ymar; sorry babe, pero alam ko namang iiwan mo rin ako e, kaya't mas pipiliin ko yung ml. I'm really really sorry Kylee, I love you, but mas mahal ko si Odette— ay ml pala.
Biglang nagring ang phone ko ng "BREAKTORYYYY! AN ENEMY HAS BEEN SLAIN" naluha na lang ako sa sobrang sakit.