Prank

5 0 0
                                    

_
Ngayon ang anniversary namin ng boyfriend kong si Louie. I always spend my day with him and all my heart, kaya nama'y ngayon naisipan ko siyang i-prank.
Alam niyo yung Noted Sticky Notes Prank? Yung may ididikit ka lang na sticky note sa isang pader tas dun mo sasabihin lahat ng mga gusto mong sabihin sa kanya.
So, pinapunta ko siya sa bahay at pinagpaalam ko na siya sa aking mga magulang na padiretsuhin siya sa aking kwarto, may tiwala sa akin si mama't papa kaya't pumayag naman sila. Maya-maya pa'y naramdaman ko ang paghakbang niya papasok sa kwarto, kaya't nagtago ako sa ilalim ng kama't inilitaw ang maliit na bahagi ng aking paa para malaman niyang andun talaga ako.
"Sorry Louie pero bumalik na sakin yung ex ko, hindi na kita mahal, Im so sorry" malakas niyang binasa iyon.
Akala ko'y gagawin niya ang katulad sa nabasa ko, pero
"Sam, Alam kong andyan ka sa ilalim ng kama mo, and to be honest may sasabihin ako—
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa pagmamadali kong lumabas at agad na yinakap siya.
" I love you honeybabe, prank lang yun , happy 1st anniversary " masaya kong bati sa kanya, pero agad niyang kinalas ang pagkakayakap ko.
"Ay teka? Ano pala yung sasabihin mo? nakangiting tanong ko.
" kasi Sam, bumalik na si Liz from states, bumalik siya para sa'kin, and I am really happy because of that" sagot nito.
"Ha? T-teka? Si Liz? Yung ex mo?" nawala ang ngiti ko sa mga sinabi niya. "Oo Sam, sorry but we need to break up" sagot niya na sobrang tumagos sa puso ko, hanggang sa naalala kong, hindi nga pala niya ako gusto. 2 years ago, iniwan siya ng girlfriend niya, and that time, inoffer ko yung sarili kong maging rebound niya.

50 Short StoriesWhere stories live. Discover now