❝Valentine's Night ❞
-
Today is our Valentine's Night, February 15 2019. Maaga akong nag-ayos at syempre wala pa 'kong kapareha, sa bagay nandyan naman si Ian, yun na lang kakapartnerin ko.
-
But then, narealize kong wala nga pala yung tukmol na yon' ngayon dito, shiittt pano na tooo?
-
At exactly 6pm, nakarating na 'ko ng school. As usual, nag-dress nanaman ako, inayusan nanaman ako ni mama na parang babaeng-babae talaga.
-
Nagmasid-masid muna ako sa paligid at maghahanap sana ng kapareha ngunit, mukhang lahat ya'ta sila'y meron na. "siguro hindi na lang ako rarampa dyan sa Carpet na yan' at magpapahatid sa table, oo ayus na yun at least nagparticipate na 'ko tsaka solo ko table ko ganern" bulong ko sa making sarili habang naglalakad.
Teka? Bat ko ba kinakausap sarili ko?
-
Nagsimula ang party na ang lahat ay masaya't may kapareha, shit naman! Hindi pala pwedeng Hindi rumampa, anliit-liit ko pa kaya't nasa unahan pa 'ko. It's my turn, when someone caught my attention. A guy wearing a gray tuxedo. Hinawakan niya ang kamay ko, na labis kong ikinagulat, alam kong nahalata niya iyon. Pero sa halip, at nginitian niya lang ako't binulangan na "Trust me, mabait ako" sabay kindat, I can't deny na gwapo't matipuno siya, lagi akong napapatingin sa maamo niyang mukha habang patuloy kami sa paglalakad sa carpet. Hinatid niya ako sa aking Table, aalis na dapat siya ng bigla niya akong lingunin at umupo sa harap ko.
-
"Sun, Hindi mo ba talaga ako namumukaan? " tanong nito sa akin. Bahagya akong nagulat dahil sa tawag niya sa akin, ngunit ngumiti pa rin ako't sumagot.
"I'm Kelly, Hindi kita namumukaan s-sorry" sabay yuko, pero inangat niya ang kanyang kanang kamay at sinabing, "Ako to' si James, hahaha Sunshine right? Nah that's Sunshine Writes" natatawa pa nitong sagot. Kaya naman pala, kasi kapwa Rp'ier ko pala to. T-te-ka? James? What!?
-
"J-ames, i-ikaw ba talaga yan ha?" nangingiyak na tanong ko.
"Yes, hmm di ba noon pa? Sabi ko naman sayo magkikita tayo sa mismong araw na 'to.
Hindi ko na napigilan pa ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo, saktong tumugtog ang " You are the reason ",
-
There goes my heart beating,
And you are the reason,
I'm losing my sleep,
Please come back now
-
Niyakap lamang ako nito't pinatahan, ramdam ko ang pag-aalala nito sakin, Hindi ko alam kung matutuwa ba 'kong kayakap ko na siya ngayon o malulungkot dahil alam kong matagal nang wala yung kilala kong James Caleb Bayron.