Tara? Bilang tayo?

6 3 0
                                    

  E-one , nung ako'y iyong E-one, akala ko'y may pag-asa pang tayo'y magkabalikan.
E-two kaya't E-two pa rin ako, nananatiling umaasa, patuloy na aasa at hinding hindi mapapagod kakaasa kahit ikaw na sumusuko sa ating dalawa
E-katlo 3rd, pangatlo, o ikatlo, lang pala ako sa mga bebe mo, oo, tama, pinagsabay-sabay mo kaming tatlo, kaming tatlo na baliw na baliw sayo.
E-Four Effort, sayang yung mga effort pagod ko na ginugol ko para sayo, kasi, simula nung naging tayo, nawala yung dating sweetness mo, nawala yung mga appreciation mo, tuluyan ka na ngang nagbago mahal ko
E-Five , efinavebago ko na yung sarili ko para lang bumalik yung dating tayo, pero walang epekto sayo, ganun ka na kagago that time, pero binabalik, ko parin yung pang-apat,
E-Six "bakit ko pa ba ipagsisiksikan yung sarili sa mga taong hindi nakikita yung halaga ko" narealize ko lang lahat ng yun nung binalikan ko yung pinaka-una. Kung kailan mo ako iniwan.
E-Seven lagi ko itong tinatanong, seven ba ko nagkulang? O ako ba yung may problema? Sino kaya sa ating dalawa?
E-eight ay oo nga pala , naalala ko na, napaka eight ko talagang magisip, sa ating dalawa, ikaw yung may problema kasi nga, andito na nga ako, yung taong ipinapakita sayo yung halaga mo, eh, naghanap ka pa ng iba, so sino ngayon ang manghihinayang?  

50 Short StoriesWhere stories live. Discover now