_
Napapansin nyo ba?
Na parang ang lungkot na ng mga gawa niya?
Ang dati'ng masasayang obra ay napapalitan na ng mga drama,
Ang mga istoryang dati'y may gana,
Ay unti-unting nawawalan ng pag-asa,
Ang dating masasayang katapusan ay nawawala, sa halip ito'y napapalitan ng hiwalayan at kamatayan?
Noo'y napakatamis ng kaniyang ngiti, ngunit bakit ngayo'y mararamdaman mo ang dala niyang hapdi.
Ang mga mata niyang dati'y umaabot sa langit ang ngiti, ngayo'y unti-unting napapawi.
Sa paglamig ng panahon, kasabay ay kaniyang pag-ahon.
Pag-ahon sa kasiyahan, kaya't hinila siya ngayon ni kalungkutan.
Maari mo ba akong tulungan?
Tulungan na makabalik muli sa dati kong kinagisnan?
Ang dating ako na masaya,
Ang dating ako na walang iniinda,
Yung tipong, hindi ko pa alam ang mga problema.
YOU ARE READING
50 Short Stories
Storie d'amoreDIFFERENT SHORT STORIES WITH A MAJESTIC PLOT AND TWISTS.