Marahil ika'y nababagot na sa aking mga liham, ngunit pagpasensiyahan mo na dahil kailanman ay hindi ako magsasawa sa pagpahahayag ng mga bagay-bagay para sa iyo. Katulad na lang ngayon, nandito ako sa silid-aklatan na abala sa paghahanap ng aklat tungkol sa mitolohiya.Kaunti na lamang ang mga tao sa silid aklatan dahil nagsiuwian para sa tanghalian. Bitbit ang iyong ngiti, pumasok ka sa silid kung saan nakuha mo na naman ang akin atensiyon. Wala naman bago roon. Ngunit lingid sa iyong kalaaman, maraming nagsitigalan mapalalaki man o kababaihan. Kahit sino naman ay hihinto para masilayan lang ang iyong taglay na kagandahan.
Hindi ko itatanggi dahil aking iginugunita sa pagkakataon na ika'y aking nakikita, wari baga ay alon ng pangingilig na dahan-dahang bumabalabal sa aking dibdib. Ang aking mukha na bakas ang saganang tuwa.
Mahinhin ang iyong paglalakad na sumasabay sa sayaw ng iyong itim na mahabang buhok. Unti-unti kang lumingon sa akin at tumama ang ating mga mata. Mas umaliwalas ang iyong ngiti na mas lalong naging dahilan para ang iyong mata ay mas naging singkit.
Ibinaba mo ang isang aklat at dali-dali akong niyakap at hinalikan sa pisnge. Napaatras ako dahil sa gulat. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng kaliwang tenga ko dahil sa iyong pagbati.
"Pasensiya na, Miguel. Marahil hindi ka sanay pero ganoon ako pagbinabati ang isang malapit na kaibigan." Saad mo at kasunod nito ang halakhak.
Gulat pa rin ako at wala ni-isang salitang lumabas sa aking bibig. Nakikita ko na ganoon ka rin sa mga kaibigan mo, pero hindi ako sanay dahil ito ang unang pagkakataon. Iwinaksi ko ang lahat na iniisip ko tungkol sa ginawa mo, ngunit hindi pa rin maalis ang malakamatis ko na mukha.
"Kumusta? Bakit ka nandito?"
"Nakita kasi kita at napagdesisyonan ko na pumunta rito."
Tumikhim ako at umiwas ng tingin dahil sa iyong sinabi. Ano ba ang mayroon at parang iba ang pakitutungo mo sa akin? O ako na naman itong binibigyan lahat ng kahulugan ang mga kilos na hindi naman dapat.
Nagkukuwentuhan tayo tungkol sa mitolohiya na tatalakayin sa susunod nating asignatura. Nakikinig lang ako sa iyo na aliw na aliw sa pagsasabi ng iyong opinyon. Lumipas ang ilang minuto at napagtantong minamasdan na pala kita mula kanina.
Ang iyong tindig na nagsisigaw ng hinhin. Ang iyong masiglang buhok ay kinaiinggitan ng karamihan. Ang hugis ng iyong ilong ay perpekto. Ang iyong mga labi na may isang ngiti na nakahahali-halina. At iyong mga mata. Ang iyong mga mata ay isa sa mga pinamakaganda na tanawing aking nakita. Ang mga mata na nagsisilbing salamin ng iyong kaluluwa. Ang iyong mga mata ay nagbibigay ng emosiyon tuwing tayo'y nagkikita. Ang iyong mga mata kapag naaasinta ng araw ay kahali-halina.
Lumipas ang ilang minuto at biglang nagsilabasan ang iyong mga kaibigan. Niyaya ka nilang lumabas para bumili ng sopas. Unti-unti kang nawala sa aking paningin kasabay ng pagkawala sa piling ko. Isang yapos galing sa iyong nobyo ang sumalubong sa iyo.
Ngayon ko napagtanto at ako'y sigurado na kailanma'y hindi ka magiging akin pero ako ay sa iyo pa rin.
BINABASA MO ANG
Kulimlim | ✓
Short Story"Liham para sa iyo na hindi ko na mahahagkan pa" Highest Ranked: [2019 February 06] #1 in Liham #34 in Wattys #291 in Short story Date started: 2019 January...