Wakas

24 3 2
                                        


Miguel,

     Magandang umaga sa iyo, Miguel. Marahil ikaw ay nagtataka kung bakit ako'y may liham sa iyo'y ipinadala. Balita ko ay isa ka ng ganap na guro. Hindi ba sinabi mo rin noon na iyan talaga ang pangarap mo. Pluma at Literatura ang sa iyo samantalang karayom at Siyensa naman ang aking sandata.

    Oo. Isa na rin akong ganap na doktor. Sa ilang taon na tayo'y magkawalay, ay mas napagtuuanan ko ng pansin ang aking pag-aaral. Mahirap man at maraming oras ang kailangan gugulin, ay nagawa ko pa rin na maabot ang aking pinapangarap.

    Marami pa sana akong gustong sabihin sa iyo, ngunit wala na akong sapat na oras. May gusto sana akong itanong sa iyo na matagal nang tumatakbo sa aking isipan. Miguel... Bakit? Bakit ngayon lang?

    Nabasa ko ang ilan sa mga liham mo para sa akin. Miguel magkaibigan tayo. Sa lahat ng taong nakakikilala sa akin, sa iyo ko pinakita ang totoong ako. Pero bakit ngayon lang?

    Nasasaktan pa rin ako dahil alam ko naman na may karapatan ako na malaman ang kung anong nararamdaman mo para sa akin. Miguel, bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang sinabi. Kung hindi ba ibinigay sa akin ng dati kong kaibigan ang mga liham ay hindi ko malalaman? Miguel! Sa lahat ng tao bakit sa akin mo pa nilihim! Takot ka ba? Hindi ka ba kaibig-ibig? Miguel naman! Bakit ngayon lang?

     Bakit ngayong malapit na ako ikasal? Ilang linggo na lang ay itatali na ako sa taong hindi ko naman  talagang lubusan na mahal. Kung sana sinabi mo ng mas maaga... Miguel hindi lang naman kasi ikaw ang may pagtingin. Oo, aaminin ko, nang mga panahon na ako'y may nobyo pa at ikaw ay aking kaibigan ay hindi ko alam kung ano ang tunay kong nararamdaman. Naguguluhan ako, ngunit mas pinili ko pa rin na magpakatanga. Ilang buwan na may relasiyon kami ay mas napagtanto ko na hindi siya ang isinisigaw ng puso ko.

     Nakipaghiwalay ako, ngunit humingi ako ng pabor na kung pwede ba ay magkunwari muna kami dahil may gusto lang akong malaman. Lumipas ang isang taon, ngunit wala pa rin tapos ngayon ko malalaman na mayroon pala talaga.

    Bakit kailangan pa na umabot ng ilang taon? Miguel! Ito na ang una't huling liham ko para sa iyo. May sasabihin pa sana ako ngunit wala na akong oras. Kung mabasa mo man ito ngayon, magkita tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkita.

    Miguel, pwede pa. Pwede pa maging tayo ang ikaw at ako. Huwag nating hayaan na manaig ang tadhana, dahil alam ko na walang sino man ang makahahadlang ng tunay na pag-iibigan. Ipinagtapo't itinadhana, iyon dapat.

     Hanggang dito nalang. Hihintayin kita, Miguel.

Sumasaiyo,
Nadane

Kulimlim | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon