Ikalimang Liham

34 3 0
                                    


Unang araw sa skwela ay siya rin unang araw ng aking pagkahanga
Isang dilag na babae ang aking nakita
At sa hindi inaasahan, ating mga mata'y nagtama
Mga matang nagsasalamin ng iyong kaluluwa

Kasama ang iyong mga kaibigan, ika'y tahimik lamang at nakikinig sa kanilang usapan
May isang pangyayari ang hindi mo mawari
Dahil may isang ginoo ang may hawak na bulaklak
Gulat ang iyong emosiyon ng nakitang may komusiyon

Ito pala ay isang nangangahas na manligaw na bigla na lang lumitaw
Ilang segundo ko rin itong pinagmasdan at napagtantong ako'y walang laban
Dahil nandito lang ako sa gilid, nagmamasid sa palagid
Sapagkat sapat na sa akin na pagmasdan ang iyong taglay na kagandahan

Kihuna mo ang bulaklak na siyang naging resulta ng hiyawan
Ipinikit ko ang aking mga mata dahil masakit ang aking nakikita
Nanatili akong ganoon dahil sa iyong masayang reaksiyon
Ngunit kalauna'y hindi natiis dahil sa pait at inis na tinitiis

Sinabi mo noon na may kulang at hindi alam kung paano punan ang puwang
Ginawa ko naman para alamin ang maaari kong gawin
Para magkaroon na ng kahit kararampot na sagot
Sa tanong na pilit ibinubulong

Ako'y umalis dahil hindi natiis ang inis
Inis sa sarili na patuloy na namumutawi
Lumakad ako nang lumakad
At napagtantong ako'y nakulong

Nakulong sa mundong mayroong ikaw at ako, tayo
Siguro ito na ang tamang panahon para iwaksi ang pighati
Para sayo ako'y magiging masaya dahil natagpuan mo na sa wakas ang tunay na saya
Saya na sa ngayo'y sa aki'y wala pa

Tumigil ako saglit nang may nakitang bulaklak
Kulay pula at puti namumukod-tangi
Paano nakaligtaan ng kariktan ang Rosas sa taglay nitong ubod ng kagandahan
Na sa kabiguan, ngayo'y unti-unting nalalanta

Ang bulaklak na aking nakita ay nahahambing sa taglay mong ningning

Nakahihiya man na aminin, ngunit kung hindi kita iniibig, hindi ko ito mapapansin
Mga talulot ng Rosas sa gilid ay nalalagas na
Ako'y nalungkot, sapagkat aking napagtanto

Gaano kadalas ang minsang binibigay importansiya ang importante
Nasanay kasi na palaging nandiyan o sadyang nagbubulag-bulagan
Masuwerte kung sa panahon ngayo'y napuna
Sapagkat hindi pa huli na iparamdam ang halaga't tuwa

Sa liham ko na ito'y aking sasambitin
Ang lihim na sana'y iyong damdamin
Oo. Mahal kita
Sana iyong mapansin

Kulimlim | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon