SENIOR YEAR.
mayabang na kame sa school :)
tambay sa canteen ang panchoy. yun ang barkadahan nameng babae. ibig sabihin panggulo. kami kase lage ang magugulo sa school. madalas kaming bisita sa principal's office simula pa nung freshmen pa lang kame.
8 kame. si den at aries nasa kabilang section ngayong school year. inilayo ng principal kasi masyado kameng pasaway. si zel, jane, sarah, aika, nic at ako ay magkakasama naman sa isang section.iba iba. may mahinhin. may matapang. may maingay. may tahimik. may sporty. may lampa.may matino. may panay kalokohan. may basta na :)
hindi kami mga tipikal na babae sa school. para daw kameng mga lalake sabe nung iba.
sa canteen agad ang tambay namen.habang nagsusulat ako may lumapit sakeng lalake.
"ate ano daw number mo?"
wala akong pakelam. hindi kase gwapo. tuloy ako ng sulat. hindi pa din sya naalis.
"ate" ulit nya
"sinong maysabe?" pataray kong sagot. alam kong transferee sya.
"ayun oh" sabay turo nya sa isang lalake sa likod.
gwapo yung lalake. ganun yung mga type ko e. payat. maputi. matangkad tapos mukhang suplado. mukhang bad boy. ewan ko bakit kahit date lahat ng crush ko bad boy. challenging kase. may thrill at parang ang ganda ganda mo kapag sineryoso ka ng bad boy di ba?
tumingin lang ako sa tinuro nya. di ko pa din pinansin. alam ko ding transferee siya pero hindi ko alam anong year na nila.
makulit pa din yung inutusan nya. kaya inirapan ko na sabay alis.
pagdating sa room namin napatingen ako sa katapat na katapat na room. para kasing may magugulo dun. at nakita ko si bad boy na nakatingen saken. jusko! first year lang pala. sayang. ayoko pumatol sa bata. sigurado asar talo ako sa barkada ko. at ayoko na bata ang maging first boyfriend ko.
araw araw may sumusutsot saken tapos may ituturo. minsan habang naglalakad kame may kumukulbit sa likod ko.
"sae tawag ka ni rye!"
"anla! tigilan nyo ko!" sabi ko
rye pala ang pangalan ni bad boy. may utusan siya sa mga kaklase nya. lage silang magkakasunod. at lage silang nakasunod samen. naiinis ako.
"sae ano daw number mo sabe ni rye" sabi nung isa nyang utusan.
"wala akong cellphone!" sabi ko
"nakikita ka kaya namen nagtetext ka" sabi nila
"wala akong load!" sagot ko
nahihiya kasi ako sa mga barkada ko pag nalaman na pumapatol ako sa first year. lalo kay den. pinakamatured sameng lahat. tatawanan nya ko panigurado. lahat sila tatawanan ako. palibasa daw maliit ako kaya mga bata nalapit saken. baka akala nila first year lang din ako. hahaha
hanggang paguwe sumusunod si rye at mga bataan nya samen. nakakabugnot. isang beses sa inis ni den sabi nya
"ano ba sae pag hindi mo pa binigay number mo jan ako na magbibigay!"
"gago ka tol lagot ako sa tatay ko. bawal!" pigil ko
direcho lakad na kame ulit magbabarkada. habang inaasar pa din nila ko. malakas mang asar si sarah at zel. inis na inis ako. kahit pa type ko yung dating nya ayoko sakanya! masyadong bata! masyadong makulit! inis na inis ako sa barkadahan nila! pakiramdam ko pinagtitripan nila ko!
INTERGROUP. nasa gym kame. walang klase. lumapit saken si rose. babae sa kabilang section. kaklase ni den at aries. madami syang kaclose pero hindi kami close kaya nagtaka ako
"anong number mo sae?" sabay abot saken ng isang red at black na cellphone.
pamilyar yung cellphone pero hindi ko maalala.
"bakit? anong meron?" nagtataka kong tanong kay rose.
"wala lang. basta may sasabihin ako sayo" nakangiti nyang sagot saken.
kinuha ko yung cellphone tapos nilagay ang number ko.
"sige, salamat!" sabi ni rose.
tapos ay umalis na sya at pumunta na din ako sa mga barkada ko.
"bakit kaya kinuha ni rose number ko e hindi naman kami close nun? tanong ko kay den
"aba ewan ko sayo, binigay mo?" sagot nya
"oo binigay ko"