3 months na kami ni rye. at 3 beses na din kameng naghiwalay at nagpaalamanan at nagbalikan ulit. kaya hindi pa kami nakakaranas magmonthsary. monthly break up ang danas na danas namin. hahahaha
kahit ganito ang setup namin isang bagay ang hinahangaan ko sa relasyon namen.
kahit kailan hindi nagkaroon ng iba. kahit kailan hindi namin pinagawayan ang ibang lalake o ibang babae. madali kaming magusap tungkol sa bagay na yun.
parehas kamiing sobra magselos. pero hindi kami nahirapan dahil pag sinabi nyang ayaw nya sa lalake na yun nalayo ako talaga at ganun din sya.
kahit sa mga panahong magkahiwalay kami hindi pa rin nagkakaroon ng iba. madami akong crush. ganun din sya. pero tanggap namin yun pareho. siguro dahil parehas kaming nagtitiwala.
naging mind set ko na na etong first boyfriend ko na to ang magiging asawa ko.
kaya pag nagpapaalam sya aantayin ko lang sya bumalik. hindi naman matagal dahil hindi din naman nya ko natitiis.
kapal nya no? ligaw ng ligaw tapos nung sinagot laging nakikipaghiwalay. at pag naghiwalay kami umasa ka na. tatawagin na naman nila kong bansot. pandak. unano.
sa aming dalawa ako lang ang mahirap kausap. hindi kasi ako nasunod sa kanya. pero sya madali ko napapagsabihan.
"tumigil ka na ng pagyoyosi mo ha"
"ayaw mo ba sa nagyoyosi?"
"ayoko. kadiri"
"e hindi ko kaya itigil to agad e, hindi ko na lang ipapakita sayo"
simula nun hindi ko na nga sya nakikitang magyosi sa mga dulo ng room at sa labas ng gate
pero kapag sya na ang sasaway saken
"bakit nasa canteen ka pa? nasa room na yung teacher nyo" text ni rye
"hayaan mo sya. cutting ako"
"kababae mong tao nagcucutting classes ka! pumasok ka na!"
"ayaw ko nga at inaantok ako!"
"bahala ka sa buhay mo!"
galit na ulit sya. hahaha pero sanay na ko. magtetext din yan mamaya.