JANUARY 4. pumasok na ko. inabangan nya ulit ako sa pathway. nilampasan ko lang ulit sya. sinagot ko sya sa text lang din. KAMI NA. boyfriend ko na ang bad boy na kinaiinisan ko noon. siya ang naging first love ko.
pero kahit kami na hindi pa din nagbago pakitungo ko sakanya. hindi ko pa din sya kinakausap at pinapansin sa school at hindi ako nagpapahatid. nagalit na sya. masyadong mainitin ang ulo ni rye. kahit nung nanliligaw pa lang sya matapang na sya.
pagkatapos ng isang linggo naghiwalay na din agad kami. galit na galit sya dahil sa 7 months na panliligaw nya e 7 days lang naging kami.
inis na inis din ako. ang pinagawayan lang kasi namin e dahil ayokong makipagusap sakanya sa school.
"bakit ba ayaw mo ko kausapin sa school ha?!"
"saka na lang"
"bahala ka sa buhay mo magbreak na tayo!"
"okay"
yan. ganyan sya. pag hindi nasunod ang gusto nakikipagbreak agad. nakakainis. ngayon lang ako nagkaboyfriend. hindi ko alam paano makitungo sakanya sa school. ayoko ding may makaalam dahil hindi pa ko pinapayagan sa amin.
pero dahil ang pride ko ay mataas pa saken pinapabayaan ko lang sya pag nakikipaghiwalay sya. ayokong magmukhang patay na patay sa kanya. ayokong nagmumukhang seryoso at magiging kawawa sa huli. ayoko ng ganon. ipinapakita ko palage sakanya na hindi sya kawalan. kahit nalulungkot ako pag nawawala sya ng ilang araw nagtitiis ako. pride.
akala ko nung una wala na hanggang sa nasanay na ko at nakampante na kahit ilang beses pa kami maghiwalay ay babalik sya.
magpapaalam sya pero pagkailang araw magpaparamdam na ulit sya. magiging kame ulit tapos maghihiwalay ulit.
dalawang araw bago magvalentines day naghiwalay na naman kame. may event sa school nun. foundation day. busy ako sa booth namin. hindi ko na narinig na nagdedicate pala sya ng kanta saken. nagalit na naman sya.
maya maya may humuli saken. wala daw akong id kaya dadalhen ako sa jailbooth.
"bitawan mo ko at inuutusan pa ko ng teacher namen!" sabe ko sa humihigit saken.
ayaw pa din nya ko bitawan. at may isa pa na humigit saken. nadadala na ko. ayoko dun dahil alam kong booth ng freshmen yun.
"tanginanyo pag bilang ko ng tatlo at hindi nyo ko binibitawan patay kayo saken! isa!"
ayun. bumitaw na sila. hay salamat. tumalikod na ko at naglakad. maya maya may humawak na naman sa kamay ko at hinigit ako. aba talagang pinaiinit ng mga batang to ang ulo ko. pagharap ko
"pota! sabeng bita" hindi ko na natuloy. si rye na pala nahigit saken!
wala na kong nagawa. ikinulong ako sa jailbooth at ipinakulong na din nya ang sarili nya.
nakatingin samen ang adviser nila at parang natatawa.
"boyfriend mo ba yan?" tanong saken ng adviser nya
"aba hindi po"tangge ko
"magingat ka jan gago yan" nakangiting sabi ng adviser nya
ngumiti lang din ako. yun pala kanina pa napapagalitan si rye ng adviser nya dahil ayaw na nga tumulong e nanggugulo pa. kapag daw hindi pa tumigil si rye e ikukulong na din sya
"sige maam ikulong nyo na ko pero isama nyo yung fourth year dun"
kaya pala ako hinuli at ikinulong kasama nya.
"ang hirap mo kase kausapen sa labas e kaya pinahuli kita" nakangiting sabi ni rye
"ilabas mo na ko dito!" sigaw ko
"mamaya nga! ayaw mo ba ko makasama?"
hindi na ko nagsalita.nagtetext na ko sa mga barkada ko at nagpapatubos para makalabas na ko pero ayaw nila.
"tol nahuli ako sa jailbooth ng mga first year tubusin nyo ko" text ko sa kanila
"dba kina rye yon?"reply ni sarah
"oo tol dali tubusin nyo na ko"
"hahahaha jan ka na muna tol. yihiiiiie!"
parang natutuwa pa sila na nakakulong ako. hay mga tunay na kaibigan talaga yan e HAHAHA :D
irap lang ako ng irap kay rye dun. kulang na lang magbaliktad ang mga mata ko. nakakainis kasi. tapos yung mga kaklase nya na babae puro nakatingen samen.parang nagtataka sila kung anong meron samen ni rye. maya maya binayaran na nya at pinalabas na nya ko.
"sige na umalis ka na ayaw mo din naman makipagusap e"biglang sabi ni rye
hindi ko pala nabanggit bakit kami naghiwalay ngayon. ayoko kasing mag i love you too. hahaha walang kwentang girlfriend.
tumawag xa
"gusto mo bang maging tayo ulit?" tanong nya
"kahit ano" sabi ko.
nakatambay ako sa mercury nun pagkatapos ng event sa school at nakatingin sakin ang guard na parang nakikinig sa kausap ko.
"i love you" sabi ni rye
"oo" sagot ko
"sabi ko i love you! anong oo! sira ulo ka talaga e no!"
"edi i love you too"
"bakit anghina? lakasan mo!"
"wag mo nga akong utusan!"
"sasabihin mo lang e!"
"oh i love you too na!"
napalakas yata ang boses ko kasi pinagtawanan ako ni manong guard. hahaha