textmate

29 1 0
                                    

"hey"

   "sino  to?"

"si rye to"

   "pano mo nakuha number ko?"

naalala ko yung black at red na cellphone na inabot saken ni rose kanina sa gym. parang alam ko na kung kanino sya.

"secret hahahaha"

   "cellphone mo yung inabot saken ni rose kanina no?"

"anong cellphone?"

    "tatangge ka pa e yung black at red na cellphone na yun e sayo!"

"hahaha galing ko no?"

    "close kayo?"

"hindi naman. nakakabatian ko lang tapos tinuro kita pinakuha ko number mo"

sabi ko na nga ba e imposibleng si rose ang may kailangan saken. mautak. nakakatawa tong mga bad boy na to. bakit utos sila ng utos? bakit hindi sila gumawa ng sarili nila?

"pwede bang manligaw?"

   "hinde"

"taray mo!"

   "sadya! kaya wag ka na magtext saken!"

"nagrereply ka naman! pakipot ka pa!"

   "kapal mo!"

"may pagasa ba ko?"

   "wala!"

"bakit naman?"

   "ayoko sa bata!"

"bakit ilang taon ka na ba?"

   "15"

"15 na din naman ako!"

   "15 mo mukha mo e first year ka pa lang!"

"palipat lipat kasi ako ng school kaya first year ako lage"

repeater pala sya. naku lalong ayoko masabihang may boyfriend na repeater.

"goodmorning"

"nakapasok ka na?"

"ui"

"good afternoon"

"lunch ka na"

"ano gawa mo?"

"kaen ka na"

"pwede ba kitang ihatid paguwe?"

   "hinde!"

"ingat paguwe"

"bahay ka na?"

"pwede ba ko tumawag?"

    "hinde"

"puyatan tayo. mamaya ka matulog."

    "bawal ako magpuyat mapapagalitan ako ng tatay ko"

"edi magtago ka sa kumot"

    "aba naman! para lang makatext ka? wag na uy!"

ganyan sya kakulit araw araw.

hanggang sa nakasanayan ko na din na nagtetext sya at nagrereply na ko. pero laging pasuplada.palage lang din naman kaming nag-aaway.  ewan ko bakit ako nagrereply e inis na inis naman ako. ay ewan!

"good morning" text nya araw araw kada alas singko ng umaga pagkagising na pagkagising nya.

"morning din" alas sais na ko nakakasagot madalas. tanghali na ko lage gumising kasi malapit lang ang bahay namin sa school hindi kagaya ng kanila.

"sabay tayo pagpasok sa school. antayin kita sa gate"

   "ayoko"

pagdating ko sa gate ng school andun sya at mga barkada nya. nagtayuan na sila sa tinatambayan nila nung nakita nila ko na bumaba ng tricycle.diretso lang ako ng lakad. parang wala akong nakita. habang naglalakad ako pagpasok nakita ko nakasunod na sila saken. hanggang pathway.

"sae sabay daw kayo ni rye!" sigaw galing sa likod ko.

"ui bagalan mo lakad mo sabay daw kayo!"

"suplada!"

"sae!"

"pandak!"

"babaeng door knob ang buhok!"

aba ang mga walangyang to nilalait pa ko! ugh! nakakabwisit! binilisan ko lalo ang lakad!

"si rye na daw magdadala ng bag mo!"

"hoy ambilis mo naman maglakad e baka magdapa ka na" sabay tawanan nila

paulit ulit silang ganyan sa likod ko! hindi ako lumilingon. sobrang nakakainis. trip talaga nila ko no? naririnig ko silang nagtatawanan. lalong nakakainis! ano ba may gusto ba talaga saken to o trip lang akong bwisitin! pero kahit kelan hindi ko pa din narinig magsalita si rye. pautos utos lang sya at pangiti ngiti.

nasa room na ko. nasa room na din sila at kitang kita ko na nagtatawanan pa din sila.

"bakit ambilis mo maglakad?" text nya

      "wala kang pakelam!" sagot ko.

"arte mo hindi ka naman maganda"

      "edi tumigil ka ng katetex mo saken!"

"bakit ga e natatawa ko sayo e haha ang pandak mo tapos nakakatawa pa yung buhok mo mukhang doorknob"

      "e ikaw? muka kang tuko!"

ganito kame araw araw. hanggang sa nagkakapikunan na talaga kame at parang naging mortal na magkaaway pa kame sa school. ganito ba talaga sya manligaw? papatayin sa inis at asar ang babae?

"sabay tayo maglunch"

      "ayoko!"

"lahat na ayaw mo napakaarte mo"

      "talaga! ayokong makita ako ng ibang estudyante na may kasamang repeater. nakakahiya!"

"e ano naman? ang yabang mo ampanget mo naman!"

      "mas panget ka tapos repeater ka pa! eew!"

"mayabang na bansot! unano!"

    "patpat na puro pimples ang mukha! kadiri wala ng space!"

"unana! kaya ka nakabangs para matakpan ang mukha mo e ampanget kase!"

   "ikaw haba haba ng leeg mo muka kang tuko!"

"hindi naman mahaba ang leeg ng tuko hahaha ulaga"

      "mas ulaga ka repeater basta mukha kang tuko!"

sanay na ko na pag nasa gym ako o canteen o room o kahit sa c.r may naririnig akong tumatawag saken na bansot, pandak, unana, unano. SANAY NA SANAY NA AKO! palage lang akong umiirap.

araw -araw simula pagkagising magkatext na kami habang nagkaklase hanggang pagtulog. saglit na magkakatex ng ayos at tatanungin kung pwede na sya manligaw at pag hindi pa din ako pumapayag e aawayin ako at lalaitin. akala ko ba may gusto to saken? e bakit nambubully? paano naman ako magpapaligaw sa gantong klase ng lalake? nakakatuyo ng dugo!

first love vs true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon