instant kuya

17 1 0
                                    

si lady. kapatid kong bunso. grade 3 pa lang sya sa parehong school na pinapasukan ko.

si riza. pangalwa kong kapatid. grade 5 naman sya. tatlo lang kameng magkakapatid. babae lahat.

palibhasa nga panganay ako kailangan ko sila laging bantayan sa school. titignan kung nakapaglunch ba sila o nakauwi na.

pero dahil nga nasa highschool department na ko madalas si riza ang pinagbabantay ko kay lady.

napakalikot kasi ng batang yan. hanggang hindi dumadating ang service nya e gala sya ng gala sa campus. takbo sya ng takbo sa gym. palagi ko na lang sinasaway pag nakikita ko. madalas kasi umuuwi na may sugat kasi nagdapa o nalaglag sa swing o kaya warat na ang palda.

"ate pengeng 5!" sigaw ni lady nung nakita nya ko sa canteen.

inabutan ko sya ng 5 na hinihingi nya. daig pa nya ang pulis na kokotongan ka kada makikita ka.

"ate may lalake dun sa pathway binato ko" sabay turo nya sa pathway kung saan nakaupo si rye at barkada nya. nakatingen sila samin at nakangiti

"tae ka talaga bakit mo naman binato?" sabi ko kay lady

"tinawag nya kasi ako tapos tinanong nya kung kapatid kita"

"oh tapos?"

"sabi ko oo tapos sabi nya girlfriend daw nya ang ate ko kaya binato ko sya"

wagas ang tawanan namin ng mga barkada ko kay lady! hahaha luka talaga sya.

"lady kuya mo yun magpalibre ka dun lagi" sulsol ni sarah.

"ayoko nga. pimple boy sya" sagot ni ann at lalo kaming nagtawanan.

si riza naman. mataray din to.

"ate may nagtanong saken kanina kung kapatid daw ako ni sae" kwento ni riza

"sino naman? anong sinabi mo?"

"sabi ko hindi. katulong kita hahahaha"

"gago ka talaga!"

alam ko na. sina rye din yun. nakakatawa dahil sya na mismo ang nagpakilala sa mga kapatid ko.

"ate awas na ko kanina pa inip na inip na ko wala pa yung service. wala na yung mga kaklase ko!"

sinusumpong na si lady. hindi pa kasi nadating ang service nya. maaga pala ang awas nya ngayon. hindi ko naman sya masasamahan dahil may klase pa ko.

"ate tumawag ka na saten uuwi na ko!"

"maglaro ka na muna sa playground mamaya dadating na yung service"

iiwanan ko na sana sya sa playground. kaso napakalikot nun e hindi pwedeng walang bantay.

"ako na bahala sa kapatid mo wala naman akong klase " sabi ni rye

iniwan ko na sila dun. tanaw yung playground sa room namen. nakakatawa panoorin yung bad boy na nasa gilid ng play ground habang nagbabantay sa isang bata na walang sawang magswing at magslide.

"hoy yung kapatid ko bantayan mo ng ayos. pag nabangasan yan patay ka saken" text ko kay rye

"ako bahala. haha napakakulet pala ng kapatid mo. takbo ng takbo e."sagot nya

naging magkasundo na silang dalawa. araw araw sila nagaasaran pag nagkakasalubong sila. pinipilit kasi ni rye na tawagin syang kuya ni lady pero ayaw ni lady. pimple boy ang gusto nyang itawag kay rye. morena si lady kaya ang tawag naman sakanya ni rye ay lady itim. hahahaha

"nakita ko si lady itim sa canteen" text ni rye

"oh tapos?"

"humingi saken ng bente hahaha"

"haha naku babayadan ko na lang sayo"

"wag na haha sabihin mo sa kapatid mo kuya na nya ko kasi nahingi sya ng baon sakin"

"hahahahaha baliw!"

minsan makikita ko na lang naghahabulan sila sa gym tapos paguwi sa bahay magsusumbong samen si lady.

"mama si pimple boy lagi akong inaasar tapos hindi ko naman sya maabutan! ang laki laki nya humakbang!"

"sinong pimple boy?" tanong ni mama

"yung boyfriend ni ate!"

"ma si rye yun. yung nakita natin nung concert ng spongecola"

"ate pag nakita ko si pimple boy bukas magpapalibre ko sa canteen ha? hahaha" sabat ni riza

"tae ka wag! sari sari kayong dalawa ha kinokotongan nyo yun lage pag napikon yun sa inyo isasako kayo nun" pananakot ko sa dalawa

minsan kasi makakasalubong ko na lang sila may dalang softdrinks galing daw kay rye. aba! dinaig pa nila ako e hindi pa nga yata ako nakakapagpalibre dun.

"wag mo ilibre ng ilibre mga kapatid ko. masasanay mga yun" text ko kay rye.

pagpunta ko ng elementary department sumalubong agad si riza.

"ate pinakyuhan ako nun!" sabay turo nya sa isang barkada ni rye.

pinuntahan ko agad.

"hoy sinong nagsabe sayong pwede mong pakyuhan yung kapatid ko! gago ka pala e! kita mong bata!"

bigla syang tumayo at pumasok ng cr. sumunod ako sa pinto. nandun pala si rye

"pagsabihan mo yang barkada mo ha tatanga tanga e!"

first love vs true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon