"labas ka ng room may iaabot ako sayo" text nya
lumabas ako. inabutan nya ko ng chocolates. umuwi pala galing ibang bansa kapatid nya.
"para kay daisy dapat yan e"
"sino yun?"
"yung tagasamen. sabi ni kuya ibigay ko daw kay daisy akala nila gelpren ko yun"
"oh bakit di mo dun binigay?"
"aba ikaw naman gusto ko e"
kinikilig na ko. alam ni aika yun dahil katabi ko sya sa upuan. parang nagiging mag m.u na kami ni rye kahit na hindi pa rin kame naguusap sa school.
ENGLISH CLASS. may quiz kame wala akong papel. pate mga barkada ko. sabi ng teacher namin lumabas na ng klase ang walang papel. lagot kame.
"pengeng papel. bilis. mapapalabas ako" text ko kay rye
kitang kita ko sya sa kabilang room na binubuksan yung bag ng mga kaklase nya. maya maya inexcuse na nya ko.
"maam excuse po kay sae" sabi ni rye
paglabas ko inabot saken ang pagkadame dameng papel. hahaha solve kameng magkakabarkada.
"thankyou :)" text ko agad kay rye.
"zel gusto ko na si rye kaso nahihiya ako" pagamin ko kay zel
"ano ka ba okay lang yan kung repeater!" sagot nya
"ikaw ba kelan mo sasaguten si romulo?" tanong ko.
"sabay nalang tayo! pag sinagot mo si romulo sasaguten ko na si rye" pahabol ko agad
"sige sige" sagot nya na kilig na kilig. matagal na din nyang gusto si romulo e.
"tara magsimbang gabi?" text ni rye
"hindi ako pwede. nanay ko kasama ko pagsimba"
"nuod na lang tayo ng concert sa park"
"hindi ako papayagan"
nung araw ng concert pinilit ko ang nanay ko na samahan ako kunware para makanuod dahil crush na crush ko si yael ng spongecola. ayaw akong payagan. umiyak ako ng umiyak. hindi dahil gusto ko makita si yael. gusto ko makita si rye. sinabe ko na yun kay mama kaya sinamahan nya ko.
pagdating namen dun ala una pa daw ng madaling araw dadating si yael. sabi ni mama umuwi na kame. ayoko. pero nung nakita ko si rye sa may gilid okay na ko. hindi na ko nagpakita sakanya at umuwi na ko.
"kelan mo ba ko sasaguten? magpapasko na e" tanong ni rye
"oh inip ka na?" sagot ko
"aba napakatagal na e"
"sa pasukan sa january 3. pag nagusap tayo saka kita sasaguten"
oh diba nakaschedule? hahaha
JANUARY 3. umabsent ako.
"napakasinungaling mo! bigla kang aabsent!" text ni rye na galit na galit
"bukas na lang. papasok ako bukas"
natakot kasi ako bigla. wala talaga sa isip ko ang magboyfriend pero ayoko na sya mawala.