Malapit na ko gumraduate. Ayoko pa. Kung pwede lang sana magrepeat. Haaay.
Mas lalong napapadalas ang pagaaway namin ni rye. Palagi nyang sinasabi na magcocollege na ko, marami na ko makikilala at makakahanap na ko ng iba. Lagi ko din naman sinasabi sa kanya na walang magiging iba.
Malapit lang din naman yung school na lilipatan ko.
Kaso sya pala ang mapapalipat sa malayong school. May ginawa na naman silang kalokohan kaya hindi na sila tatanggapin ulit sa next school year.
Isang beses nakita ko sya at yung mga kabarkada nya na pumunta sa office of the president. Pinagbigyan lang sila na matapos ang school year ngayon.
Ilang araw bago ang graduation ko naghiwalay kami. At ang nareceive ko na lang na text sa kanya ay
"Congats."
Iba yung hiwalayan namin ngayon. Hindi kagaya dati na araw araw pa din kami magkikita.
Kinalimutan nya talaga ko. Wala na din akong balita. Itinuloy ko ang buhay ko. Nagkaroon ako ng bagong boyfriend pero hindi tumatagal sa isang buwan. Ganon palage. Si rye pa din ang mahal ko at hindi ko kayang magmahal ng iba. Hindi ako makalimot. Kapag mag iinuman kami iniiyakan ko si rye. Sa lahat ng mga pagkakataong naghihiwalay kami hindi ako umiyak. Yun ay dahil alam ko na magkakabalikan din kami.
Dalawang taon na ang nakalipas. Si rye pa din. Wala manlang kaming picture na magkasama. Ang naiwan lang saken ay school I.D at class picture nila nung first year sya. Pati yung dalawang bear na keychain na pinangalanan ko na sot at yatot. Yun lang ang meron ako sakanya.
Kahit friendster wala sya. Hindi manlang ako makapagstalk.
Nasaken pa rin ang number nya pero wala akong lakas ng loob itext sya. Hindi naman ako nagpapalit ng number dahil nagbabakasakali ako na nasa kanya pa din ang number ko at itext nya ko isang araw.
Masaya pa rin naman ako. Kasama ang mga kaibigan ko. Buo pa rin kami kahit magkakaibang university na ang pinapasukan namin. Si den ay kaklase ko pa rin at si zel naman ay nasa kabilang section lang. Magkasama naman sa kabilang university si sarah at jane.
Marami akong nakilala. Mga bagong kaibigan.
Nakilala ko si jerald. Nagustuhan ko sya pero hindi kami nagtagal. Gwapo sya pero bata pa. 4 na taon yata tanda ko sa kanya. At sa bata nyang yun manyak na sya. Sya ang naging first kiss ko. Napakawalang kwenta.
Si ron. Hindi din kami nagtagal. May mataas na posisyon sa isang fraternity. Tatlong araw lang yata kami. Balita ko adik daw e.
Si mark. Naging magbarkada muna kami. At sobrang lakas ng dating ng sense of humor nya. Nalaman ko lang na gusto nya ko dahil dun sa mga pinoforward na text messages.
Si mark ay :
Gusto ko sa kanya:
Ayaw ko sa kanya:
Mga ganyan. Madami pa e di ko lang tanda. Pinasahan nya ko pero hindi ako nagsagot. Ang baduy e! Hahaha!
"Ui samson sagot naman"
Samson ang tawag nya saken kasi nung magkakasama kaming magkakabarkada nagpatugtog sya ng samson. E favorite ko yun. Kanta ako ng kanta tapos sabi ko sa kanya ipasa saken.
"Ayoko ang baduy. Ikaw na lang haha"
Tapos nagtext na sya.
"Si sae ay: si dyosamson
Gusto ko sakanya: mabait maganda
Ayaw ko sakanya: wala
Aaminin ko na: crush kita
Message ko sa kanya: ui samson wag ka magbabago kahit nasabi ko na na crush kita ha? Ingat lage"
"Ano daw?! Crush?! Hahaha adik ka!"
Nagulat ako. Oo napapansin ko na sya pero akala ko si sarah ang gusto nya.