first year

18 2 0
                                    

marami na ang nakakahalata sa mga kaklase ko na boyfriend ko si rye dahil madalas na kami makitang magkasama.

"kayo ba ni rye? yung first year?" tanong sakin ni ross, kaklase ko

   "oo, bakit?" tanong ko din sakanya

"pinsan ko yun e, pero malayo"

   "e? talaga? oy pinsan! hahaha" sabay akbay ko sa kanya.

tawa kami ng tawa tapos nagkwento sya

"nung first year pa tayo pumasok na yan dito e, kabatch natin" tuloy nya

   "talaga? bakit hindi ko alam? hindi ko sya natatandaan"

"kasi naman dalawang araw lang yata sya nakapasok dito tapos lumipat na agad ng school"

   "bakit naman?"

"di ba nung first year tayo may sinuntok si jaydee na section b na lumipat agad ng school? si rye yun!"

kaklase din namin si jaydee. siya ang crush ko nung first year kami.

   "ay leche oo tanda ko na! hahaha tanga talaga ni jaydee! edi sana pala matagal na kami ni rye! bakit kaya hindi nakwento ni rye sakin yun"

"baka nahihiya hahaha"

pagbalik namin sa room nagkwento agad ako sa barkada ko

first love vs true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon