sanay na kami pag aawas sya mauuna na sya sa mercury tapos saka lang sya uuwi pag nakita na nya ko dun.
"andito kami sa may tapat ng mercury nakatambay" text nya
"di ka pa uuwi? nasa greensnake kami" sagot ko
"uuwi na. tara na. hatid na kita"
"ayoko pa. mauna ka na. sabay kami ni zel at nic pauwi"
akala ko nakauwi na sya. napasarap na kami ng pagtambay. pagkalipas ng dalawang oras.
"ano? hindi ka pa sawa pagtambay?" nagtext na naman sya
"oh akala ko nakauwi ka na?"
"uuwi na talaga ko bahala ka dyan"
"sige, ingat :)"
nang bigla namang nagkaroon ng pupuntahan si nic at si zel naman ay mamaya pa uuwi dahil magoo2jam pa daw sya. tsk. uuwi ako mag-isa. anlayo pa naman ng lalakarin. saka ko naisipan itext si rye.
"nasaan ka? wala ako kasabay pauwi."
"sabi mo kasabay mo barkada mo? pauwi na ko e. kanina ka pa tinetext e ayaw mo"
"ah sige. ako na lang"
"maiisip mo lang ako pag no choice ka na e. nasaan ka ba? antayin mo ko babalik ako"
ang ganda ko talaga! hahaha inantay ko sya sa may tapat ng mercury.
"ulaga ka talaga e kita mong wala na masasakyan samin pag gantong oras" sabi nya agad pagdating nya. sweet nya talaga no? sarap isako.
"galit ka pala e wag mo na ko ihatid!"
"napakaarte mo talaga e ano? tara na!"
habang naglalakad kami feeling ko ayoko na matapos yung paglalakad. kung pwede lang sana dugtungan pa yung kalsada. ngayon ko lang sya nakasama na talagang kaming dalawa lang. ansarap sa pakiramdam kahit habang naglalakad kami e sermon sya ng sermon. titingin lang ako sakanya tapos ngingitian ko sya. pero sasabihan nya pa din akong ulaga. hahahahaha
hanggang sa makarating na kami sa sakayan ng jeep.
"babye, ingat ka pauwi" sabi ko sakanya tapos sumakay na ko ng jeep.
hindi sya umalis dun hanggang hindi umaalis yung jeep na sinasakyan ko. alam kong wala syang pasensya para gawin yun. kilig na kilig ako at gustong gusto ko hampasin yung katabi ko hahaha
hanggang gabi paulit ulit pa din sa utak ko yung paglalakad namin. bangag na ako.
Nag announce na sa school ng mga napiling kasali sa cotillion. kasama kami nina den, aries, at nic sa napili. kaso tinatamad na kami ni den umattend ng js prom kaya tinatakasan namin yung mga practice. hanggang sa natripan na naman kami pagalitan ng mga teacher na to. ayokong umattend dahil first year lang si rye, magagalit lang yun pag nakipagsayaw ako sa ibang lalaki. kahit pa break kami.
"kayong dalawa bakit hindi kayo naattend ng practice?" sermon nila
"e maam hindi naman ako aattend ng js e" sagot ni den
"ako din maam hindi aattend, wala akong susuotin e hahaha" sagot ko at nagtawanan pa kami ni den.
"tawa pa kayong dalawa ha, sari sari ang kalokohan nyo" sabi ni maam
dumating na ang gabi ng js prom. si nic, zel at aries lang ang umattend sa barkadahan namin. si den ay nasa bahay lang nila. pero kami ni sarah at jane ay nagkasundong pumunta ng school.
"sae, tara pumunta ng school. magskirt tayo. iinisin natin yung mga teacher hahaha" text ni sarah
"haha gago ka talaga idadamay mo pa ako, pero sige tara text mo sila ipagtakas tayo ng pagkain" reply ko
dumating kami sa school na nakaskirt. at kitang kita namin ang tingen ng principal samin na parang gustong gusto kaming tirisin. maya maya kinausap na kami at pinapauwi. pero tumakas pa din kami at sumuot sa harang ng gym. hahaha tuwang tuwa kami sa katangahan namin.
11 na ng gabi at nakatambay na lang kami sa parking lot. nagtetext na si rye na umuwi na ko. hindi nya ko masundo dahil wala nang masasakyan.
kinubukasan pagpasok ko ipinatawag agad kami sa principal's office. hahaha sikat na naman kami. kada klase tinatawag kami ng teacher.
"tayo nga ang tatlong parking girls"
buti hindi kami nasuspend hahahaha.