pride

23 1 0
                                    

FIELD TRIP NA.

"sasama ka ba sa field trip?"

    "hinde. mabubwisit lang ako dun dahil kasama namen kayo sa bus"

nakita ko kasi na yung section yata nila ang makakasama ng section namin.

"ah hindi na din ako sasama pag hindi ka sumama" sabi nya.

ilang araw nya ko pinilit na sumama pero ayoko talaga. sumama pa din sya.

"paalis na kame. bakit hindi ka sumama?"

habang nasa trip sila nasa school naman kaming mga hindi kasama. tuloy tuloy kame ng text. lahat ng ginagawa at pinupuntahan nila sinasabi nya saken. sinabe kong wag na muna sya magtext at magenjoy muna sya pero nagtext pa din sya.

"anong gusto mong pasalubong?"

    "buong mall. kaya mo?"

"wag naman yung imposible! pag binigyan kita ng bear tatanggapin mo?"

    "isshoot ko lang yan sa basurahan!"

hindi ako mahilig sa mga teddy bear na ganyan. aanhin ko naman yun.

kinabukasan nakita ko sila ng mga barkada na papunta sa principal's office. katabi lang yun ng room namin.

tinext ko xa.  sa limang buwan ng pasukan hindi pa din kame naguusap ng personal. text lang lahat.

    "anong ginagawa nyo jan?"

"maglilinis daw. hahaha naparusahan kame kase sumakay kame ng bangka sa manila bay kahapon"

nung break time sinilip ko sila. para syang napahiya na nakita ko syang naglilinis kaya binitawan nya yung hawak nyang basahan. tawa ako ng tawa. hahahaha

bago ako umuwi may nagabot saken ng bear. kaklase ko. si marvel. ayoko sanang tanggapin dahil ayoko magbitbit ng ganun. tsaka hindi ko naman alam bakit nya ko binigyan. korni. kaya sabe ko baka pwede nyang ilagay sa paper bag.

dala dala ko yung paper bag pagpunta ko ng mercury. tambayan namen yun. hilera ng computer shops. dun ako lage inaabangan ni rye. nakita nya yung dala ko.

"kanino galing yan? itapon mo na din sa basurahan!"

"sa kaklase ko. nakakahiya naman hindi tanggapin"

"bakit pag bigay ko ayaw mo?"

"kaklase ba kita?"

nung exams namen. maaga kame umawas.

"hatid na kita"

hindi ako nagreply. paglabas ko ng mercury kasama ko si nic nadaanan namen si rye at eko.

"sae hatid ka na daw ni rye" sabi ni eko

   "kayo bahala" sabi ko

pero diretso lakad lang kame ni nic. sumunod sila samen.

"ui kakausapen ka daw ni rye sabay daw kayo maglakad" sabi ni eko

hindi namin sila pinapansin. kahit hinihigit yung bag ko. maya maya naramdaman ko na lang na wala na sila sa likod namen.

"hindi na kita ihahatid kahit kelan! pinapagmuka mo kong tanga!"

nagalit sya. hanggang sa umuwi ako ganun na ang text nya

"ayoko na manligaw sayo wala din namang pagasa!" text nya

   "ah nanliligaw ka ba?" reply ko

"uo naman manhid ka ba?! palage kang tinatawag sa school ayaw mo makipagusap tapos ihahatid ka ayaw mo mamansin!"

   "next time" hindi ko alam bakit naging ganto na sagot ko. nagugustuhan ko na sya.

hanggang sa araw araw pa din na tatawagin at aabangan nila ko sa school pero hindi pa din ako nakikipagusap.

"kung ayaw mo makipagusap wag! hindi na ko magtetext sayo kahit kelan! burahin mo na number ko! bye!" text nya.

hindi ko alam pero nalungkot ako. ayaw ko na pala sya mawala pero ayokong malaman nya na gusto ko na sya. mapride ako.

"bye" reply ko sa kanya na mabigat ang loob.

pagpasok ko sa school wala ng nakaabang sa gate. nakikita ko ang barkada nya pero wala sya. patingen tingen ako sa room nila. dapat kita ko na agad sya kase nakipagpalit sya ng upuan sa kaklase nya para malapit sya sa bintana. nakikita kong naghaharutan mga barkada nya pero wala sya.

"good morning"

   "sino to?" reply ko kahit alam ko naman kung sino talaga sya. kunware binura ko nga number nya.

"rye to. titigil na ko pagpasok"

    "bakit naman?"

"tinatamad na ko. wala na din naman akong mapapala sa school na yan"

   "sira ulo ka! pumasok ka!"

"bakit? miss mo na ko?"

    "kapal!"

paglabas ko ng room ng break time may nakasalubong akong lalake na nakangiti tapos nagtatawanan ang mga kasama.

anak ng pakshet! si rye! tinitrip lang pala ako! nagtatago lang pala sya room nila at kitang kita pala nya na tingen ako ng tingen dun! kainis!

"hinahanap mo ko?" nakangiting sabe ni rye.

    "bakit naman kita hahanapin!" sagot ko. shit. halata na ako.

first love vs true loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon