PROLOGUE

172 4 0
                                    

Matinding Paalala: Plagiarism is a crime. Don't ever try to copy any of the parts of this story kasi it's a case of PLAGIARISM that can lead to copyright infringement. Thank you. Please vote, comment and recommend.

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

Naririto kami ngayon at naglalakad. Break namin ngayon kaya napagkasunduan ng tropa na kumain muna.

Napakabigat ng pakiramdam ko. Nakakaiyak isipin na wala ng spark ang relationship namin ni Craige. Napatingin ako sa kalangitan at ngayon ko lang napansin na dumidilim na ito at nagbabadya ang pag-ulan. Tawanan ng aking katropa ang maririnig.

"Oy, Chrysanthe! Alam namin na nawawalan ka na ng pag-asa sa 'badboy ng buhay mo' noh!" nagulat ako sa sinabing iyon ni Eliana. Totoo naman 'yon. Sobra. Pakiramdam ko, hindi na ako mahal ni Craige.

"Okay lang 'yon! Babalik din 'yun sa katinuan niya!" pang-aasar ni Charlestin. Nginitian ko na lang sila ng mapait bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Mahal ko!" napatigil ako sa narinig kong boses. Parang huminto sa pagtibok ang aking puso. Sobrang lakas ng pagpapump nito dahil sa nararamdaman kong kaba. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali.

"Si Craige..." naibulong ko. Tumakbo siyang papalapit sa akin. Umakto akong walang problema at pinilit na ngumiti ng mapait.

"Oh, mahal ko? Ikaw pala!" pagbungad ko sa kanya at pinilit muling ngumiti.

"Pasensya na mahal ko. Ngayon na lang ulit ako nakasama sa inyo" nakangiting pagpapasensya niya. Alam kong may pait sa mga ngiti niya pero mamimiss ko pa rin 'yan.

"Oh siya, mauna na kami! Gutom na kasi kami eh!" pasimpleng pag-eexcuse ni Ethan.

"Teka, aalis na tayo? Ang akala ko ay panonoorin pa natin ang kadramahan nila?" pabirong tanong ni Charlestin. Lagi na lang siyang nagbibiro.

"'Wag na kayong mag-alala. Ako na ang bahala sa kanya" sagot ni Quacey at kaagad na hinatak si Charlestin. Umalis na nga sila at naiwan kaming dalawa ni Craige dito. Sobrang awkward. Napakatahimik.

"Pasensya na mahal ko, alam kong nagkamali ako... Pinagtaksilan kita. Sorry" pagbasag niya sa katahimikan at diretso niyang sabi. Seryoso na rin ang mukha niya. Ito na nga ang kinatatakutan ko. Nagpanggap akong hindi alam ang nangyayari.

"Hey, Mister badboy! Ano bang pinagsasabi mo riyan ah? " pinagmuka kong asar 'yon pero mukhang 'di umubra.

"'Wag ka nang magpanggap, pwede? Sinabi na sa'kin lahat ni Big Sis. Please..." sagot niya na batid ko ang inis. Napangiti ako ng wala sa oras.

"Hmmm? Si Big Sis?! 'Di talaga siya marunong magtago ng sikreto" malungkot na pabiro kong tugon.

"Hayaan mo na 'yun. Kadramahan ko lang lahat. Wala lang 'yun!" pagtanggi ko. Ayaw ko na itong pag-usapan pa.

"Please... Mahal ko, pag-usapan natin 'to. Ayusin natin hangga't kaya" pakiusap ni Craige atsaka hinawakan ang kamay ko. Pinisil niya ito na parang nakikiusap. Agad kong hinila ang kamay ko pabalik sa akin.

"O sige. Gusto mong pag-usapan natin 'to, mahal ko?" garalgal na ang boses ko habang nagtatanong. Hindi ko maiwasan kasi marupok ako sa ganitong mga usapan. Anumang sandali ramdam kong papatak na ang mga luha ko. Tumango siya bilang sagot sa tanong ko.

"Mahal na mahal kita, Craige. Sobra sobra. Pero alam ko rin na mas mahal mo si Melody. Pinapalaya na kita, Craige. Ikaw na ang goodboy ng buhay ko. Thank you sa lahat" diretsa kong sambit.

"Sorry..." tanging sagot niya. Unti-unti na ring pumatak ang mga luha ko. Nakita ko rin ang pagpatak ng luha niya. Nagsimula akong tumalikod dahil ayaw kong makita siyang gano'n. Baka umiral na naman ang karupokan ko at yakapin ko siya tapos ay balikan.

Sinimulan kong humakbang na papalayo. Wala ako ni isa mang yabag na narinig. Walang sumunod sa'kin. Bumuhos na ang rin ang kanina pang nagbabadyang ulan. At gano'n natapos ang lahat sa pagitan namin ni Craige—ang nag-iisang lalaking minahal ko ng totoo.

*End Of PROLOGUE*

A.N. Sana po nagustuhan niyo ang Prologue. Please comment, recommend at vote.

Thank you for reading.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon