Chapter 43

19 3 0
                                    

Totally the End of Us

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

Naririto kami ngayon at naglalakad. Break namin ngayon kaya napagkasunduan ng tropa na kumain muna. Matapos ang nangyari kahapon ay mas lalo pang nagbonding ang tropa namin. Bukod kay Craige. Hindi na siya madalas sumama sa'min. Palagi namang masaya sila pero ako, wala. Puro kalungkutan lang ang nararamdaman. Napakabigat ng pakiramdam ko. Nakakaiyak isipin na wala ng spark ang relationship namin ni Craige. Nung umuwi siya sa bahay nila, ni hindi man lang siya lumapit sa akin. Ni hindi man lang niya tinanong kung ayos lang ba ako. Ni hindi man lang niya ako kinausap. Patuloy niya lang akong iniiwasan. Palaging gano'n.

Napatingin ako sa kalangitan at ngayon ko lang napansin na dumidilim na ito at nagbabadya ang pag-ulan. Mukhang magiging masama ang araw na ito. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda.

Tawanan ng aking katropa ang maririnig. Sana lahat masaya. Sana lahat kayang tumawa. Sana maging katulad na lang nila ako—masaya...

"Oy! Chrysanthe alam namin na nawawalan ka na ng pag-asa sa 'badboy ng buhay mo' noh!" nagulat ako sa sinabing iyon ni Eliana. Totoo naman 'yon. Sobra. Pakiramdam ko, hindi na ako mahal ni Craige. Hindi. Mali ako. Hindi naman talaga ako mahal ni Craige. Hindi talaga.

"Okay lang 'yon! Babalik din 'yun sa katinuan niya!" pang-aasar ni Charlestin. Nginitian ko na lang sila ng mapait at nagpatuloy sa paglalakad. Sana lahat kayang gawing biro lang ang ganitong bagay. Sana makaya ko ding tanggapin 'yon. Sana man lang maintindihan ko lahat.

"Mahal ko!" napatigil ako sa narinig kong boses. Parang huminto sa pagtibok ang puso. Sobrang lakas ng pagpapump nito. Sobra ang kaba ko. Hindi ito totoo. Lumingon ako at hindi ako nagkamali. Hindi ito nangyayari. Anong ginagawa niya dito? Bakit ngayon niya lang ako naisipang lapitan?

"Si Craige..." naibulong ko. Tumakbo siyang papalapit sa'kin. Umakto akong walang problema at pinipit na ngumiti ng mapait. Hindi ko pwedeng ipakita na nahihirapan na ako. Hindi ko pwedeng ipakita na malungkot ako. Ayokong isipin niya na pinoproblema ko siya. Ayoko no'n...

"Oh, mahal ko. Ikaw pala!" pagbungad ko sa kanya at pinilit muling ngumiti. Ito na lang ang kaya kong gawin. Ang magpanggap. Ang magkunwari na masaya. Ang magkunwari na walang problema. Ang gawin ring biro ang lahat ng totoong nangyayari. 'Yun na lang siguro ngayon. Ito na lang ang solusyon. Baka sakaling maisalba ko pa ang relasyon naming dalawa. Baka sakali.

"Pasensya na mahal ko, ngayon na lang ulit ako nakasama sa inyo" nakangiting pagpapasensya niya. Alam kong may pait sa mga ngiti niya pero mamimiss ko pa rin 'yan. Pero kahit papaano, ngayon ko na lang ulit nakita siyang ngumiti. May kakaiba. Nakakaramdam ako ng iba. Pakiramdam ko isang masamang araw ito. Pakiramdam ko hindi ko pa kayang harapin si Craige. Si Craige at ang katotohanan.

"Oh siya, mauna na kami! Gutom na kasi kami eh!" pag-eexcuse ni Ethan. Mabuti na rin at nakaramdam sila.

"Teka, aalis na tayo? Ang akala ko ay titingnan pa natin ang kadramahan nila?" tanong ni Charlestin. Lagi na lang siyang nagbibiro. Pakiramdam ko ayaw ko silang umalis dahil baka maiwan kami ni Craige at iyon na ang panahon na kailangan ko nang harapin ang katotohanan.

"'Wag na kayong mag-alala. Ako nang bahala sa kanya" sagot ni Quacey at kaagad na hinatak si Charlestin. Umalis na nga sila at naiwan kaming dalwa ni Craige dito. Sobrang ackward. Napakatahimik. At ayaw ko nito. Nakaka-suffocate. Napakatoxic. Nakakamatay ang hangin at ang tensyon.

"Pasensya na mahal ko, alam kong nagkamali ako... Pinagtaksilan kita. Sorry" pagbasag niya sa katahimikan at diretso niyang sabi. Seryoso na rin ang mukha niya. Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Ang pagharap sa katotohanan. Ayaw ko nito. Ang sakit. Natatakot ako. Natatakot akong maramdaman na namang ang sakit na naramdaman ko bawat gabi. Natatakot akong maulit ang pagtulog ko nang umiiyak. Natatakot akong masaktan. Oo. Tama. Takot ako. Takot ako sa katotohanan. Nagpanggap akong hindi alam ang nangyayari.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon