Chapter 46

30 1 0
                                    

Let's take our Vows

(Chrysanthe Marie Landicho's POV)

"Miss Chrysanthe, delivery" napairap ako sa delivery man na may hawak na isang box ng chocolate cupcakes.

"Kanino galing?" mataray kong tanong. Nakita ko naman ang takot sa mukha niya.

"Kay— kay sir— Sir Craige Buenavista po" pautal-utal na sagot niya. Napairap ulit ako.

Pang-sampu na 'yang delivery sa'kin simula nung nangyari kahapon. Nung una, cake. Tapos chocolates, ice creams, flowers, teddy bears, isang malaking bilao ng paborito kong palabok, tapos chocolates ulit, laptop, at ngayon cupcakes naman. Lahat 'yan galing kay Craige. Apology daw. Tsk. 'Di ko nga tinatanggap ang apology niya.

Matiim kong tiningnan 'yung delivery man.

"Sa susunod, 'wag niyo nang tanggapin lahat ng padeliver nung Craige na 'yun kundi sa susunod talaga ay hindi ka na ulit makakalakad para makapagdeliver!" pananakot ko sa delivery man kahit wala naman talaga siyang kinalaman sa away namin ni Craige. Bakit ba? Naiinis ako eh.

( ̄3 ̄)

"O—opo" takot na sagot niya. Kinuha ko 'yung pinapapirmahan niya kanina pa at padabog itong pinirmahan. Padabog ko rin itong binalik sa kanya at kinuha 'yung cupcakes. Sayang naman noh. Pagkain din 'yon.

*Dito ay umaga at diyan ay gabi—*

Sinagot ko ang tawag.

"Hello, hal? Natanggap mo ba? Sorry na talaga" paghingi niya ng tawad pero binabaan ko lang ulit siya gaya nung ginawa ko nung mga nakaraan. Dapat minsan, nagpapalambing ka. Hehe. (´∀`) Pero 'yung totoo? Miss ko na siya. Kaso siya eh! May pablonde pa! Pagbuhulin ko silang dal'wa eh. Bukas na ang final exam namin. Myghadd.

*Are you ready kids? Aye captain! I can't hear you! Aye captain!*

Tiningnan ko kung sino ang nagtext at nakita ko ang message ni Craige.

~Hal, sorry na talaga. At sya nga pala, nakapasa ako sa finals namin. Batiin mo naman ako oh. Miss na kita eh!! Love you ︶︿︶ ~

Natawa naman ako pero hindi ko pa rin siya nireplyan at nagpatuloy sa pag-aaral.

Galit pa din kaya ako sa kanya. (~_^) Okay, nagtatampo na lang. (๑•́ ₃ •̀๑)

(Charlestin's POV)

Nag-hihintay kami ngayon ng results ng final exams.

'Yung totoo, kinakabahan na talaga ako. Pinilit kong masagutan lahat ng tanong do'n kahit sasabog na ang utak ko.

Kinaya ko kahit ako lang mag-isa.

Alam niyo ba 'yon?

(╥﹏╥)

Alam niyo kasi, ayaw magpakopya ni Jason at ganun din si Ethan. Mga madadamot ko silang kaibigan.

Bakit kasi kung kailan kailangan ko si Craige, saka pa siya wala. Alam niyo bang siya lang ang nagpapakopya sa'kin? Wala tuloy akong nagawa kundi mag-aral ng mabuti. At 'yun ang pinakakinamumuhian kong araw. Ayoko 'atang mag-aral. Never in my life that I'll do that again. That sucks. Para akong kinakatay ng buhay.

"Gunggung!!" napalingon ako sa pagtawag sakin ni Quacey. Masayang masaya ang mukha niya. Sigurado akong nakapasa 'yan. Sana all. Kawawa talaga ako.

"Oy! Bakit parang pinagsakluban ka diyan ng langit at lupa?" tanong niya. Tiningnan ko siya. Hinang hina ako ngayon. Hindi ko alam kung makakapasa ako. Tinapik niya lang ako sa balikat.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon