New Life, New Challenges
(Chrysanthe Marie Landicho's POV)
"Hoy ikaw na bata ka, bakit mo inaaway 'tong anak ko ha?!" sigaw ko sa batang binubully si Corage. Si Corage ay hindi palaaway at tahimik lang na bata. Kahit na dumadaan ang lahat ng aming anak sa training ay hindi pa rin niya nagagawang gamitin ang mga natutunan niya at mas pinipiling huwag makipag-away. Samantalang ang kakambal naman nito na si Curage ay mas matapang at mas palaaway. Ngayon ay nahuli ko ang batang nang-aaway sa kanya. Pinagsasabihan ko. Aba! Hindi ako papayag na ginaganon na lang palagi ang anak ko. Kapag umuuwi pa naman ito ay napakadungis at may mga sugat. Kapag tinatanong ko ay hindi niya ako sinasagot. Alam kong ayaw niya lang ng gulo pero sobra na ang ginagawa sa kanya.
"Hoy! Hindi ka ba tinuturuan ng mga magulang mo? Alam mo bang masama ang mang-away ng kapwa?" pangangaral ko rito pero itong basabulerong 'to, parang walang naririnig.
"Hoy! Makinig ka sa'kin! Sa susunod na ulitin mo pa ito—"
"Anong gagawin mo sa anak ko?! Huh?!" napatigil ako at napatingin sa isang babaeng puno ng kolorete ang mukha. Napaangat agad ang kilay ko.
"Hoy ikaw!! Ikaw ba ang nanay ng batang 'to?!" gigil na tanong ko.
"Eh ano kung ako nga?! Bakit?!" maarte niyang tanong.
"Alam mo bang itong anak mo ay palaging binubugbog 'tong anak ko! Bakit hindi mo 'yan turuan ng tamang asal?!" maarte ko ring sagot. Akala niya, siya lang ang may kayang magtaray? Well, kaya ko din!!
"Nagpapabugbog naman 'yang anak mo?! Like so ughh!! Kalalaking tao ng anak mo, hindi nalaban?!" napaarko ng todo todo ang kilay ko sa sinabi niya. Eh, walang kwentang ina pala 'to eh.
"Hoy—"
"Anong problema mo sa asawa't anak ko babae?!" napalingon naman ako sa kadarating pa lamang na maskuladong lalaki. Ang laki mga besh. Susko po! Pakiramdam ko ay nanliliit ako.
"Marami! Marami akong problema sa asawa't anak mong 'yan!!" pasigaw kong sagot. 'Wag kayo, palaban 'tong lola niyo!
"Ano?!! Gusto mo bang masaktan, huh?!" pananakot niya.
"Hoy, hindi uubra sa'kin 'yang pananakot mo. Alam mo bang 'yang anak mo't asawang 'yan ay parang demonyo na 'ata ang sinasamba sa sama ng ugali!!!" sagot ko. Napatigil ako nung itaas niya ang kamao niya at akmang ilalapat ito sa'kin. Susme!! Katapusan ko na!! Nasobrahan 'ata ang lola niyo!!
"Hoy! Sino ka ba?!" napamulat ako at nagulat ako nang makita ko ang isang kamay na humahawak sa kamay nung asawa ni Miss Clown. Nang tingnan ko kung kaninong kamay ito, nakita ko ang seryoso at nakakatakot na mukha ni Craige.
"C—craige!" naibulaslas ko.
"Inip na inip na ako sa paghihintay sa kotse and now I know what took you so long. This moron" parang chill na chill na saad niya. Kita ko naman na nagpupunyos na sa galit 'yung lalaki.
"Sinong tinawag mong moron?!!" gigil na tanong nung lalaki. Uh-oh! Mukhang alam ko na kung sa'n ito mapupunta.
"Corage, halika na. Lumayo tayo" pagyayaya ko kay Corage atsaka siya hinatak papalayo bago pa siya makapagreklamo.
"Commander Mama, bakit po tayo lumayo?" takang tanong ni Corage. Kaagad ko siyang nginitian.
"Just watch for it my dear... Watch for it" kumpiyansang sagot ko. At hindi nga ako nagkamali. Nagsimula ang suntukan. At kagaya nga ng inaasahan ko, hindi nagtagal ang laban at nauwi sa eksenang nakahandusay sa sahig 'yung lalaki na puno ng sugat.
BINABASA MO ANG
Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]
Teen FictionChrysanthe across a man named Craige in her college life. Will their life also across each other? Will love be made after knowing each other? Will they achieved to be successful in one's challenges? Everyone has it's own past. Will they try to conqu...