ONE POINT FOR MISTER CRAIGE
(Chrysanthe Marie Landicho's POV)
"Whatever. Nice to meet you but sorry because this girl is mine" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng mokong na ito. Jusko. Ano bang nangyayari sa mundo?
"Ayyt! 'Wag kang maniwala sa kanya. Isa siyang dakilang manloloko. Hindi ko siya kilala. Tulungan mo 'ko Chrysler" pagmamakaawa ko sa kanya. Agad akong tiningnan ni Chrysler na may pag-aalala. Hindi ko alam kung maiinis ba ako kay Craige o magpapasalamat dahil kung hindi siya dumating, baka hindi ko nakita ang mukhang 'yan ni Chrysler.
"Bro, bitiwan mo na siya. Nasasaktan siya oh. Maging lalaki ka" nag-aalalang sabi ni bebe Chrysler. Gwapo. Kinikilig ako. Awuuuuu.
"Ang sabi ko akin siya kaya kung pwede ba ay 'wag kang mangialam" galit na sigaw nitong mokong na 'to. At sa isang iglap kinaladkad niya ako papalayo sa bebe Chrysler ko.
"Bebe Chrysler!!! Tulungan mo 'ko!!!" sigaw ko kahit alam kong hindi na niya ako maririnig. Nang makalayo kami ay agad kong hinatak ng pagkalakas-lakas ang braso ko. Wala akong pakialam kahit mamula pa ito ng sobra. Kumalas naman ito. Naiinis talaga ako sa kanya. Nilayo niya ako sa pag-ibig ko!
"HOY! IKAW NA MOKONG KA! ANO?! FEELING KA MASYADO?!! BAKIT MO SINISIRA ANG LIFE KO!!! IKAW NA MOKONG KA!!! MAY PA 'THIS GIRL IS MINE' MINE KA PANG NALALAMAN DIYAN!!! AKALA MO NAMAN KUNG SINO KANG PERPEKTONG NILALANG. PAGSISISIHAN MO 'TONG BWISET KA!!!" inis na sigaw ko with matching duro-duro pa. Mabuti na lang walang masyadong tao dito at higit sa lahat, wala ring mga chismakers. Nagtaka ako nung ngumiti ang mokong at itinaas ang kamay niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang relo ko. Omyghad!!! Bigay pa 'yun sa akin ni Papa. Patay ako nito.
"Hoy! I–ibalik mo 'yan. Importante sakin yan. Ibalik mo!!" sigaw ko at dinuro-duro ulit siya. Nagtatalon pa ako para lang maabot ito pero wala pa ring epekto. Dahil sa kanyang katangkaran ay hindi ko ito maabot-abot. Itong bwiset na 'to. Nakakainis. Hmmp!
"Abutin mo muna" nanunuya pa siyang talaga? Nakakairita talaga ang bwiset na ito. Naiinis na 'ko. S'yempre dahil wala akong magawa ay pinilit ko pa rin itong abutin kahit alam kong imposible.
"'Wag na nga. Ang pandak mo kasi eh" aba't nang-aasar pa talaga ang hinayupak!
"Epal!!!" iritableng sagot ko.
"'Wag ka na ngang umiyak diyan. Ibabalik ko din sa'yo 'to" napatigil ako sa sinabi niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa bagay na 'to.
"Kung ganon, edi akin na! Ibalik mo na!" utos ko. Hindi siya natinag at bumuntong hinga lang. Pagkatapos ay ngumiti pa nang nakakaloko. Sinasabi ko na nga ba at masama ang pakiramdam ko sa bagay na 'to eh.
"Siguro... Baka bukas na lang!" nagtiim ang bagang ko sa sagot niya. Ano bang klaseng sagot 'yan? Napatigil ako sandali sa 'di pagkapaniwala sa mga nangyayari. Ngumiti itong muli nang nakakaloko. Nagulat ako nung bigla bigla itong tumakbo ng mabilis. At dahil sa hindi nagsink-in sa utak ko lahat, hindi ako nakagalaw agad sa pwesto ko. Tumigil ito panandalian at humarap. Ngumiti pa ito atsaka nag-wave.
"Thank you, Miss Amazona. See you next time. One point para sa'kin" pagkatapos niya 'yong sabihin ay tumawa siya at nagmadaling umalis. Nakakainis na lalake. Nakakainis!
"BWISET KANG CRAIGE KA!! BWISET KA TALAGANG L*NTEK KA!" kahit alam kong hindi niya ako naririnig ay napasigaw ako sa sobrang galit. Napaupo ako sa semento at nag-iiyak.
Sorry Papa. Naiwala ko ang nag-iisang regalo mo. Sorry dahil napakapabaya ko. Sorry po...
...
(Craige Aiko's POV)
"HAHAHAHA. Nakakatawa 'yun, Bro. Ang galing mo talaga!!!" masaya at hagalpak na tawa ni Charlestin.
"Syempre! Ako pa ba?" natatawa at tuwang-tuwa kong sabi.
"Siya nga pala! Craige..." napatigil ako sa pagtawa at tiningnan si Jason.
"Ano 'yun, Jason?" tanong ko. Napatingin ako sa isang folder na iniabot niya.
"Nagresearch ako tungkol sa babaeng 'yun. Chrysanthe Marie Landicho. 18 years old. Nakatira sa isang maliit na bahay kasama ang kanyang mahirap na pamilya. May dalawang kapatid—JC and JD. Ang tanging trabaho ng tatay niya ay driver ng tricycle and ang nanay niya naman ay wala" kagaya nang inaasahan sa kanya.
"Kailangan ko pa ba 'tong basahin kung nasabi mo na ang mga kailangan kong malaman?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Inayos niya ang salamin niya bago magsalita.
"Kailangan mo pa ring basahin dahil ang sinabi ko sa'yo ay patikim pa lang. In case na hindi mo maiwasang mafall ka, nandyan ang lahat ng mga detalye. Favorite foods, hobbies, and other more" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. As if naman na maiinlove ako sa panget na pandak na 'yun diba? Yuck.
"Done?" boring na tanong ko. Tiningnan niya lang ako.
"Hindi ko magugustuhan ang babaeng 'yon dahil—"
"Siya pa rin?" pinutol niya ako at nagsalita. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Tama naman kasi siya. Napatingin din sa'min si Ethan. Alam niya rin ang tungkol do'n.
"Tama ako. Siya pa rin" nakangiting sabi niya. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ewan.
"Hey. Hey. Hey. Alam niyo namang martir 'yang kaibigan natin eh. Iniwan na nga, mahal pa din. Masyadong loyal" mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi ni Charlestin na patawa tawa pa. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ulit ako.
"Ano ba?! Bakit sa kanya napunta ang usapan?!" hindi ko napigilang maasar sa mga sinabi nila.
"Chill ka lang. Totoo naman ang sinasabi nila" napatikom ang bibig ko nung magsalita si Ethan at matalim ang tingin nito. Binalikan ko siya ng matatalim na tingin.
"Tama na 'yan. Naiinis na kasi 'yung isa dyan eh" gumatong pa 'tong nakasalamin na 'to. Paayos ayos pa ng salamin. Mga bwiset! At dahil do'n, ako ang natalo. Wala akong kakampi. Nagsisisi talaga ako na sila ang kaibigan ko eh.
"Oo nga pala! Kailangan ko nang pumuntang klase" pagpapaalam ni Jason. Tumayo din si Ethan.
"Aattend na din ako" bored nitong pagsang-ayon. Matapos 'yun ay umalis na sila at naiwan kami ni Charlestin sa aming tambayan. Pahiga higa lang siya do'n.
"Pero, walang halong biro, Bro. Ang galing mong umarte do'n ah. Nakakatawa ang mga nangyari. Kung nandoon siguro ako baka hagalpak na ko dun. Salamat sa paghihiganti mo para sakin, Bro. Ang sweet mo naman" nairita ako nung lumapit siya at yumakap na parang babae. Minsan may saltik talaga 'to eh. Pilit ko siyang inilayo.
"Ano ba?! Oo na! 'Wag ka ngang yumakap sa'kin ng ganyan. Bading ka ba?! Oy. Hindi tayo talo!!" inis na pagpigil ko sa kanya. Tumigil siya at lumayo.
"Eww bro. Sayo lang ako sweet noh" nang-aasar talaga siya. Pilit niyang pinapaalala sa kin ang babaeng iniwan ako. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Stop that. You don't perform it well" inis na kumento ko.
"Ahhh. Gano'n ba? Hindi ko kasi alam kung pano sayo si—" agad ko siyang pinutol at nagsalita.
"Shut up!" inis na utos ko sa kanya. Tinawanan niya lang muli ako.
"Oh siya. Titigil na po. Kamusta nga pala 'yung babaeng amazona na 'yun? 'Yun lang ba ang gagawin mo sa kanya?" napangiti ako ng nakakaloko atsaka nagsalita.
"'Wag kang mag-alala dahil umpisa pa lang 'to..."
...
A.N. Awuuu! Sino kaya 'tong pinag-uusapan nila? Sino si mysterious girl ng isang Craige Aiko? Sana ako 'yon. Charotttt.
Enjoy reading.
Don't forget to Vote, Comment, and Recommend this story. Lovelots.
BINABASA MO ANG
Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]
Teen FictionChrysanthe across a man named Craige in her college life. Will their life also across each other? Will love be made after knowing each other? Will they achieved to be successful in one's challenges? Everyone has it's own past. Will they try to conqu...