The Two Gangs
(Chrysanthe Marie Landicho's POV)
"Chrysan!" agad kong pinuntahan si Mama.
"Yes, my mudrabells?" sagot ko. Napakunot naman ng noo niya.
"Anong mudrabells ka diyan?! Ikaw na bata ka, baka gusto mong matuktukan. Oh, heto ang baon mo" inis na sambit ni Mama. Tinawanan ko lang siya at kinuha ang baon ko.
*Tok* *Tok* *Tok*
"Mukhang nandyan na sina Eliana. Sige na at umalis ka na" agad kong nginitian si Mama at niyakap.
"Okie. Bye po, mudrabells" pagpapaalam ko.
"Hoy, mga balasubas! Pumasok na din kayo! Ang babagal niyo kasi kumilos eh!" pang-aasar ko sa mga kapatid kong kagigising pa lang. Napakamot na lang sila ng ulo nila. HAHAHA.
"Bye, Ate C! Ingat!" boring na pagpapaalam ng mga ito. Agad akong nagpunta sa pintuan at binuksan ito.
"Wazzup, mga Uda—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nung makitang ibang mukha ang nasa harapan ko ngayon.
"Good morning, Amazona" pagbati nito sabay kindat pa. Naningkit ang mata ko sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito ha?!!" inis na inis na sagot ko sa kanya.
"Masama bang sunduin ko ang tutor ko?" napairap ako sa sinabi niya. Jusko po. Para-paraan eh.
"Anak? Sino siya?" napatalon ako sa gulat nung marinig ang boses ni Mama. Patay ako.
"Hello po, Tita. Ako nga po pala si Craige Aiko Buenavista—ang boyfriend po ng anak mo" nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Napanganga din ako sa sobrang gulat.
"Huh? Ano? Boyfriend ka ng anak ko?" pati si Mama ay hindi makapaniwala. Patay ako dahil bawal pa talaga kami magkaboyfriend o girlfriend. Kasi kapag ganun, hindi na kami pag-aaralin dahil mag-aasawa na raw kami.
"Joke lang po, Tita! Hindi na po kayo mabiro. Tutor ko po siya. Sinundo ko po siya para magpaturo" nakahinga ako ng maluwag nung bawiin niya ang sinabi niya. Marahang napatawa si Mama.
"Hay naku. Palabiro ka palang bata ka. Pero 'yung totoo? Hindi 'yon magandang biro ha! Bawal pa magkaboyfriend itong anak kong 'to eh" puna ni Mama.
"O siya sige. Umalis na kayo dahil baka malate pa kayo" utos ni Mama. Tumango kami sa kanya atsaka hinatak si Craige papalayo ng bahay namin. Mabuti na lang at maagang umalis si Papa. Nang makalayo na kami ay agad ko siyang piningot.
"Hoy! Ikaw na lalaki ka. Nakakainis ka din eh noh! Pa'no kung hindi naniniwala sa'yo si Mam, edi hindi na ako makakapag-aral ngayon. At 'yon ay dahil lahat sa'yo!" galit na sigaw ko sa kanya at dinuro-duro siya. Ngumiti pa ito at nagkamot ng batok.
"Chill. Sorry na. Masama bang magbiro kahit minsan?" umigting ang panga ko sa sinabi niya.
"Oo! Hindi mo kasi alam na minsan 'yang mga birong 'yan, nakakasakit na!" singhal ko sa kanya.
"Sorry na nga eh. Hindi ko naman sinasadya eh. Bati na tayo?" paghingi niya ng tawad at ibinigay ang isang piraso ng dairymilk. Napaiwas ako ng tingin at umirap sa kanya. Padabog kong kinuha 'yung chocolate niya.
"O sige na nga. Forgiven na! 'Wag mo na lang uulitin!" medyo inis ko pa ring tugon sa kanya. Nang tingnan ko siya ay ngumiti lang siya sa'kin. Inirapan ko lang ulit siya. Inilagay ko sa loob ng bag ko ang chocolate na bigay niya at pagkatapos ay naglakad na. Hinayaan ko na lang siyang sumabay sa'kin.
BINABASA MO ANG
Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]
Teen FictionChrysanthe across a man named Craige in her college life. Will their life also across each other? Will love be made after knowing each other? Will they achieved to be successful in one's challenges? Everyone has it's own past. Will they try to conqu...