Chapter Twenty Four

18 2 0
                                    

Getting Close

(Celosia Joy Vidallon's POV)

"Hey" nakangiti akong napalingon sa lalaking nagsalita. Nakatungo ang ulo nito na tila ba ay nahihiya. Agad akong lumapit sa kanya at tinapik siya sa kanyang balikat.

"Hey! Tara na" payayaya ko sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot. Agad kong ibinigay ang bag ko sa kanya na agad din naman niyang kinuha. Nakita ko ang ngiti sa labi niya kaya napangiti na rin ako.

"Heto oh" sabi ko at ibinigay sa kanya ang isang mint-flavored bubblegum. Napatingin naman siya sa'kin kaya nginitian ko siya. Ngumiti siya at kinuha ito atsaka kinain at nginuya. Nagsimula na kaming maglakad.

"Siya nga pala!" napatingin ako sa kanya nung magsalita siya.

"Bakit? Ano 'yon?" tanong ko. Bigla naman siyang umiwas ng tingin.

"Kasi. Ano. Ahmmm" nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya.

"Ahmm. Nagalit ka ba sa'kin nung nakipag-away kami?" mahina at nahihiyang tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan ang langit. Alam kong tumigil rin siya.

"Alam mo, magsisinungaling ako kung hindi pero kahit gano'n pa man, wala na akong magagawa do'n. Mabuti nga at ipinakita mo sa'kin ang totoong ikaw. Hindi ka nagpigil at natakot na ipakita nang tunay mong sarili. Masaya ako dahil do'n..." saad ko at tiningnan siya kaso agad siyang umiwas ng tingin. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Pinaharap ko siya sakin at tiningnan siya ng diretso sa mga mata.

"Masaya ako na hindi ka natakot kaso hindi pa rin tamang makipagbugbugan ka do'n. Mabuti nga at hindi malala ang mga sugat ninyo eh kundi baka nag-alala na kami sa inyo ng sobra. Sana 'wag niyo ng ulitin 'yon, please?" pagpapatuloy ko at pakikiusap sa kanya. Tumango lang siya at umiwas ng tingin. Ang gwapo niya talaga kapag nahihiya.

"Gusto kong tingnan mo ako sa mata at sabihin ang sagot mo" utos ko sa kanya. Sinunod niya naman ako at tiningnan ako ng diretso sa aking mga mata. Ang lalim ng mga 'to. Sobrang lalim ng kahulugan.

"O-o" nauutal niyang sagot kaya napangiti ako at niyakap siya. Ewan ko ba pero gusto ko siyang yakapin sa sobrang saya ko.

"Ahmm. Anong gi–naga–wa mo?" nauutal na tanong niya pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagyakap sa kanya. Naamoy ko ang pabango niya. Shemsss. Ang bango bango. Naadik na 'ata ako sa amoy niya.

"Ang bango mo" kumento ko at pagpuri na rin sa kanya.

"Ahmm. Ta–ma na, pwe–de?" dahil do'n ay bumitaw na ako pero napansin kong namumula siya. Bakit? Nilalagnat ba siya? Masama ba ang pakiramdam niya? Lumapit ulit ako sa kanya at inilagay ang palad ko sa noo niya at ang kabilang palad ko ay nasa aking noo.

"Hindi ka naman mainit ah. Masama ba ang pakiramdam mo? Bakit ka namumula?" takang tanong ko. Napaiwas siya ng tingin.

"Ahmm. Wa-la. Wa–la naman. Ahmm. Okay lang ako" bakit kaya siya nauutal? Tumango na lang ako.

"Sure ka, ha?!" paniniguradong tanong ko ulit. Tumango lang muli siya. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Maya maya pa'y nakarating na kami sa unang lugar kung saan siya nagpakatoo sa'kin. Sa damuhan ng isang bakanteng lote.

Umupo kami roon ng sabay. Kinuha ko ang bag ko sa kanya at inilabas ang aking sketch pad. Napakaganda kasi ng tanawin dito eh. Kitang kita mo ang kalangitan at ang unti unting paglubog ng araw. Agad kong kinuha ang lapis ko at nagsimulang magdrawing.


(Ethan's POV)

Napatingin ako sa kanya. Kinuha niya ang kanyang lapis at tila ay nagdrawing. Agad akong lumapit sa kanya at tiningnan ang idinodrawing niya. Napakagaling niyang gumuhit. Kuhang kuha niya ang tanawin. Hinayaan ko na lang siyang magdrawing at pinanood ko na lang ang paglubog ng araw.


(Celosia's POV)

Nagulat ako nung may biglang pumatong sa balikat ko. Nang tingnan ko kung sino, si Ethan lang pala at nakatulog siya sa balikat ko. Ngayon ko lang napansin na dumilim na pala. Dahan-dahan kong itinago ang sketch pad at gayon na din lapis ko.

Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Ang maamo niyang mukha. Kapag tinitingnan ko ito ay naaalala ko ang kalungkutan na dinanas niya. Kung papaanong mahirap siyang magtiwala. Kung papaanong niloko siya ng mga tao sa paligid niya. At natutuwa ako dahil pinagkatiwalaan niya ako. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at napangiti ako dahil sobrang kagwapuhan na taglay niya. Marahan ko siyang hinalikan sa kanyang noo.

"Salamat sa pagtitiwala, Ethan" naibulong ko. Masaya ako ngayon. At mukhang ganon rin ang puso ko.

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Napaiwas ako ng tingin nung bigla siyang magising.

"Hmm? Tapos ka na bang magdrawing?" pupungas-pungas na tanong niya. Tumango lang ako sa kanya. Agad siyang humiwalay sa pagkakapatong sa balikat ko. Tumayo na rin siya at nagpagpag ng puwetan niya. Gano'n din naman ang ginawa ko. Kinuha na namin ang mga gamit namin.

"Ihahatid na kita sa inyo" pagpipresinta niya. Tumango na lang ako. Ang cute niya pa din at napapangiti na lang ako kapag naaalala ang maamo niyang mukha.

"Bakit? May problema ba?" napatingin ako sa kanya at ngumiti na lang. Umiling-iling ako.

"Wala. Halika na. Uwi na tayo" pagyayaya ko sa kanya.

Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na makilala ka pang lalo, Ethan Gaius Aguila...


(Ethan's POV)

Ang weird. Kanina pa siya nakangiti. May nangyari ba? Maya-maya pa'y nakarating na din kami sa bahay nila.

"O sige na. Babye na. Ingat ka pauwi ah" pagpapaalam niya. Tumango ako. Nagulat ako nung lumapit siya at halikan ako sa pisngi ko. Ano bang?! 'Yung puso ko...

Dugdug... Dugdug... Dugdug...

Pakiramdam ko ay nag-init ang pisngi ko.

"Ehem. Ehem. Gabi na ah" parehas kaming napalingon sa nagsalita.

"Ina!" pagbati niya. Nag-bow naman ako.

"Magandang gabi po" pagbati ko din.

"Sino siya?" tanong nito.

"Ahmm. Wala po. Kaibigan ko lang po. Papaalis na nga rin po siya eh" sagot ni Celosia. Tumango ako.

"Goodnight po" pagpapaalam ko atsaka umalis. Nakakatakot ang nanay niya. Sana mayro'n rin akong ina. Nasa'n na kaya siya?

(Celosia's POV)

"Ikaw na bata ka ha?! Bawal pa magboyfriend!" sermon sa akin ni Ina. Tumango lang ako at niyakap siya.

"Ina, hindi ko naman po 'yun boyfriend. Kaibigan ko lang po siya" sagot ko. Narinig kong napabuntong hininga si Ina.

"Hay naku, Celosia. Ako'y hindi mo madadaan sa gan'yan gan'yan mo ha! Akala mo ba na hindi ko nakitang hinalikan mo siya sa pisngi, ha?" sermon na naman ni Ina.

"Ina, it's just a friendly kiss. Promise hindi pa po ako magboboyfriend. Atsaka wala pa po 'yan sa isip ko" pagdadahilan ko.

"Siguraduhin mo lang ha!" inis na singhal niya atsaka pumasok sa loob. Lumingon muna ako sa labas at nakita si Ethan na naglalakad palayo. Napangiti na lang ako.

Babye. Ingat ka ah...

...

A.N. Asus!! Ibuh talaga. Salamat po sa mga sumusuporta.

Enjoy reading!

Please don't forget to Vote, Comment, and Recommend. Magcomment naman po kayo. Ako po'y naghihintay. Hahaha. So ayun po, lovelots.

Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon