Yes Or No?
A.N. WARNING!! VULGAR WORDS AHEAD.
(Quacey Elizabeth Novicio's POV)
"Please pumayag ka na hija. Ready na ang lahat. Naayos na namin. Kayo na lang ang kulang. May bahay na kayo. Ready na ang venue ng kasal, ang reception at ang mga bisita. Kayo na lang talaga" pagmamakaawa nung babae. Wow ha? Hindi naman kayo excited niyan noh?
"Teka nga po. Ni hindi ko nga po kayo kilala eh" paggiit ko. Napatigil siya at tila ba natauhan.
"Ayyt. Sorry. We're too unprofessional. I'm Charise Arellano and this is my husband, Justin Arellano" pagpapakilala niya.
"Nice to meet you po pero hindi ko kilala ang anak niyo. Baka po mamaya may sa demonyo po siya o ano, edi ako ang nalugi di'ba? Sagrado po para sa'kin ang kasal" paggiit ko ulit. Napatigil ako nung lahat sila ay nanahimik. Anong meron? Tapos biglang nagsink-in sa utak ko ang sinabi ko kanina.
Baka po mamaya may sa demonyo po siya o ano...
Omy! Ang tabil ng dila ko. Agad akong tumungo at humingi ng tawad.
"Naku! Pasensya na po. Hindi ko po sinasadyang sabihin 'yon. Pasensya na po talaga" paulit ulit kong paghingi ng pasensya. Nagulat ako nung napatawa silang mag-asawa nang mahina.
"Naku! Okay lang 'yon. Tingin ko naman ay bagay nga kayo ng anak ko. 'Wag ka ring mag-alala dahil naiintindihan ko ang sitwasyon mo. 'Wag kang mag-alala dahil kanina ko pa tinawagan ang anak ko. Siguro ay parating na din 'yon. OTW na daw siya eh. 'Wag kang masyadong mag-alala dahil masunurin na bata iyun" patawa tawa pa niyang sabi. Nakuha niya pa talagang magbiro ah. Grabe. Ano na Quacey? Kailangan ka ng pamilya mo! Yes na ba or No? Huhuhu.
"Quacey, anak....'Wag kang masyadong mag-isip. Bukas pa naman namin hinihingi ang desisyon mo. Mahal ka namin bilang anak tanggapin mo man o hindi ito. Think wisely" paalala ni Ina at Ama. Tumango ako sa kanila. Grabe ang kalabog ng puso ko nung biglang magsalita si Mrs. Arellano.
"Nagtext ang anak ko. Nandito na raw siya" hindi napakali ang puso ko nung ibalita 'yon ni Mrs. Arellano. Omo. Mamamatay na ata ako dahil sa sakal este kasal na 'yan eh. Hindi ako mapakali. Mas lalo akong kinabahan nung tumunog ang doorbell. Halos mapatalon na nga ako sa sobrang gulat eh.
*DINGDONG* *DINGDONG*
"Anak, ikaw na ang magbukas baka siya na 'yan..."
(Charlestin Arellano's POV)
~Tatakbo, tatalon, sisigaw ang pangalan mo~
~Iisipin na lang panaginip lahat ng ito ohhhhh~
"Hey, Bro! Can you please make that phone shut up! My ears hurt. Bwisett na 'yan oh!! Sagutin mo na nga 'yang kanina pa tawag nang tawag sayo! 'Pag ako 'di nakapagpigil, ibabato ko talaga 'yan kahit Vivo15 pa 'yan!" iritableng reklamo ni Craige.
"Chill, Bro! 'Eto na nga oh. Atsaka 'pag 'to binato mo, ibibili mo ulit ako ng bago" mapang-asar kong saad sa kanya bago lumayo at sinagot ang cellphone ko.
"Oh? Hello Mom?!" inis na sagot ko.
"Anak, pumunta ka na ngayon din dito. Tinext ko naman sa'yo ang address di'ba? Nandito na ang babaeng papakasalan mo at gusto ka na niyang makilala" nairita ako sa sinabi ng Mom ko. Nakakainis talaga siya. Lahat na lang pinapakialam niya. Pati ba naman ang sarili kong buhay. Bwiset!
"Mom! Ilang beses ko po ba dapat ulitin na AYAW KO NA MAGPAKASAL!! THE HELL NO!!" Inis na sagot ko. Inaamin kong tumaas ang boses ko sa pagsagot kong 'yon.
BINABASA MO ANG
Ang B.B. ko (Ang Badboy ng Buhay Ko) [COMPLETED]
Teen FictionChrysanthe across a man named Craige in her college life. Will their life also across each other? Will love be made after knowing each other? Will they achieved to be successful in one's challenges? Everyone has it's own past. Will they try to conqu...