Chapter 8

13.5K 311 4
                                    

"Bakit nyo po ako pinatawag, Mommy?" Tanong ni Nica sa ina ni Leo. Pagkatapos nyang magtrabaho ay ipinasundo sya ng ginang sa driver nito. May importante daw silang pag-uusapan kaya sya pinatawag ng dis oras ng gabi. Kasalukuyan silang nag-uusap sa library kung saan sila unang nagkita't nagkakilala ng Ginang.

"Gusto ko lang sanang ipaalam sayo na may gustong pumapel muli sa buhay ng anak ko. Nandito sya sa bahay kagabi pero umalis din sya kaninang umaga. I'll be honest with you, darling. I don't like her. Ikaw ang gusto ko para sa anak ko."

Bigla syang nanlumo sa sinabi nito. Napayuko sya at nilaro ang mga daliri nya. "Pero Mommy. Wala na po akong magagawa kung mahal pa rin nila ang isa't-isa. Katulad nga po ng sinabi ko dati, matalino po ang anak nyo at kaya nyang magdesisyon mag-isa.

"Hindi ka ba nasasaktan, hija? Hahayaan mo na lang ba mapunta sa iba si Leo?"

Pakiramdam nya sinaksak ang puso nya ng milyong beses. Ini-imagine nya pa lang na masaya ito sa piling ng Claire na 'yun kagabi ay parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso nya. Hindi sya kailanman naging possessive sa isang lalake. Pero simula ng dumating sa buhay nya si Leo ay nagbago ang lahat. Simula ng inakala nyang may espesyal na nararamdaman si Leo sa kanya ay gusto nyang sya lang ang tanging babae na pagtutuonan nito ng pansin. Kaya ng malaman nya na pinili nitong pumunta sa airport para sa Ex nito kesa sa maka-date sya ay parang pinipiga ang puso nya.

"Don't deny what you feel, darling. Alam kong nagseselos ka kay Claire. But you don't need to worry dahil ikaw ang gusto ng anak ko."

Inangat nya ang tingin dito. "Mali po kayo, Mommy. Hindi ko po mahal si Leo."

"Darling. Believe me. Mahal mo ang anak ko. Hindi ka mababalisa ng ganyan kung hindi. Ayaw mo syang mapunta sa piling ng ibang babae, diba? What are you going to do about it? Hahayaan mo na lang ba na maagaw sya ni Claire sayo?"

Bigla syang napaisip. Hell no! Hindi ako papayag na mapunta si Leo sa iba!

And then it hit her. Mahal na nga nya ang binata. Napahilamos sya ng palad nya nang mapagtanto ang bagay na 'yun.

"Ano ba 'tong pinasok ko?" Tanong nya sa sarili.

"Hija, i know that you're confused. Pero kapag hindi mo babantayan ang anak ko ay baka nakawin sya sayo. Ikaw din, baka pagsisihan mo."

Bigla syang napatayo. "Nasaan po si Claire?" Gagawin nya ang lahat para hindi maagaw sa kanya si Leo. Kahit unrequited love ang namamagitan sa kanilang dalawa. Magagawan nya naman siguro ng paraan 'yun. Siguro matututuhan din syang mahalin ng binata. Gagawin nya ang lahat para mahalin sya nito.

A huge smile formed in Leo's mother's lips. "Huwag kang mag-alala, Nica. Tutulungan ka namin ni Matchmaker na itaboy si Claire. After all, si Matchmaker ang dahilan kung bakit umuwi si Claire dito sa pilipinas."

Nanlaki ang mga mata nya. "Si Matchmaker? Bakit nya ginawa yun?! Akala ko ba gusto nyo kaming magkatuluyan ni Leo? Bakit kung kailan nahuhulog na ako kay Leo saka nyo sya ibibigay sa ex nya? Ex na sya kaya dapat wala na sya sa buhay ni Leo! Bakit nyo pa pinabalik yung babaeng 'yun sa buhay nya?" Galit na sumbat nya. Pakiramdam nya ay pinagtutulungan sya ng mga tao sa paligid nya. Hindi sya makapaniwalang ginawa ng Matchmaker ang bagay na 'yun! Ang buong akala nya ay gusto nitong magkatuluyan sila ng binata.

"Nica. I know you're upset. Pero hindi mo mare-realize ang mga damdamin mo para sa anak ko kung wala kang pagseselosan. Since hibang na hibang na sayo ang anak ko ay hindi na 'yun maghahangad ng ibang babae maliban sayo. Kaya naisipan ni Matchmaker na pauwiin si Claire. Kagaya sa mga love stories na nababasa mo, kailangan ng mga bida na ma-realize ang mga feelings nila bago sila magkatuluyan."

Matchmaker's Series #1: Guilty As Charged (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon