Chapter 1

21.8K 509 10
                                    

CHAPTER 1

Na-alimpungatan si Nica nang marinig ang doorbell mula sa kwarto niya. Nagmamadali siyang bumangon at tinungo ang pintuan. Nang mabuksan niya iyon ay bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ng deliveryman.

"Good Morning po Ma'am. Sulat po para sa inyo. Paki receive na lang po." Ibinigay ng deliveryman sa kaniya amg sulat at papel na pipirmahan niya. Nang mapirmahan niya ang receive form ay umalis na ang deliveryman.

"Kanino kaya galing itong sulat?" Tanong ng isip niya. Mabilis niya itong binuksan at nagulat siya nang makitang anonymous ang sender nito. At ang nakalagay sa loob ay isang invitation para sa isang party.

You are invited!
Ms. Veronica Manalo
to Teresa Villaruiz's 60th Birthday!

We expect your presence at Villaruiz's Mansion @Rancho de Villaruiz, Quezon City
8:00 pm, November 14

See you.

"Hala?! Bakit naman ako imbitado sa birthday party ni Ma'am Teresa?" Tanong niya sa sarili. Nagtatrabaho siya sa anak ni Teresa Villaruiz na may-ari ng Lawfirm na pinagtatrabahuhan ng pinsan niyang Attorney for Human Rights. Kilala ang anak nitong si Leonardo Villaruiz bilang may-ari ng Lawfirm na isa sa mga kilala at pinagkakatiwalaang lawfirms sa bansa. Nagtatrabaho rin siya doon bilang Secretary ng pinsan niya. Mahigit dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa naturang Lawfirm pero ni minsan ay hindi niya nakita o naamoy si Leonardo Villaruiz maging ang nanay nito. Kaya nagtataka siya ngayon kung bakit may imbitasyon siya para sa isang magara at malaking party na sigurado siyang puro mayayaman at maaarte ang dadalo. Napabuntong-hininga siya.

"Anak, ano yang hawak mo?" Tanong ng kaniyang ina na biglang sumulpot sa kaniyang tabi at binasa ang hawak niyang imbitasyon.

"Wow, mukhang magara yang party na pupuntahan mo 'nak ah! Siguradong mapapasubo ka sa englishan jan. Pumunta ka kaya jan 'nak? Baka malay mo makabingwit ka ng malaking isda."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng ina. "Nay naman eh! Naririnig nyo ba sarili nyo? Binubugaw mo na ako eh! Gusto mo bang mag-asawa ako ng maaga ha?!"

"Anong maaga? Magte-trenta ka na sa susunod na buwan! Bata ka pa ba? Hay naku Veronica! Bakit kasi hindi ka makipag-date? Gusto ko ng magka-apo! Para naman may pag-aaksayahan ako ng oras at pawis! Nababagot na ako dito sa bahay."

"Sige ka! Baka maging totoo 'yang hinihiling mo! Baka mamayang gabi makipagtalik ako sa lalakeng hindi ko kakilala! Gusto mo pala ng bastardo eh! Who am i to avoid sex? Balita ko nga masarap daw yun!" Isinara niya ng malakas ang pinto sa harap ng bahay nila at nagwalk-out!

"Veronica! Bumalik ka ditong bata ka! Aba! Huwag na huwag kang magwo-walk out sa harap ko. Makakatikim ka ng palo ng tsinelas! " narinig niyang sigaw ng ina. Napabuntong-hininga siya at pumasok sa kwarto niya. Kung bakit ba naman kasi nag-iisa siyang anak ni Eleanor Manalo at Robert Manalo!

Mahigit dalawang taon pa lang ang lumipas mula ng pumanaw ang kaniyang ama at silang dalawa na lang ng ina ang magkasama sa buhay. Namatay man ang ama ay hindi sila nagkaroon ng problema sa pinansiyal dahil magaling sa buhay ang huli. Nakapagtabi ito ng savings at insurance na napakinabangan nilang mag-ina nang mawala ito. Kaya nagsumikap siyang kumayod sa trabaho para hindi masayang ang pahihirap ng kaniyang namayapang ama. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa pinsan niyang Attorney bilang sekretarya nito at malaki-laki rin ang kita niya, sapat na para sa pangangailangan nilang mag-ina.

Nagmamadaling idinial ni Nica ang number ng pinsan niyang si Attorney Andrew Manalo.

"Nica bakit ka napatawag? Hindi ba Day-off mo ngayon?" Nagtatakang tanong ng pinsan niya.

Matchmaker's Series #1: Guilty As Charged (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon