Chapter 1.2

5.3K 161 3
                                    

Chapter 1.2


"WOW, Nica! You look stunning! Maganda ka pala kapag binihisan? Kaso black pa rin ang kulay na pinili mo. Para ka talagang may-ari ng punerarya."

Napasimangot siya sa pinsan nang nilapitan siya nito sa chocolate fountain.

"Akala ko ba hindi ka pupunta dito? Kung alam ko lang sana edi dapat hindi na ako nag-abalang pumunta." Kahit kailan talaga ay malakas mang-asar ang pinsan. He looks mesmerizing in his formal attire pero para sa kaniya, ito pa rin ang pinsan niyang unggoy. Hindi niya nga maintindihan ang sarili kung bakit nagtiis siyang magtrabaho dito ng mahigit dalawang taon.

"No kidding, you look so pretty. Kanina ko pa pinipigilan ang mga eligible bachelors sa paligid na lumapit sayo."

"Akala ko ba gusto mo akong makapag-asawa? Bakit pinipigilan mo mga lalake ng yun?"

"Because i know they are after one thing... And that is to satisfy their sexual needs. Alam mo kasi, kaming mga lawyer ay nakakaintindi ng body language. Kaya alam namin sa isang tingin kung ang isang tao ay good or naughty." He winked at her. Napasimangot siya.

"So mukha akong prostitute, ganon?"

"Tsss.. Not that! Hindi mka ba nanalamin kanina sa bahay mo bago ka umalis? You look so hot. Your gown complimented your curves. Kaya kahit sino ay maa-attract mo. Ewan ko ba kung bakit black ang naging favorite color mo. Mukha kang namatayan araw-araw. Kaya ang nakikita ko ngayon ay ibang version mo. Nag-iba awra mo eh."

"Ikaw nga pink favorite color mo." Napasimangot ang pinsan niya sa kaniyang sinabi. That's her cousin's greatest secret. Napahalakhak siya.

"Solid burn, returned!" Kinindatan niya ang pinsa at lumayo na rito. Her cousin is a very good lawyer pero kapag sila na ang nag-debate ay lagi itong talo.

"Ma'am, wine?" Alok ng isang waiter na lumapit sa kaniya na may bitbit na tray ng ibat-ibang liquors. Kinuha niya ang isang kopita ng alak at tinikman ito.

"Mmmm... Masarap." Inubos niya sa isang kisap -mata ang isang kopita ng wine.

"Anong wine ito?" She unconsciously asked the waiter.

"It's the Beaumont 1962 by Hidalgo Wines and Distilleries. Regalo po yan ng Pamilya Hidalgo for the Birthday Celebrant. Pero Ma'am hinay-hinay lang po sa pag-inom dahil madaling makalango ang wine na yan." Sagot ng waiter.

"Can i have one again, please?"

Binigyan siya ng waiter ng isang kopitang wine na kapareho ng ininom niya bago ito umalis. Naghanap siya ng mauupuan sa paligid ng gazebo ngunit wala siyang makita dahil sa sobrang dami ng bisita. Then she saw a mini-greenhouse sa di-kalayuan. Walang mga bisita sa badang iyon dahil bukod sa madilim ay mukhang nakakatakot pa ang hitsura dahil na rin sa mga estatwa na nasa harapan ng entrance na ito. Nagtungo agad siya sa lugar na iyon ar bumungad sa kaniya ang mga patay na halaman sa loob nito at sa pinaka-sentro ng greenhouse ay may isang table for two. Mukhang abandonado na ang greenhouse dahil bukod sa sira ang mga ilaw ay mukha pa itong hindi nalinisan.

"Sayang naman itong lugar na to kung hindi lilinisan at tatamnan ulit ng mga halaman. Malaki pa naman sana." Bulong niya sa sarili.

"May tao ba dyan? " Tanong ng isang lalake sa labas na parang papasok sa greenhouse. Mabilis niyang ininom ang isang kopita ng wine at nagmamadaling tumakbo sa kabilang pintuan ng greenhouse para hindi sila magkasalubong ng lalake.

"Patay! Baka restricted area ang napasukan ko!" Nang mapansin niyang wala siyang mapagtataguan maliban sa mansyon ay nagmamadali siyang pumasok sa pinaka-likod na bahagi ng mansyon at napadpad siya sa maid's quarters. Napatingin sa kaniya ang dalawang mid-50's na babae na naabutan niyang nagku-kwentuhan. Ngumiti siya ng alanganin at kinagat ang labi sa sobrang kaba. Patay! Huling huli na talaga ako sa akto! Baka makasuhan pa ako ng tresspassing! She whispered.

Matchmaker's Series #1: Guilty As Charged (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon