PROLOGUE

20.2K 409 3
                                    

PROLOGUE



"SIGURADO ka ba na gagana ang plano mo para sa anak ko?" Tanong ng ginang sa babaeng nasa kanyang harapan.

"Don't worry, Mrs. Villaruiz, I'll make sure na magkakatuluyan ang anak mo at ang babaeng ipapasok ko sa buhay niya. Just follow whatever I want you to do and we'll be fine," Confident na tugon ng babaeng naka-shades at naka-wide brimmed hat. Inilibot ng babae ang paningin sa mga painting na nakalagay sa wall ng mansyon ng mga Villaruiz.

"I can tell na magaling na lawyer at businessman ang iyong unico hijo, Mrs. Villaruiz. At the age of thirty-seven ay nagawa niyang palaguin ang isang pipitsuging lawfirm dati. And now, his lawfirm remains as one of the most trusted firms here in the Philippines." The lady smiled.

"Do you think I don't know that? Kaya nahihirapan din akong kumbinsihin na mag-asawa ang anak ko. I don't want him to grow old alone. Gusto ko sya makitang makapag-asawa at magkaroon ng maraming anak bago ako mamatay. Lahat naman yata ng magulang ay 'yon ang nais para sa kanilang mga anak." Napasandal si Mrs. Villaruiz sa sofa at napahilot sa sentido. "Damn that kid for being such a brute and dense."

"Well then, let me start the show. It's nice doing business with you, Mrs. Villaruiz." The lady offered her hand for a handshake. Tinanggap naman ng ginang ang kamay ng babae na nasa harap nya.

"Thank you din, Matchmaker. Sigurado ka bang gusto mo na tawagin na lang kita sa alias mo? Why don't you give me your real name?"

"Because as soon as my job is done, mawawala na ako sa buhay niyo at hindi niyo na ulit ako makikita unless you'll be in need of my services again. Have a great day, Mrs. Villaruiz." Akmang aalis na ang matchmaker ngunit pinigilan ito ni Teresa.

"I'm curious-"

"About how would I do it? Quite simple, actually. Nakikihalubilo ako sa kanila bilang isang normal na tao sa paligid nila. Ako ang magsisilbing tulay para mahanap at mas makilala pa nila ang isa't-isa." Nilingon ng matchmaker ang huli. "I'm a very good actress, Mrs. Villaruiz, especially when it comes to my job." A mischievous smile formed on the lady's lips before leaving Mrs. Villaruiz in the study room.

Matchmaker's Series #1: Guilty As Charged (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon