Chapter 3

3.9K 111 1
                                    

A year later...

"LANDON, okay ka lang? Isang taon pa lang kayo 'tapos yayayain mo nang magpakasal? Why are you rushing?" Pinanatili ni Valeen na kalmado ang tinig kahit na gusto na niyang lagyan ng sandamakmak na exclamation point ang mga tanong.

He was helping her with his thesis when he suddenly told her that he wanted to ask Cedes to marry him. Sumasakit na ang ulo niya sa pesteng thesis, dinagdagan pa ng nakakairitang si Landon.

"Hindi naman importante kung isang buwan o sampung taon na kaming mag-on. Mahal ko siya."

Oo na! Huwag mong paulit-ulitin, nakakainit ng ulo! "Oo nga, nandoon na tayo. Mahal ninyo ang isa't isa, wala namang kumekwestyon doon. Pero mas maganda siguro kung pag-iisipan mo pa," payo niya. "Hindi maliit na isyu ang kasal. Pinaghahandaan iyan, emotionally, physically—"

"Hindi pa kami magpapakasal, aalukin ko pa lang siya," putol ni Landon sa sinasabi niya. Desidido na ang mokong. At ewan niya kung bakit desidido rin siyang baguhin ang isip nito.

"Pero magpo-propose ka, ang ibig sabihin lang noon ay handa ka nang pakasalan siya anumang oras," giit niya.

"I can't imagine myself living without her," ani Landon, kumikinang ang mga mata habang dinudurog ang puso niya.

"Hindi naman siya hangin," pabulong niyang wika ngunit nasagap pa rin ng mga tainga nito.

"Stop being sarcastic, Val. You'll understand when you fall in love," sabi pa nito.

Siya pa talaga ang sinabihan nito ng ganoon? Mahal na niya ito noon pa! Oo, naiintindihan niya ang pagnanais nito, ang pagmamadali nitong iangat sa susunod na lebel ang pag-iibigan nito at ng nobya, gets niya iyon dahil ganoon din naman ang gagawin niya kung sakaling minahal siya nito. Baka nga siya pa ang mag-propose. Pero kahit gaano pa niya intindihin ang lahat ay hindi pa rin niya maiwasan ang masaktan.

"Yeah," sabi na lang niya. Mula nang ipakilala nito sa kanya si Cedes ay nagkunwari siyang wala ng damdamin para sa lalaki. Hindi na niya kailanman inungkat ang pagkakagusto niya rito at naging dahilan yata iyon para mas maging malapit pa sila sa isa't isa.

"So, tutulungan mo ba akong magplano para sa proposal ko?" ngiting-ngiting tanong ni Landon sa kanya.

Iniwasan ni Valeen na itirik ang mga mata. Sa dinami-rami ng tao sa mundo ay sa kanya pa ito humiling ng ganoon? Nananadya ba ito? Knowing Landon? No. Hindi siya nito sasaktan. Wala itong intensyong ganoon pero masakit pa rin. Kasalanan din naman niya. Alam naman niyang may mahal itong iba at ang tamang gawin ay ibaling na lang sa iba ang damdamin niya. Kung madali lang sana.

"Sige, 'pag hindi ako busy," sagot niya, labas iyon sa ilong.

"You're really an angel," pang-uuto pa nito sa kanya.

"Isipin mo na lang na bayad ko na iyon sa pagtulong mo sa'kin ditto sa thesis ko."

MALAKING venue, libo-libong sariwang rosas ang nakakalat sa paligid, at isang lalaking nakasuot ng magarang damit habang may tangang isang pumpon ng bulaklak. Isang lalaking kitang-kita ang pagmamahal sa mga mata. Pagmamahal na hindi para kay Valeen.

Mangilid-ngilid ang mga luha sa mga mata ni Valeen habang pinagmamasdan si Landon. Handa na itong mag-propose kay Cedes, si Cedes na walang kaalam-alam sa mangyayari. Wala itong kamalay-malay na tatangayin nito ang isa sa pinakamalaking pangarap niya sa gabing iyon.

The Past Series: He Needed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon